A/N: Dahil sa maraming nag re request eto na po hahaha .. hope you like it guys ♡♡ and please Vote and comment ..
OtakuSixteen This is for you .. for supporting the story .. thanks a lot :))
#For more dedications please comment or message me .. :)))
********Nilibot nya ng tingin ang mga bahay sa paligid, maging ang dating bahay ni Alexa sa harapan ay tinanaw na nya, wala na ang dating bahay nila dito, bagkos ay panay mga tindahan na ang nandito. Lahat nagbago na maliban sa kanilang bahay, hindi kasi nya ito pinagalaw mula ng lumipat sila, gusto nya ipreserve ang memories nya with Javier sa bahay na ito.
Tinanggal nya ang pagkakalock ng padlock sa may gate.
"Mam, sigurado po kayo kaya nyo na yan?"narinig nyang sigaw ni Oscar na personal driver nya.
"Oo, saglit lang naman ako.."binuksan nito ang gate at dumiretso sa pintuan ng mismong bahay, iba ang pakiramdam nya ng mga sandaling iyon. Pagkabukas nya ng bahay ay mas lalo syang kinilabutan. Madilim ang paligid dahil saradong sarado ang mga bintana, ngunit hindi nya ito ininda, kabisado nya ang bahay nila kahit pa madilim, at isa pa ay may dala syang flashlight. Agad nyang tinungo ang dating silid nilang magasawa. Doon nya hinanap ang mga kailangang dokumento. Pero ilang minuto din syang naghanap pero wala pa rin sya makita.diniretso nya ang kwarto noon ng mga anak, una syang naghalungkat sa cabinet na lagayan ng damit nila Flor, pero imbes na mahanap ang dokumentong hinahanap ay iba ang natagpuan nya. Isang lumang kahon ng sapatos, pamilyar sa kanya ang lalagyan na iyon pero hindi nya maalala kung saan nya ito nakita. Kinuha nya iyon at binuksan. Doon ay mga lumang sulat, larawan at isang tape recorder. Naalala nya bigla kung kanino ang mga iyon, sa ex girlfriend ni Lexin na si Arianne. Itinabi pala ito ni Ysa. Kahit alam nyang imposible ng magplay iyon ay wala sa loob ni Lina na pinindot nya ang play button at laking gulat nya ng magplay pa rin ito.
"Ako si Arianne Liu, at eto ang unang araw ko sa LAC, isa akong scholar.. Sana maging masya ang araw na ito.."
"Unang araw pa lang may nambubwiset na sa akin, mabuti na lang pinagtanggol ako ni Lexin at ng kaibigan nyang si Tristan."
"Hay salamat at nakita din kita, akala ko mawawala ka na ng tuluyan, bwiset kasi sila April, mabuti na lang nabawi ka ni Lexin."
"Masya talaga ako dahil ibang atensyon ang binibigay sa akin ni Lexin at Tristan, maswerte ako at nakilala ko sila"
"Tagal ko ng di nakapagsabi sayo, paano naman puro na lang ako iyak, at madalas si Tristan ang nakakausap ko.."
"Ang daming kakaibang nangyayari sa School, may mga nagpaparamdam sa may cr ng girls, may namatay daw kasing teacher doon.. Katakot, magisa pa naman ako ngayon.."
"Interesado talaga akong malaman ang tungko sa teacher na namatay, kailangan kong malaman kung ano ang gusto nya at nanggugulo sya."
"Lucia Rivera, asawa ng chairman of the board ng LAC, anak ng Congressman sa isang probinsya na nagmamayari ng Hacienda Fuentes, mabuti na lamang at tinuruan ako ni Tristan maghack ng files, kung hindi, hindi ko malalaman ang tungkol sa Black Lady, buti na lang kasi lahat ng files about doon burado na"
"Nagtapat na sa akin si Lexin, and sa unang araw ng aming pagiging magkarelasyon ay binigay ko sa kanya ang pinakaingat ingatan kong pagkababae, mahal ko sya pero mahal ko din si Tristan.."
"Mula ng maging kami ni Lexin ay naging mailap na si Tristan, tapos si Charm galit na galit sa akin, hindi ba ako pwedeng maging masaya na walang nasasaktan.."
"Wala na ata akong ihaharap sa mga school after ng nangyari, napakawalang hiya nila April..mabuti na lang nadyan si Tristan at Lexin.."
"Nakakatakot, sunod sunod na patayan ang nangyayari sa school, at karamihan, mga may atraso sa akin, sana hindi ako maging suspect.."
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...