Nawalan siya ng ganang kumain. malungkot siyang umuwi ng bahay. Binati siya ni Eros at tahimik itong kumain sa tabi ng ina. Hindi na niya hinahanap si Ares. Unang tumayo si Aphrodite.
"Finish your food before you go up"
"Yes , Mom. I miss , Tito Ares. "Bulong ni Eros pero dinig na dinig ni Aphrodite. Lalo itong iiyak kapag nalamang ikakasal na ang kanyang Tito Ares sa iba.
Nang masigurong nasa kuwarto na si Eros ay bumaba ang dalaga para kumuha ng bote ng alak. Umakyat siyaat pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Doon niya ibinuhos ang kanyang luha para sa lahat ng pangarap niya na naglahong parang isang bula. Huli niyang pag-asa ai Ares para lubusang lumigaya at mabuo ang kanilang pamilya .
Sasabihin na sana niya ang kanyang sagot kay Ares ng araw na pumunta siya sa condo. Sasabihin niyang handa na siyang tanggapin ang inaalok nito upang tuluyan na siyang maging bahagi ng kanilang pamilya ngunit biglang nagbago si Ares at ipinagtabuyan siya.
Dinalaw ni Hera si Aphrodite sa bahay na iyon. Lasing na lasing ang dalaga kaya tanghali na itong nagising. Pinakain na ni Feliza si Eros. Nanunuod itong mag-isa sa sopa.
"Hi Lola"
"Hello , Eros... Where's your mommy?"
"Mommy is drunk last night. She's still asleep"
"Feliza, anong nangyayari dito?"
"Hindi kop o alam, Ma'am."
Umakyat ang babae sa pangalawang palapag ng bahay at pumasok sa kuwarto ng babae. Nagulat si Hera sa kanyang nakita. Lasing na lasing ang babae. Ginising niya si Aphrodite.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Nagpunta na ba dito si Ares?"
"Mom, will you please stop mentioning his name in this house?"
"What happened?"
"matagal na siyang hindi nagpupunta dito. Nakukuriri na nga ang tenga ko kasi itong si Eros hindi niya ako tigilan. As if naman itatago ko si Ares sa kanya. Eh anong magagawa ko kung ayaw na niyang pumunta dito?"
"ano bang sinasabi mo?"
"He dumped me without any explanation at all. ganun ganun na lang. Isang araw parang nagising siya sa katotohanan na hindi na niya ako mahal. Ganun lang. Isang araw hindi na siya nagpunta dito. Pinuntahan k osiya pero pinagtabuyan niya ako . At isang araw nalaman kong ikakasal na siya tapos ako pa ang gagawa ng damit para sa fiancée niya, ako pa ang bridesmaid and Eros has become the ringbearer. What a fateful day... Hindi ko masabi sa kanya na ayoko. Hindi man lang masabing hindi puwede, paano na ako? Hindi ko masabing mahal ko na siya kaya ako nagkakaganito. AAAAAHHHHHHHH! Sabi ko nang ayokong umuwi... tapos heto, iiwan niya akong mag-isa. Parang gusto ko ng mamatay... Gusto ko nang mamatay!"
"Ano ba, Aphrodite? Tama na... Anak naman, magpakatatag ka. pagsubok lang yan"
"Wala ba akong karapatang lumigaya"
"Puro na lang pagsubok... Puro pagsubok... Ayoko na" Nasa labas ng pinto si Eros. Dinig na dinig niya ang iyak ng ina. Iyak din siya ng iyak .
Hindi nakapasok si Aphrodite sa shop kaya tinawagan siya ni Vanilla. Masama ang pakiramdam niya dahil sa pagod at stress na naramdaman nito dahil ng trabaho at problema.
Dumating naman si Selene para magpagawa ng wedding gown. Kasama si Adonis. Mabuti at wala ang dalaga kundi lalong hindi nito kakayanin ang lahat. Tahimik lang si Adonis. Tahimik na nananalangin na huwag ng dumating si Aphrodite.
Alam ni Selene kumbakit tahimik ang binata kaya hinayaan niya itong manahimik.
"Ilang bisita ang iimbitahan natin, Adonis?"
"Bahala ka na sa lahat. Inform me about the expenses. Bayarin natin kaagad. Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang ako..."
"Uwi tayo agad . Baka mapagod ka"
SELENE'S POV
Alam kong napipilitan lang si Adonis sa kasal namin ngayon . Noong nasa London kami, excited siyang umuwi para sa kasal namin. All of a sudden , things changed. Nang malaman niyang may anak siya kay Aphrodite at nang magkita sila, lalong gumuho ang mga pangarap kong matutuloy pa ang kasal namin.
Oo nga at nagpapasukat na ako ng gown pero halatang wala ang loob niya sa ginagawa namin. Ako ang parang mas interesado sa kasal na ito. Pero wala na siyang magagawa dahil mukhang hindi na interesado sa kanya si Aphrodite lalo na't nandyan si Ares.
Masyado siyang magiliw kay Eros, sa anak niya kaya gusto ko na ring mabuntis para mas matuon ang pansin niya sa magiging anak namin. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Gagawa ako ng paraan....He will be mine...
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...