3RD PERSON'S POV
Muling pinuntahan ni Aphrodite si Vanilla upang magtrabaho bilang isang full – time Senior Designer sa OGC. Tuwang tuwa naman si Vanilla dahil alam niya kung gaano kagaling ang dalaga. Hindi makapaniwala ang dati nitong mga katrabaho ng muli siyang makita.
"Aphrodite, kumusta ka na?"
"Angtagal mong nawala gurl"
"Nag-asawa ka na ba?" Umiling ang babae.
"Buti bumalik ka dito. Madadagdagan ng magaganda at magagaling dito sa OGC."
"Galing si Aphrodite sa Manhattan. Siya ang gagawin kong Senior Desginer natin. Habang nasa ibang bansa siya, nagpapadala pa rin sa akin ng mga sketches ng disenyo ng damit. Those designs are already out in the market."
"Wow!" Pinalakpakan si Aphrodite ng dati niyang mga kasamahan. Masaya siyang nakisalo sa kainan.
Samantala, magkasama naman sina Ares at Eros sa condo. Tahimik silang nanunood ng paboritong cartoon. Nakasandal ang bata sa kanyang tabi habang hinihimas ni Ares ang kanyang buhok.
"Tito Ares, what time will mommy comeback?"
"She's supposed to be back."
"What is she taking so long?"
"She might be caught in the traffic"
"Let's just watch..."
Nagtatawanan ang dalawa ng dumating si Aphrodite. Malaki ang telebisyon ni Ares sa kanyang sala. Pang-Home TV Theater talaga. Lumapit siya at saka hinalikan ang dalawa.
"Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni Ares. Iniwan muna si Eros habang nakasalumbaba ito sa sopa at pinagmasdan ang dalawa. Papunta sila ng kusina.
"Okay lang. Tinanggap pa rin naman ako ni Ms. Vanilla. And I'll be a Senior Designer sa kanyang company" Masayang balita ni Aphrodite at ikinawit sa leeg ni Ares ang kanyang braso.
"Angsaya-saya ng misis ko..." Biro ni Ares.
"I'll have to work for Eros. Papasok na siya next year."
"Marry me so I can help you with your expenses"
"Handa ka ba talaga sa responsibilidad mo bilang asawa at instant tatay ng anak ko?"
"All you need to do is to say YES"
"Ambait-bait naman ng asawa ko... este ng magiging asawa ko" Nagtawanan ang dalawa habang nakasilip si Eros at masayang tiningnan sina Ares at Aphrodite.
Si Ares ang nagluto ng hapunan. Kapag hindi ito busy sa kanyang opisina, nagluluto talaga siya sa mansion.
"Mmm, may lakad ka ba bukas, Aphrodite?"
"Wala...Bakit?"
"Dalawin natin si Papa... Isasama ko kayo ni Eros"
"Okay lang?..."
"Where are we going Tito Eros?"
"Where going to see Lolo Titan..."
"Another grandpa?..." Tanong ni Eros. Tumango si Ares at masaya ito ng makita ang reaksyon ng bata.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...