BOC 4: LIKE FATHER LIKE SON

52 0 0
                                    

Sa Amoranto Gallery....


Nakitaan kaagad ni Adonis ng kakaibang galing si Eros sa pagpipinta. Iginuhit nito ang babae na minsan na ring iginuhit ni Adonis, si Aphrodite. Tinanong ni Adonis kung sino ang kanyang iginuhit. Sinabi niyang mommy daw niya iyon at iyon ay nakita lang niya sa loob ng kanyang kuwarto. Nagtaka si Adonis kung saan kuwarto ang tinutukoy ni Eros. Tiningnan ni Adonis ang listahan ng kanyang mga estudyante ngunit laking pagtataka niya dahil blangko ang pangalan ng guardian ni Eros. Hindi naman makaimik si Amoranto. Hindi rin niya kilala ang magulang ng bata. Yaya lang ang madalas nitong kasama. Nakaalis na si Adonis ng sunduin naman ni Aphrodite si Eros. Nagulat si Guiller ng makita doon ang dalaga.


"Aphrodite! Aphrodite! Ikaw nga...."

"Tito Guiller, kumusta na po?"

"What brings you here? Angtagal mong nawala"

"We just arrived last two weeks ago, Tito Guiller. I went here to see you but you're not around. Noong makita ko po ang tarp ninyo about the ArtWork shop, we enrolled... "

"We? Sinong kasama mo?" Tumakbo si Eros palapit kay Aphrodite. Niyakap ng bata ang ina ng makita niya ito sa gallery. Nagtext kasi siya sa yaya na susunduin niya ito at ihahatid sila sa bahay saka babalik sa OGC dahil aalis sila ni Ares.

"Sino siya?"

"Tito Guiller, anak ko po"

"Anak mo? How come I didn't hear anything from you for 5 years."

"Tito masyadong mahabang kuwento. But I'm back for good."

"Anak mo pala si Eros... Kaya pala, mukhang may pinagmanahan..."

"Tito Guiller, anak namin siya ni Adonis..." Ngunit iba ang ibig sabihin ni Guiller kung kanino ito nagmana.

"Ha! kay Adonis..."

"Hello, Eros...How are you?"

"Want to see my painting?" Ipinakita ni Eros ang larawan ni Aphrodite. Hawak ni Amoranto ang iginuhit ng bata. Nakita niya ito sa collection ng kanyang ina sa mansion.

"Mukhang nakuha niya ang galing ng kanyang ama" Sabi nito.

"What did you say?"

"Nothing, Eros. Wow! This is so amazing! You really made this..."

"Yes. What do you think? Am I going to be a great painter?"

"Yes, yes, that's for sure. You really have to practice."

"Mom, I want to be a great artist."

"Sure you will...Tito Guiller, aalis na po kami. Say bye, Eros"

"Bye, Maestro" Natawa si Guiller sa slang na pagkakasabi ng bata.

"See you tomorrow"


Inihatid niya ang anak at yaya nito sa bahay bago bumalik sa OGC. Ginabi na si Ares at Aphrodite sa department store. Kumain na rin sila sa labas.


"How's your day?" Tanong ni Ares.

"Just tired... Sinundo ko kasi si Eros sa Amoranto Gallery kanina. Nagkausap kami ni Tito Guiller. angganda ng painting ni Eros. Nakagawa niya ng kanyang sariling version ng painting na nasa kuwarto niya"

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon