3RD PERSON'S POV
Samantala sa loob ng mansion ng mga Enriquez...
Habang papasok si Aphrodite sa kanyang kuwarto, nadaanan niya ang larawang iyon na nakatabi sa mga bagong paintings ng ina. Sinipat niyang mabuti ang obra maestra. Ang damit ng babae ay hawig ng suot niya sa Masquerade Party. Bigla siyang napahinto at sinalat ang larawan. Napansin doon ang pangalan ng pintor nito: AJL ang initials nito.
Pumasok siya sa kuwarto at inilapag ang kanyang cellphone. Punum-puno ang inbox ni Aphrodite ng mga text ni Apollo. Hindi na nagpaliguy-ligoy ang binata, balak daw niyang manligaw. Natawa na lang siya. Napansin niya ang incoming call na iyon ni Ocean kaya nagmadali siyang sagutin ito.
"Yes, Ocean...Hello"
"This coming Friday..."
"Advance celebration ng birthday ninyong tatlo?"
"Oo na, aatend ako."
"Ipapasundo mo ako sa kuya mo?"
"Kaya ko naman e... Atsaka may sarili akong kotse"
"Sige na nga... Ano bang attire? Formal ba? Semi-formal o ano?"
"Ok, I get it. See you on Friday..."
Bumaba si Aphrodite para kumain ng hapunan.
Kompleto ang lahat dahil maaga ring nakauwi ang kanyang mga ate. Nandoon si Phoenix.
"Mom, do you have a new painting?"
"Yes, why do you ask?"
"Where did you get that new painting beside the Dazzling Girl?"
"Alin dun?"
"Yung nakatalikod na babae in red tube and black chiffon..."
"Huh! Mayroon ba akong painting na ganun"
"Opo... yung may AJL na initials ng painter"
"Ah... AJL... Adonis Josep Lagdameo... Galing kaya Adonis yun, Iha. Bakit mo naitanong?"
"Just curious who gave it. Unique ang pagkakagawa..."
"Para ngang pamilyar yung damit ng babae..." Sabi ng ina at tuluyang nasamid si Aphrodite na parang may nakaalala sa kanya.
"Dahan-dahan ka ngang kumain"
"Number...." Tanong nito sa kanyang ate Perse.
"Anong kinalaman ng Number?"
"Kasi sabi nila, may katumbas ng letra ang bawat number... yun daw ang first letter ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo"
"Okay... hay naku, Aphrodite, sabi-sabi lang yan..."
"Number..."
"One"
"A"
"Sinong A?"
"ADONIS! Uyyyyyy!" Sigaw ng tatlo niyang ate.
"Ha! Baka naman si Apollo..."
Hindi na siya bata para umibig. Puwedeng puwede na niyang subukan. Si Adonis o si Apollo...
Ang isip-bata, matututo nang main-love.....
It is an INVITATION TO LOVE.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...