@LOUIEJEAN ♡
* * * * * * *
.
" Lei , nakapag pasa kana ba ng form mo para sa mystery club ??" Tanong ng kaibigan niyang si Patty ..
" ahh . Iyon ba oo naayos ko na iyon kagabi hindi lang ako sigurado kung nadala ko late na kasi ako umuwi kagabi galing sa trabaho " sabi naman ni Lei sa kaibigan .. " ganun ba , o sige ikukuha ka na lang namin ng bagong form pupunta kasi kami ni xyrille sa Faculty .. muka busy ka pa naman kaya kami nalang siguro " pag paalam ni Patty kay lei .. " sige patty salamat " ani naman niya sa kaibigan at umalis na sila .
Kasalukuyang gumagawa ng short poem si lei para sa subject niya kay Mrs.Aguirre mataas ang espektasyon ng ginang kay lei .. dahil sa sipag at tiyaga ng dalaga .. habang nagsusulat ay bigla nalang nagulat si lei ng may tumunog na cellphone ..
Biglang kumabog ang dibdib niya dahil pamilyar na sa kanya ang tunog na iyon .. dahan dahan siyang tumingin sa cellphone na nasa tabi niya lang ..
Paanong .. paano ??takang Tanong ni lei sa sarili dahil kahapon ay sigurado siya na wala nga talagang sim card ang cellphone na yun .. at isa pa ay ang pagkakaalam niya ay iniwan niya iyon sa bahay kaya paanong napunta iyon sa tabi niya??
Labag man sa kalooban ay inabot ni lei ang cellphone at pinindot ang green button at naginginig na tinapat sa tenga ang cellphone ..
Hindi siya nag salita at nakiramdam lang sa kabilang linya ... isang pag hinga ang narinig niya ..
" h-h-hello ??" Nag aalanganin man ay pinilit niyang magsalita .. biglang may nakakakilabot na tawa ang narinig niya sa kabilang linya ., kung kagabi ay iyak ng isang babae ngayon naman ay mahinang pagtawa ng isang lalaki ang naririnig niya .,
" s-s-sino ka ??" sagot ulit ni lei sa kabilang linya , huminto ang pagtawa at isang nakakakilabot na mensahe ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya ..
" pakisabi salamat ....... dahil kasama ko na siya ........ pero ..., --"
" huyyy , lei ??" biglang nagulat si lei at nailaglag ang cellphone nang bigla nalang bumulaga sa harapan niya si lexann ..
" Ano ba bakit ka nanggugulat " sigaw ng dalaga sa binata , bigla namang napasimangot ang binata ..
" hindi kita ginulat .. kanina pa ko nakaupo dito pero parang takot na takot yang muka mo .. " sabi sa kanya ng binata ngumiti ito dahilan para mapatitig siya , kahit sobra ang inis niya sa binata ay parang nawala iyon sa isip niya ng bigla itong ngumiti sa kanya ..
" p-pwede ba wag mokong guluhin " inis na tumayo si lei at inayos ang mga gamit niya at nilagay iyon sa bag .. tumayo naman din agad si Lexann at inantay makapag tapos sa pag aayos ang dalaga .,
" ano pang ginagawa mo rito ??" singal nanaman niya sa dalaga .. inilagay ng binata ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya at ngumiti nanaman ..
" same class tayo .. kaya sabay nalang tayo " mapang tukso na sabi ng binata , napairap nalang si lei at tumayo pero napahinto ito ng maalala ang cellphone ..
" may hinahanap kaba ??" tanong sa kanya ni Lexann .. naisip niya kung sasabihin niya ba , pero mas mabuti na sabihin niya nalang dahil may titime na at baka malate pa sila sa subject kay mrs.aguirre
" ah yung ., cellphone ko , yung hawak ko kanina ??" sabi niya sa binata kumunot naman ang noo ni Lexann sa sinabi ng dalaga at tumingin sa paligid ..
" Cellphone ?? may hawak kabang cellphone ?? kanina kasing nakita kita nakahawak kalang sa tenga mo tapos parang takot na takot ka " Bigla nanaman tumaas ang balahibo ng dalaga sa sinabi ni Lexann ., sigurado siya na hawak niya ang cellphone .. pero may parte sa kanya na sigurado rin siyang iniwan niya iyon sa bahay nila .,
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...