BOC 3: FLEE FROM U.S.

59 0 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Natuloy ang kasal nina Venus at Phoenix makaraang ang isang buwan. Pagbalik ng ina mula sa Amerika ay hindi na naging malamig ang pagsasama nila ni Zeus.


Mabait si Ares kaya naipagkatiwala niya si Aphrodite sa binata. Alam ni Hera tutol ang anak sa ideya ngunit wala siyang choice. Gusto naman ng binata na panagutan ang ipinagbubuntis ni Aphrodite ngunit ayaw ng dalaga. Sinundan ni Ares si Aphrodite sa ibang bansa . Sinuyo niya ang dalaga ngunit hindi iyon naging madali para kay Aphrodite. Naging mailap ito sa binata. Madalas niya itong balewalain sa bahay. Habang kulang na lang ay doon na rin tumira ang binata.


Asikasong - asikaso siya ni Ares lalo na sa pagkain. Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin. Kahit saan pumunta ang dalaga ay nandoon din siya sa pag-aalala na baka kung mapaano ito at ang batang ipinagbubuntis niya. Maging ang gamot ay kabisado na niya kung anong oras dapat itong inumin. Pati ang mga bawal ay alam niya. Kahit ayaw siyang pasamahin ni Aphrodite sa kanyang monthly check up dahil madalas siyang napagkakamalang asawa ay ikinatuwa ni Ares.


"Wala ka bang bahay? Bakit ba palagi kang nandito? "

" Wala naman akong masamang ginagawa a"

"Sa halip na sa akin ka dikit ng dikit ay maghanap ka ng dalaga. Ligawan mo para may sarili kang anak"

"Ito ang gusto kong gawin... "

"Dahil mahal mo ako?"

"Oo... dahil mahal kita"

"Ilang beses ko nang narinig yan. Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan sa akin. At ngayon ko napatunayang may mga lalaking martir din pala at dumagdag ka pa"


Biglang napangiwi si Aphrodite. Nakaramdam siya ng kakaibang sakit sa kanyang tyan. Hindi niya namalayang humihilab na pala ito. Hindi na ito tumigil kaya kahit anong tutol niya ay isinugod na niya ito sa ospital. Doon na nanganak si Aphrodite. Eros ang pangalan ng batang lalaki. Tumayo bilang ama ng bata si Ares. Sinamahan niya ang mag-ina at hindi umalis sa tabi nila.


Matagal na sinuyo ni Ares ang dalaga. Ngunit desidido si Aphrodite alagaan si Eros ng mag-isa.


Unti-unting nagiging mabait si Aphrodite kay Ares. Itinuring niya itong matalik na kaibigan sa kabila ng katotohanang lalong napapamahal si Ares sa kanya.


Minsan, hindi sinasadya ang mga pangyayari. Nag-aaral pa lang si Aphrodite na maging ina kaya ng umiyak si Eros ay nataranta na ito. Ni hindi niya ito mapatahan. Ngunit ng kunin siya ni Ares ay tumahimik ito at nakatulog sa kandungan ng binata. Inilapag ni Ares ang bata sa krib habang pinagmamasdan ni Aphrodite. Paglingon niya, hindi sinasadyang nasa balikat pala niya ang binata at titig na titig din sa sanggol.


Hindi na napigilan ni Ares ang sarili. Matagal na niyang gustong halikan ang dalaga. Di sinasadyang nahalikan siya ni Aphrodite. Tinugon niya ang halik na iyon. Mainit na halik at puno ng pagmamahal. Mahal na mahal niya ang dalaga upang magsakripisyo nang ganun. Alam ni Aphrodite na hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iyon ngunit kahit ipagtabuyan niya ng ilang beses ang binata, hindi nito magawang lumayo sa kanya.


"Huwag kang baliw, Ares. "

"Baliw ba ang umibig ng tapat at totoo? Pareho lang tayo. Umaasa akong mamahalin mo dahil tanggap kita kahit ano ka pa."

"Sapat na sa akin na mayroon akong anak"

"At tatayo akong ama niya"

"Hindi puwede dahil kahit kailan ay hindi mo puwedeng ikaila na anak pa rin siya ni Adonis"

"Ang pagiging ama ay hindi lang dahil mula siya sa semilya ni Adonis. Kaya ko rin maging ama para kay Eros"


Ilang beses na ring napatunayan ni Ares na kaya niyang tumayong ama para kay Eros. May mga gabing hindi siya uuwi sa kanyang tinitirhan para lang makasama ang mag-ina. Hindi namamalayan ni Aphrodite na umiiyak ang bata dahil basa ang diaper nito kaya si Ares ang gumigising. May pagkakataong siya rin ang nagtitimpla ng gatas nito. May pagkakataong magkatabi ang dalawa habang nakatulugan na rin ni Ares na patulugin ang bata.


Lumaki si Eros na si Ares ang nakikita ngunit hindi ibig sabihin ay siya na ang kikilalaning ama ng bata. Habang lumalaki ito, Tito ang tawag niya kay Ares.


Si Aphrodite ay nagpatuloy na kanyang OJT kay Vanilla via online. Nakakapagpasa pa rin ito ng mga disenyo ng damit sa kanya. Wala ng imposible ngayon lalo na pagdating sa teknolohiya. Sinubukan niyang mag-part-time job sa maliliit na boutique sa Amerika kaya naman kahit paano ay may kita siya at natutustusan ang pangangailangan ni Eros.


Hindi niya tinatanggap ang perang bigay ni Ares. Maliban lang kung may binili ang binata para sa kanyang anak tuwing kasama nila itong mamasyal sa Park Square.


"Huwag mo siyang bilhan ng mamahaling laruan. Sisirain lang niya iyan at baka masanay siya sa iyo. Hindi ko maibibigay ang luhong kaya mong ibigay kaya..."

"Minsan lang siya maging bata, Aphrodite. Pasensiya ka na kung masyado kong sinasaklawan ang pagiging ina mo sa kanya"

"Ares, hindi naman yun ang ibig kong sabihin"

"Yeah, I know... Natutuwa lang ako sa kanya. Kung tunay ko siyang anak..."

"Ares..."

"Okay, I'll stop..." Tumahimik na lang si Ares. Hawak na ng bata ang toy car na nagustuhan nito at hinila siya sa cashier.

"See, that's what i am telling you" Napailing na lang sina Hera at Aphrodite. Spoiled kasi kay Ares si Eros.


Masaya na rin si Hera dahil sa pagtitiyagang ipinapakita ni Ares. Kahit paano ay may father figure si Eros. Alam ng bata na hindi naman niya ito ama. Sa katunayan, Tito ang tawag niya dito. Kapag niloloko siya na tawaging daddy si Ares ay hindi nito ginagawa. Matalinong bata si Eros. Ngingiti lang ito at yayakap kay Aphrodite.


Pinagsabihan na niya si Ares ng maraming beses ngunit wala siyang magawa. Paano niya pipigilan ang pusong nagmamahal? Ang inaalala lang niya ay dumating ang araw na magkitang muli si Adonis at Aphrodite... Kahit ayaw niyang masaktan ang dalawang binata, hindi maiiwasang mas masasaktan si Ares dahil lumaki na sa kanya si Eros.




LOVE LEADS YOU TO WHERE YOU WANTED TO BE.....

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon