BOC 2: PAINT MY LOVE

58 2 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Magaan ang pakiramdam ni Aphrodite paggising nito kinabukasan. Gumising siya ng maaga. Tinanong niya si Florence kung ano ang ihahanda nito sa almusal. Bihis na si Adonis ng bumaba ito. Aakyatin na sana siya ni Aphrodite para sabay na silang kumain. Humalik ang dalaga, hindi sa pisngi kundi sa labi. Ngumiti ng abut-tenga.


"O, bakit namumula ang pisngi ng aking diyosa?" Puna ng binata.

"Ha!? Ako, namumula? " Hinawakan ang pisngi at ramdam ang init nito. Napakagat siya ng labi sa sobrang hiya.

"Halika, kain na tayo. Mukhang masarap ang almusal natin ngayon a" Sabi ni Adonis. Ipinaglagay niya ng kanin ang dalaga sa plato nito at pinapili kung anong ulam ang gusto. Siya pa ang pinagsilbihan ng binata.

"Ako na. Kaya ko naman e"

"Ano ka ba? Kunwari, mag-asawa tayo. Bagong kasal... "

"Sus, ano to? Practice?"

"Oo, practicing marriage..."

"Ewan ko sayo. You always have silly ideas. By the way, Friday night ang Fashion Show namin ha! Make sure you are free to come with me"

"Para sayo, mahal kong Aphrodite. Ang diyosa ng kagandahan, bakante ang buong maghapon ko sa Friday lalo na sa gabi"

"Kaya lang baka magkayayaan kayo ng mga kabarkada mo , itext mo na lang ako kung hahabol ka. Puwede ka namang sumama. Baka sabihin mo naman, hindi pa lang tayo mag-asawa, hinihigpitan na kitang mabuti"

"Aphrodite, nanliligaw pa ba sayo si Apollo?"

"Hmmm,matagal ko nang sinabing hanggang friends lang kami. Makulit pa rin siya at hindi niya ako tinatantanan."

"Hindi ba siya nakakahalata?"

"Gusto nga niyang ihatid ako sa bahay nung minsang lumabas kami"

"You went out with him? You didn't even tell me about it"

"Di ba, sa mall naman yung Runway Fashion Show namin"

"OO..."

"Di ba, doon din kami nag-dress rehearsals?"

"OO..."

"So, saan kami kakain?"

"Sa mall..."

"O, lalayo pa ba kami e nandoon na kami. Gusto sana niya sa ibang mall pa kami magpunta. Mapapalayo siya kaya dun na lang kami kumain. Ano? Masama ba yun? Kailangan ko pa bang ipaalam yun sayo?"

"Okay na...Akala ko naman."

"Don't worry from now on I will always consider you in making decisions. Sana ganun ka rin"

"Yes, I will Ms. Desperate..."

"Ikaw, iniinis mo ako. Bakit mo ako sinasabihang Ms. Desperate, Mr. Boyfriend On Call?"

"Ikaw rin iniinis mo ako..." Panggagaya ni Adonis sa sinabi ni Aphrodite. Nagkatawanan na lang ang dalawa.



FASHION SCHOOL



Inayos ni Aphrodite ang lahat ng damit na isusuot ni Apollo. Hindi puwedeng may maiwan siya kahit isa. Maging sa mga sapatos at accessory ay nakahanda ng lahat sa isang malaking transparent durabox. Inilagay sa isang box ang ilang piraso ng mamahaling necktie. Maingat din niyang inilagay sa mga lagayan ang mgap iraso ng men's accessories na mapipiling isuot ni Apollo. Pati ang ilang kahon ng pares ng sapatos ay nakasalansan na rin ng maayos.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon