BOC 2: BEGINNING OF LOVE

77 2 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Iyon ang pinakamagandang gising ni Adonis sa buong buhay niya. Nakatabi siya kay Aphrodite sa unang pagkakataon. Narinig niya ang gusto niyang marinig kahit sabihin mong kinabukasan ay hindi na iyon maalala ni Aphrodite. Ang mahalaga para sa kanya ngayon ay alam niyang may pag-asa siyang mahalin ng dalaga.


Magaan ang pakiramdam nitong gumising. Humalik pa kay Aphrodite bago lumipat sa kabilang kuwarto. Nagmadali itong kumain dahil baka lalo siyang ma-leyt sa kanilang lakad. Pupunta sila sa venue ng kanilang Art Exhibit. Dadalhin na sa gallery ang kanilang mga painting. Isasakay ito sa isang malaking sasakyan upang hindi ito masira.


"Tulog pa ba si Ma'am Aphrodite mo?"

"Naliligo na rin po yata Sir?"

"Asikasuhin mo ang pagkain ni Aphrodite. Aalis kaagad ako"

"Opo Sir"


Patapos na sa pagkain si Adonis ng bumaba si Aphrodite. Nakabihis na ito. Dala-dala ang kanyang mga gamit. Dinaluhan kaagad siya ng binata. Hinawakan sa kamay habang bumababa.


"Bakit ba angdami mong dala? Hindi mo tinawag si Florence"

"Kaya ko naman eh"

"Mamaya hindi mo nakikita ang binababaan mo at bigla kang nahulog. "

"Nandiyan ka naman para saluhin ako, di ba?" Makahulugan ang sabing iyon ni Aphrodite. At humalik sa pisngi ng binata.

"Good morning, Adonis!" Abot-tenga ang ngiti ng dalaga.

"Magaling kana?"

"Oo, kasi magaling ang tagapag-alaga ko. May yakapsul at kispirin ako kaya, magaling na ako"


Nahalata ni Adonis na parang nagpapa-cute lang si Aphrodite sa kanya. Parang nagningning ang sulok ng kanyang mga mata. Halatang masaya ito. Naupo ito at kumain.


"Una na ako sa'yo. Baka ako ma-leyt..."

"Makakakain ba ako ng walang kasabay?"

"Oo naman... Kumain ka para hindi sumakit ang ulo mo mamaya. Maaga kang umuwi at magpahinga ka" Nakayuko ang binata habang kinakausap ang dalaga sa dining table at nasa gilid ito.

"Bili ka ng ice cream."

"Sige, bibili ako. Aalis na ako. Ba-bye na" Akmang tatalikod na ang binata siya ng hinila ng dalaga at biglang inihapay ang mga braso nito sa kanyang balikat.

"Are you not going to ask for your good bye kiss?"

"Magandang pampa-good vibes for the whole day. " Ang halik ay hindi lang simpleng smack. Nahiya si Florence ng maabutang nagtutukaan ang mga batang amo habang nasa harap ng dining table.

"Have a nice day, Adonis. "

"Ikaw din..."


Nangingiti-ngiti si Adonis ng sumakay sa kotse. Masaya itong nagmaneho. Pakanta-kanta pa ito sa loob. Ganun din si Aphrodite ng maiwan itong mag-isa sa lamesa. Masaya itong kumaing mag-isa. Naaalala ang nagdaang gabi at ang makapigil hiningang panaginip niya.

WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon