3RD PERSON'S POV
Nagulat si Ocean ng makita si Aphrodite na kasama nilang kumakain sa dining table ng umagang iyon. Simula ng mangyari ang iskandalo ay hindi na niya kinausap ang dalaga. Kahit itini-text siya ni Aphrodite ay hindi ito nagrereply.
Masama pa rin ang loob niya sa nangyari. Isnab siya at hindi lumalapit sa dalaga.
"Bakit siya nandito?" Pabulong na tanong ni Ocean.
"Just eat. Don't meddle with their issues" Pambabarang sabi ni Atlas.
Hindi makakain sa harap ng iba si Aphrodite kahit ang totoo ay gutom na gutom siya. Siguro dahil malungkot siya kaya pati gana niya sa pagkain ay apektado. Humalik sa pisngi ng dalaga si Adonis. Hindi niya napansin na nakasimangot si Ocean. Hindi na lang niya ito pinansin.
"Kumusta ang tulog mo?"
"Okay lang. Medyo hindi ako nakatulog"
"After your class, just go home early and get rest"
Naiyak si Aphrodite. Hindi niya malunok ang kanyang pagkain dahil para itong nakabara sa kanyang lalamunan. Humikbi ito ng tahimik.
"Ano ba? Tama na..." Pinahid muli ni Adonis ang luhang iyon. Awang-awa siya kay Aphrodite.
"Hindi muna ako papasok. Namamaga ang labi ko. Baka pagtsismisan pa ako sa klase na nasobrahan sa kiss"
Biglang natawa si Adonis. Bigla ring napangiti si Aphrodite.
"Kain ka pa..."
Nakaalis na sina Atlas, Cronus at Ocean ng bumaba ang mag-asawang Lagdameo. Kumakain pa rin si Aphrodite.
"Good morning Tita, Tito" Bati ni Aphrodite, sabay halik sa pisngi ng mga matatanda. Hindi makatingin ng diretso ang dalaga sa inabot na kahihiyan.
"Aphrodite..."
"Heart na lang po Tita Thea ang itawag ninyo sa akin. "
"Hindi namin inaasahan ang lahat. Ano bang balak ninyo dalawa ni Adonis?"
"Tita, Tito, You're mistaken . We have no relationship with each other"
"Adonis, ano to?"
"Mommy, Daddy, let me explain. Nalilito pa rin po si Aphrodite hanggang ngayon kung ano nga ba kaming dalawa?"
"Look, hindi tama ito . Kung wala pala kayong relasyon, bakit ka sumama sa Suite ng hotel na kayong dalawa lang? Tingnan ninyo ang nagyari. Nakakahiya kay Hera at Zeus lalo na sa'yo Aphrodite"
"Tita, wala naman po akong sinisisi sa nangyari"
"Pero hindi pa rin tama..."
"Tita, hindi muna po ako papasok sa school ngayon. Nahihiya ako dito sa labi ko. Ayoko pong maintriga."
"Sige, sa Master's bedroom ka na lang muna..."
"Thank you po. Excuse me lang po. Aakyat po muna ako sa kuwarto" Kinausap din nina Thea at Bacchus ang anak na binata.
BINABASA MO ANG
WANTED: BOYFRIEND ON CALL
RomanceBOYFRIEND ON CALL (BOOK 1) : SECRET BOYFRIEND It all started in just one click. Everything was mixed up and we are now entangled in a serious and complicated situation we can never runaway. BOYFRIEND ON CALL ( BOOK 2) : SECRET LIVING Getting to kn...