BOC 3: A DATE WITH ARES

42 0 0
                                    

3rd PERSON'S POV


Hindi inasahan ni Aphrodite na matapos umalis ni Adonis ay maglalakas ng loob si Ares para umakyat ng ligaw. Alam niyang nasa likod noon ang kanyang ama kaya malakas din ang loob ng binata. Hindi siya makahindi kapag ang ama na niya ang nagsalita.


Napasandal si Aphrodite sa kanyang upuan. Ilang araw ng hindi maganda ang kanyang pakiramdam at kailangan pa niyang pilitin ang sarili na bumangon tuwing umaga para lang pumasok sa kanyang trabaho.


"Hmmm, masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni VeneXity.

"Ma'am, pasensiya na medyo masama po ang pakiramdam ko pero magiging okay na rin po ako mamaya lang. Iinom po ako ng gamot"

"I suggest na huwag kang padalus-dalos sa pag-inom ng gamot lalo na kung hindi mo alam kung maysakit ka. Mahirap na"


Tumango ang dalaga ngunit hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin noon. Iba kasi ang pakiramdam ni VeneXity sa ipinagkakaganun ni Aphrodite. Iba ang kutob niya. Hindi na lang niya ito idinaan sa biro. Pagdating ng tanghalian, hindi siya nakakain dahil pinili niyang matulog kaysa kumain.


"Nasaan si Aphrodite? " Tanong ni VeneXity ng madaanan sa kitchen ang kanyang mga empleyado.

"Ma'am, nakasubsob sa kanyang mesa at parang puyat na puyat ang lola namin"

"May bisita daw po kasi sila kagabi kaya late na siyang natulog"

"Sabihan ninyong kumain mamaya paggising. Ayokong nagpapalipas kayo ng pagkain. Madami pa naman tayong kliyente ngayon"

"Yes, Ma'am"


Pagkatapos ng nakakapagod na maghapon ay naging maayos naman ang pakiramdam ni Aphrodite. Tinulungan niya si Mimi sa delivery ng mga pre-ordered gown ang anak ni Mila Chavez, isang kilalang politiko sa Old Sta. Mesa. Gagamitin iyon ng kanyang anak sa darating na Biyernes dahil debut nito.


Nakarating naman sila sa SkyScraper ng maaga ngunit nakita niyang naghihintay na sa kanya si Ares sa opisina ni VeneXity. Nakapormal na gray suite ang binata. Hmmm, impressive ang kanyang kasuotan, sukat na sukat sa kanya. Ang kanyang neck tie na bumagay sa kanyang panloob na long sleeves. Minty ang amoy ng kanyang pabango at nakakarelax.


Confident itong nakikipag-usap kay VeneXity. Kumatok siya sa opisina at saka binuksan ang pinto. Tumayo si Ares at binati siya ng halik sa pisngi. Ngumiti lang si VeneXity habang gulat na gulat si Aphrodite sa ikinikilos ng binata.


"Sorry, Ms. Vanilla. I'll be going out with Mr. Romano later. Buti na lang nakabalik kami kaagad kung hindi baka naabala po kayo sa ginagawa ninyo"

"Don't mention it, Aphrodite. Masayang kausap si Ares kaya nalibang naman ako kahit paano. Anyway, may lakad pala kayo so why don't you go now? Tutal naman, off muna"

"I'll just get my things. Thank you po"

Nakatingin ang lahat kay Ares. Maging si Eldon ay titig na titig sa binata este correction please, takam na takam pala habang tinititigan ang binata. Kulang na lang ay mabali ang leeg niya sa paghabol nang tingin dito.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon