BOC: APHRODITE

87 5 0
                                    

Abala ang mansion ng Enriquez ng araw na iyon.


Ang mga kusinero't kusinera ay may kanya-kanyang niluluto. Ang ilang kasambahay ay naghahanda na ng hapag-kainan. Isa-isa nang bumaba ang magkakapatid na Enriquez. Lulugo-lugo ring bumaba si Aphrodite. Halatang namumutla ito sa hang-over ng nagdaang gabi. Hindi naman siya nakipag-inuman dahil bawal iyon sa kanya. Bawal dahil lumalabas ang allergies niya. Bawal sa kanyang kalusugan. Bawal dahil na rin sa edad niya.


Naka-executive outfit ang dalaga. Naka-long sleeves na puti at may manipis na animo'y red ribbon na itinaling parang necktie. Naka-red pencil cut ito na palda at puting puting wedge shoes na may 3-pulgada ang taas.


Nagkatinginan na lang ang magkakapatid habang sa kabila ng lahat ay magana pa rin siyang kumain.


"Huwag ninyo akong tingnan na para bang isang malaking kasalanan ang kumain kahit masama ang pakiramdam ko"

"As we suspect, parang palaging masakit ang ngipin mo ,Sis. "

"Masuwerte ka nga dahil hindi ka naman tumataba"

"I envy you , Sis. Wala kang ka-effort –effort para mag-diet"

"Still sexy for her age...Noong nasa ganyang edad ako, nag-iisip-isip na ako kung paano ako magda-diet."

"So far, walang effective sa lahat ng sinubukan mo."

"Tomoh! But when I started to have a crush, I really made an effort na magpa-sexy para lang mapansin niya ako"

"Ang tanong, successful ba?"

"TInatanong pa ba yun?"

"Syiempre, hindi...Mas masarap kumain eh. Papalitan ko na lang ang crush ko" Nagkatawanan ang mga magkakapatid. Masaya silang sinaluhan ng mag-asawa. Isa-isang tumayo ang mga babae at binate ng halik ang ama't ina.

"Good morning, Mom, Dad. Happy anniversary po sa inyo ni Dad!"

"Thanks, mga iha" Naupo sila at muling kumain.

"So , we have a grand celebration tonight. Don't forget..."

"YES, DAD, MOM!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Nananahimik ang tatlong dalaga maliban kay Aphrodite na halos nakapaglagay na ulit ng panibagong kanin sa plato.

"Oh, my... Aphrodite. Baka ka ma-late sa ginagawa mo"

"Kaya nga ako maagang gumising para makakain ako ng maayos"

"Are you not on a diet?"

"Not even in my vocabulary" Sabi ni Aphrodite.


Napangiti na lang ang ina. Totoo naman ang sinabi niya. Kahit kailan, ganun talagang kumain ang dalaga pero hindi nga lang siya tumataba. Tulad niya, apat na ang kanyang anak na babae pero slim pa rin ang katawan nito sa edad ng limampu't walo.


Fine Art student si Aphrodite specialized in Fashion Designing. Pumapasok siya sa sikat na Salud Fashion School. Hilig niya ang pagsusuot ng damit pati na ang pagdidisenyo ng damit. Sa paaralang ito niya natutunan ang mga de-kalidad na uri ng tela sa bansa at maging sa ibang bansa.


Nahasa ang kanyang talent sa pagguhit ng iba't ibang disenyo ng kasuotan sa lahat ng okasyon para sa iba't ibang uri ng tao, bata, matanda, sosyal at pangkaraniwang tao.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon