Chapter Thirty - Nine

4.1K 147 31
                                    


#Dave

^_^ = Thalia pronounce as talya ^_^ not Taliya ok ? ^_^v

+

" bakit pumasok kapa ??" Salubong ni Carl sa kaibigang si Thalia .. nasa ibang school siya nag aaral dahil biglaan lang din ang paglipat ng kanyang ate sa Solomon College at siya naman ay kasalukuyang nasa 4th yr High school ng Christian Catholic School ..

" a-ayos lang naman ako " sabi ng kaibigang si Thalia .. walang masyadong kaibigan ang dalaga dahil halos lahat ng babae sa kanilang paaralan ay ayaw siyang maging kaibigan at tanging si Carl lang ang mabuti ang pakikitungo sa kanya ..

" tsk !! Kaka discharge mo lang kahapon ah ?? Ang kulit mo talaga " inis naman na sabi ni Carl at kinuha ang bag ng dalaga ..

" ano kaba Carl ako na " hindi naman hinayaan ni Thalia na si Carl ang magdala ng kanyang bag ..

" its okay !! Mahina kapa .. " nakangiting sabi ng binata sa kanya .. mahinang babae si Thalia at hindi maganda ang kanyang kalusugan ..

Lumaki siya sa isang bahay ampunan at inampon nang butihing ginang kasama ang mga ang isang kapatid nito ay nag aaral naman sa Solomon College ..

" i dont get it .. bakit hindi ka gumagaling ?" Takang tanong ni Carl habang nag lalakad sila papuntang simbahan .. mahigit may isang oras pa silang vacant time ..

" hindi ko alam .. pero ayos lang talaga ako " pinilit naman ng dalaga na ngumiti sa binata dahil ayaw niya itong mag alala sa kanya ..

" Hayaan mo Thalia .. pagka graduate natin ?? Kukuha ako ng kursong doctor para matulungan kita " pursigidong sabi ng binata .. natawa naman si Thalia .. dahil higit sa kanyang kapatid ay si Carl ang pangalawa sa pinaka importanteng tao sa kanya ..

" salamat carl " nakangiting sabi niya rito " Pagkarating naman nila sa simbahan ay nagpaiwan sa labas si Carl kaya naman si Thalia lang ang pumasok sa loob .. walang tao sa simbahan at tahimik ang paligid .. naupo ang dalaga sa unahan ng altar at tinignan ang imahe ng jesus cristo ..

" Papa god .. maraming salamat po sa panibagong araw na binigay niyo saamin ng kapatid ko .. patawarin niyo po sana lahat ng taong nagkasala .. at gabayan ang nga taong nangangailangan amen " pagdadasal ng dalaga ..

Pagka dilat niya ng mata ay meron na siyang lalaking katabi .. nakangiti ito sa kanya .. hindi naman ito ang unang beses na nakita niya ang kaluluha ng kanyang ama ..

" papa " halos naiiyak na sabi niya .. ilang araw siyang na discharge sa hospital dahil nawalan ito ng malay sa bangketa .. pasalamat niya sa estrangherong nagdala sa kanya roon at nagkaroon nanaman siya ng lakas para mabuhay ..

" mabuti naba ang kalagayan mo ??" Nakangiting sabi ng lalaki na nasa harapan niya .. nanatiling naka upo si Thalia at humarap sa altar ..

" ayos na po ako .. pero nag aalala nako kay Kuya .. wala pa siyang nahahanap na solusyon.. " malungkot na tugon nito ..

" wag ka mag alala Thalia .. malapit na " agad napalingon si Thalia .. pero wala na ang lalaki sa kanyang tabi .. mistulang isang malamig na hangin ang yumakap sa kanya ..

" Opo papa " sabi ng dalaga habang nakayakap sa kanyang sarili .. at tumulo ang mga luha nito ..

" Thalia tara na ? Mag uumpisa na ang klase " ngumiti ang dalaga at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi .. at tumayo .. nag sign of the cross muna ito at lumingon sa lalaking nag aantay sa kanya sa labas ..

Isa karin sa dahilan ko para mabuhay Carl...

Sabi ng dalaga sa kanyang isip .. nakangiting sinalubong siya ng binata at sabay na silang naglakad papunta sa kanilang klase ..

+

" Fuck them all " sabi ni dara sabay tungga ng kanyang alak na nasa harapan .. andito siya ngayon sa bar kasama ang kaibigang si shaine at iilang lalaking nahuhumaling s akanya ..

" ano ba dara tama nayan " nag aalalang sabi ni shaine .. habang pinipilit na patigilan ang kaibigan ..

" Ano ba let go ?? Ikaw napaka walang kwenta mo bwisit ka " sabi ni Dara at tinapon sa muka ni shaine ang vodkang iniinum nito .. napayuko naman si Shaine at hindi na nagsalita .. ayaw niyang magalit kay dara dahil importante ang kaibigan sa kanya ..

" i just can't believe it .. akala ko okay na eh !! Nakaka bwisit .. wala na nga si Lucio pero shit naman " inis na sabi ni dara at napapasabunot nalang s a kanyang sarili ..

" im sorry dara " sabi naman ni Shaine .. isang nandidiring tingin ang pinukol ni Dara sa kaibigan ..

" you know ? Bilib na sana ako sayo ?? Kaso what the hell ?? Nag iwan ka nang ibedensya doon ??" Tapos ay dinuro duro nito ang kanyang noo ..tumulo nalang ang luha ni shaine ..

Si dara ang may pakana sa pagkamatay ni Lucio inutusan niya si shaine na gawin iyon .. para patahimikin ang binata .. ayaw niyang masira ang repustayson niya sa harap ni Lexann .. at isa pa ay nagkamali siya nang hinala dahil kapatid pala ni Lexann si Kristen ..

" so its only mean .. kailangan nang mabura ng pesteng Sardinas girl nayan sa kwento .. " isang lagok nanaman ang tinira ni Dara habang nakangising nakatingin sa salamin ..

Hindi niya napansin sa kanyang likuran ay doon nakatayo ang babaeng naka itim ..

+

" she's awake " sigaw ni Carlyn kasama si Lei nang makitang nagigising na si Kristen .. agad naman nagsi pasukan ang tatlong lalaki sa kwarto ..

" kris !!" Agad na sabi ni Lexann at umupo s a tabi ng kapatid ..

" what happen ??" Nag tatakang tanong ni Kristen at tila ba walang maalala sa nangyari ..

" you passed out " agad napatingin ang lahat kay xiel .. umiling ang binata sa kanila at nagsasabing wag sabihin kung anong nangyari dahil mas makakabuti iyon ..

" oh my .. im sorry Late naba tayo sa camping ?" Nag aalalang sabi ni Kristen at tila wala ngang naalala sa nagyari .. napahinga naman si Lexann nang maluwag sa nalaman ..

Kaya naman ngumiti nalang ito sa kapatid ..

" papunta palang tayo don" sagot naman ni Lei .. habang si Carlyn at dave ay hindi parin nagpapansinan ..

" so .. tara na kris ??" Nakangiting sabi ni Xiel .. napalingon naman si Lexann sa kanya ..

" i mean lex .. let's go ??" Pag babago nito .. tumango naman si Kristen sa kanila at inalalayan na siya ng dalawa pang dalaga ..

" thank you " sambit nito sa kanila .. ngumiti naman ang dalawang dalaga .. at nag simula na silang mag ayos ng gamit ..

+

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon