3RD PERSON'S POV
Nang gabing iyon, narinig ni Aphrodite ang usapan nina Zeus at ni Titan na ama ni Ares sa kanilang mga plano para sa magiging buhay nina Aphrodite at Ares. Tumakas ang dalaga at nagtungo ito sa dati nilang tirahan. Nasa kanya pa rin ang sarili niyang susi.
Binuksan niya ang bahay at nakitang malinis pa rin ito tulad ng huli nilang iwan. Lumapit sa mga malalaking kuwadro ng paintings na gawa ni Adonis. Naluha siya ng tingnan ang mga obrang iyon. Nanumbalik sa kanyang alaala ang gabing una silang nagsama sa Masquerade Party. Ang halik sa kaarawan ni Ocean at ang araw na ipinagtabuyan siya ng ama.
Hindi niya maintindihan kumbakit kung kailan pinili niyang gawin ang tama ay lalo siyang nahirapang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama. Kung kailan sa akala niya ay okay na ang lahat ay hindi pa pala dahil mas matindi pa ang pagsubok na kanyang kakaharapin.
Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang mga kuwarto. Binuksan niya iyon at saka sinariwa ang alaala nung siya ay doon pa natutulog. Nandoon pa rin ang kanyang kama, ang unan at comforter. Lumapit siya at naupo sa kama. Hinila ang isang unan at niyakap iyon. Umiyak ng todo-todo.
"O Pareng Zeus, hanga talaga ako sa iyo... Paano mo napapayag ang dalaga sa mga plano mo?"
"Madali lang silang paikutin sa mga palad ni Zeus. Inosente pa silang pareho sa totoong takbo ng buhay at wala silang kaalam-alam na ang lahat ay bahagi lang ng isang laro"
"Hindi nila alam na...Hahaha! Ikaw talaga Zeus"
"Hindi ko hahayaan si Aphrodite na mapunta sa isang pipitsuging pintor. Ano ako? Baliw na tulad nila! Hahaha!" Parang demonyo sa pandinig ni Aphrodite ang tawanan ng dalawang matandang lalaki.
"Pero pare, paano mo napapayag ang dalawa?"
"Kung alam nila ang totoo, papayag ba sila? Syiempre hindi. Ginawaan ko na lang ng kuwento ang lahat. Ibinigay ko ang kahilingan nila ngunit susunod sila sa mga kagustuhan ko sa bandang huli."
"madali lang... Ipadadala ko si Adonis sa ibang bansa para mag-aral ... Hindi sila magpapakasal ni Aphrodite hangga't hindi natutupad ni Adonis ang kanyang mga pangako. Kapag nakaalis na ang lalaki, saka ko siya ipakakasal kay Ares."
"Magagawa mo iyon sa iyong bunsong anak?"
"Bakit hindi? Para naman iyon sa kanyang kinabukasan"
Tuluyang gumuho ang mga pangarap ni Aphrodite. Nakita niya ang totoong kulay ng kanyang ama. Hindi niya lubos maisip na kaya niya iyong gawin sa kanyang bunsong anak. Nagtatakbo palabas ng mansion si Aphrodite. Nagpunta sa garahe at sumaklay ng kotse atsaka ito pinaharurot.
Nakita na lang niya ang sarili sa tapat ng dati nilang bahay ni Adonis.
"Adonis! Adonis! Huhuhu!"
"Kung nalaman ko lang kaagad ang totoo...AAAAhhhhhhhh!"
"Bakit? Anong kasalanan ko? Huhuhu!"
"Adonis, bumalik ka! Balikan mo ako dito... Huwag mo akong iwan..."
Sumubsob si Aphrodite sa kutson at humagulgol ng iyak. Hindi niya namalayan ang pagdating ng sasakyan at pumasok ito sa garahe. Nagulat si Adonis ng mapansin na nakabukas ang pintuan sa harap ng bahay. Bukas ang ilaw sa sala at pumikit siya. Amuy na amoy niya ang pamilyar na pabango na parang paikut-ikot lang sa buong kabahayan. Si Aphrodite ang kanyang naalala.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...