BOC2 : APHRODITE'S ADJUSTMENTS

67 1 0
                                    

APHRODITE'S POV


Simula ng magkasama kami ni Adonis sa iisang bubong, naging pormal ang pakikitungo namin sa isa't isa. May kasambahay kami na galing sa mansion ng mga Lagdameo. Wala akong inaasikaso sa umaga. Gigising lang ako at kakain. Wala akong alam na gawaing bahay. Uuwi ako na may nakahanda nang pagkain ayun sa utos ni Adonis.


During weekends, nasa bahay lang ako. Late akong gigising at late na ring kakain na agahan. pagkatapos magkukulong lang ulit sa kuwarto. Hindi ako lalabas buong maghapon. Hihiga lang ako sa kama, tititig sa kisame at magmumuni-muni. Isinasarado ko ang kurtina na aking buong kuwarto na napaliligiran ng salamin. Tuwing gabi ko lang iyon ibinubukas pero sa umaga, saradong sarado ito.


Ang totoo, hindi kami madalas magkakuwentuhan ni Adonis dahil ayoko. At ayokong nakikipagkuwentuhan sa kanya. Iniiwasan ko siya kahit maliit lang ang bahay at posible pa rin kaming magkita. Umuuwi din siya sa kanyang Mommy at Daddy pero saglit lang. Ayaw niyang iniiwan ako sa bahay ng matagal dahil natatakot siya na baka takasan ko uli siya. Ayokong matali siya sa bahay ng walang dahilan, hindi dahil sa akin. Nahihiya nga ako sa kanya dahil pinaako sa kanya ni Daddy ang isang napakabigat na responsibilidad, walang iba kundi AKO.


Sa edad ni Adonis, dapat sana ay nag-i-enjoy ito sa kanyang barkada during weekends. Naghahapi-happy sa ibang bahay, nakikipag-inuman o sumasama sa mga outing ng grupo. O kaya ay nakikipag-bonding kasama ang kanyang pamilya. Walang pinuproblema kundi ang pag-aaral o kaya ang girlfriend. (Iyon eh kung mayroon man...)


Kaya naiisip kong humiwalay sa kanya ng tirahan. Balak ko sana ay magdorm na lang nung una kaya ako umalis sa kanila. Kahit hindi ako sanay maglaba, magpapa-laundry na lang ako. Hindi ako marunong magluto kaya bibili na lang ako ng lutong pagkain, marami namang fast food chain ngayon.


Pero pinilit niya ako na magsama kami sa iisang bubong. Nag-aalinlangan pa rin ako. Baka napipilitan lang siya o naaawa sa akin dahil nakita niya kung paano ako ipagtabuyan ni Daddy. Nakita niya kung gaano ako ka-dependent sa magulang ko na daig ko pa ang ibong nabalian ng pakpak at walang kayang gawin. Iniisip ko ang sasabihin ng iba kapag nalamang magkasama kami sa iisang bubong. Baka sabihin nila, ambabata pa namin para mag-live-in... Gosh! LIVE IN... I never think of living with a man under the same roof.


Nang umalis ako sa mansion, hinanap niya ako at pinilit niyang magsama kami sa iisang bubong para masiguradong ligtas ako. Ayaw daw niyang sisihin siya ng magulang ko sa bandang huli kapag may nangyaring masama sa akin. Paninindigan daw niya ako kahit walang nangyari sa aming dalawa. Mananatili daw siya sa tabi ko hanggang matutunan ko siyang mahalin. Hihintayin daw niya ang araw na iyon.


"Sumama ka sa akin. Titira tayo sa iisang bahay. Ayokong magdorm ka. Lalo kang malulungkot dahil wala kang kasama."

"Ayoko..."

"Harmless ako. Hindi ako nangangagat. We'll have our house rules"

"Ayoko..."

"I care for you, Aphrodite..."


May point siya.


Okay, we ended up living in secret in our own home sweet home. Nakita ko ang kanyang pagiging responsible sa lahat ng mga gawain sa bahay. Actually, siya lang naman ang utos ng utos kay Florence habang lagi lang akong nagmumukmok sa loob ng aking kuwarto.


Hindi ako tamad pero ayoko lang kumilos sa ibang bahay. Sa tingin ko ay wala akong karapatang mag-utos kay Florence. Kung nasa mansion ako baka puwede pa. Basta, gusto ko lang dito sa loob.


Ako ang tipo ng tao na hindi marunong magmalaki. Marunong akong umamin sa sarili kong kahinaan lalo na kung hindi ko naman talaga kaya at hindi ako sanay na mapalayo sa aking pamilya. Oo, kahit kailan ay hindi ako nakaranasan ng ganito katagal na pagkakalayo sa aking pamilya.


Pagmumukmok ang ginawa ko pero hindi na iyon gusto ni Adonis.




LOVE IS KIND.


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon