ZEUS' POV
Mula ako sa isang mayamang angkan . Kilala ang aking ama dahil sikat siya sa iba't ibang bansa. Hindi naman talaga kami negosyante. Ang totoo nyan, isang pintor ang aking ama. Yumaman ang aming pamilya dahil magaling na pintor ang aking ama ngunit napabayaan niya kami sa sobrang pagtuon niya ng pansin sa kanyang mga obra. Si Mama na lang ang nag-aasikaso sa aming magkakapatid dahil sa bahay lang ito.
Mapagmahal at maunawain sa lahat ng pagkakataon si Mama lalo na sa mga problemang pinagdaraanan nila bilang mag-asawa. Kapag kinakapos ang budget niya, hindi na siya humingi ng pera kay Papa. May mga pagkakataong kailangan niyang umalis para sa mga Art Expositions sa ibang bansa. Matagal-tagal din siyang mawawala . Kahit nagkasakit si Mama o sinuman sa amin, hindi ko nakitang sinilip kami ni Papa upang kumustahin. Nakapag-uuwi siya ng karangalang tropeo at pera pero kahit kailan ay hindi naman siya kinilala ng bansa natin bilang isang magaling na pintor ngunit ni minsan ay hindi niya kami naisama na makipagdiwang sa kanya. Binawi siya sa amin dahil sa isang trahedya. Nag-crash ang eroplanong kanyang sinasakyan mula Madrid, Spain at inuwi siyang isang malamig na bangkay. Hindi ko nagawang maiyak sa harap ng kanyang puntod.
Nakita ko kay Mama na buo ang kanyang loob na itaguyod kaming magkakapatid; ako, si Hadji at Poseidon. Naturuan kami ni Mama kung paano humawak ng pera sa negosyo at kung paano ito palaguin. Nakita kong isang matatag na babae si Mama ngunit sa kabila noon kapag nasa loob na siya ng kuwarto nila ni Papa, iyak siya ng iyak. Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagpapalago ng aming kabuhayan. Bata pa siya at puwede pa sanang mag-asawa ngunit kontento na siya sa amin .
Simula noon, isinumpa ko ang pagpipinta. Mabuti't mga babae ang mga anak ko. Yun nga lang, si Hera ay mahilig sa mga paintings kaya kahit papaano ay may mga paintings sa bahay. Hindi ko pa rin maaalis sa aking sarili na mahal ko ang pagpipinta, halata naman sa mansion iyon.
Kumbakit ako galit kay Adonis? Dahil ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan namin kung sakaling nakawin ng pagpipinta ang oras niya para sa kanyang pamilya. Hindi ko gaanong kilala si Adonis dahil hindi siya umakyat ng ligaw sa anak ko kaya pakiramdam ko, na-traydor niya ako.
Oo, traydor... tulad ng kanyang amang si Bacchus. Akala ko noon , matalik ko siyang kaibigan ngunit muntik na niyang agawin sa akin si Hera. Magaling kasi siyang magpinta kaya hangang hanga sa kanya si Hera. Akala ni Bacchus ang paghanga na iyon ay dahil gusto siya ni Hera kaya nagalit ako ng makita kong hinalikan niya sa labi si Hera. Nagulat din noon si Hera, hindi raw niya akalaing gagawin iyon ni Bacchus. Oo, isang malaking pagkakamali iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi ako naka-move on.
Pareho silang mag-ama kaya sumiklab ang galit ko kay Adonis ng dalhin niya si Aphrodite sa Hotel California. May pinagmanahan nga siya... Anak nga siya ni Bacchus. Masyado silang mabilis sa babae.
Nagsisisi ako kung bakit ko ipinagtabuyan ang anak ko kay Adonis. Ako pa ang dahilan kumbakit lalong hindi nila maiwan ang isa't isa. Tuluyan na silang nagkapalagayan ng loob. Hindi ko na sila mapaghihiwalay lalo pa ngayon at buntis si Aphrodite. Alam kong si Adonis ang ama noon dahil nawala si Aphrodite ng tatlong araw. Natunton ko ang bahay na tinutuluyan nila. Nabili na daw ang bahay na iyon. Ibig sabihin, seryoso si Adonis na ibahay si Aphrodite. Nang sundin niya ang kagustuhan kong tanggapin niya ang scholarship sa London para mailayo ko siya sa aking bunso, nakita kong mahal niya ang pagpipinta at mahal nga niya si Aphrodite. Naalala ko si Papa sa kanya.
Pero sa kabila noon ay hindi ko siya kayang tanggapin. Tama na sana ang isang pintor sa aming pamilya. Tamang ako na lang....
Hindi nagpaalam sa akin si Hera. Itinakas niya si Aphrodite dahil sa banta ko sa aking magiging apo. Lihim akong naiyak sa aking nasabi dahil sa galit ko at sa sinapit niya. nagkataong exchange student pa naman si Adonis at hindi siya kaagad makakabalik. Naisip ko ang kahihiyan pero ang isiping kasalanan na gagawin ko sa aking anak at apo ay hindi ko man lang naisip na ikahiya.
Naiwan si Aphrodite sa Amerika habang kasama niya si Ares.
Bumalik si Hera para sa kasal ni Venus pero malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko siya masisisi. Masama ang loob niya sa akin. Niyakap ko siya ngunit iniwasan niya ako. Hindi niya ako kinakausap. Hindi na niya ako tinatabihan sa kuwarto naming mag-asawa. Sa Master's Bedroom siya kasama ang aking dalawang anak na wala pang asawa.
Matapos ang nakakapagod na reception, hindi na sa amin umuwi si Venus. Nalungkot sina Medusa at Perse. Nalungkot din ako. Pinuntahan ko siya sa Master's Bedroom pero hindi niya ako iniimikan.
"Kausapin mo ako..." Malumanay kong sabi sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay. Hinila ko siya para yakapin pero lumayo siya sa akin.
"Magsalita ka..." Pero tinitigan lang niya ako.
"Matagal na panahon na, Zeus. Naikasal na tayo at nagkaroon ng mga anak. Hindi natin mapipigilan kung ano ang nakatadhana kina Aphrodite at Adonis. Magkakaroon na tayo ng apo pero pride mo pa rin ang inuuna mo kaysa kapakanan ng anak mo"
"Kinabukasan niya ang iniisp ko"
"Kinabukasan niya o ang negosyo mo? Huwag mo akong lokohin. Alam mong kayang buhayin ng isang pintor ang kanyang pamilya, di ba? Pintor din si Papa pero wala ka kung hindi dahil sa kanya. Isa ka ring pintor pero pinili mong maging negosyante. Isa kang malaking kalokohan"
"Hera, tama na. Hindi ko kayang balewalin mo ako ng ganito"
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa kina Aphrodite at Adonis lalo na sa pagtatangka mo sa anak nila. Lumayo ka sa akin. Hindi kita kilala" Itinulak ako ni Hera pero lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Sorry na" Hindi ko masabi ng malakas dahil iyon ang isang bagay na hindi ko pa natututunang sabihin.
Tahimik akong lumabas ng kuwarto. Sa loob ng sariling kuwarto bumuhos ang ang aking luha para sa mga kasalanang nasabi ko at nagawa ko na hindi ko mababawi ng ganun ganun lang.
Wala na si Aphrodite.
Masama pa ang loob ni Hera.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
DragosteBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...