Chapter Twenty-Five

4.1K 155 36
                                    

+

" Hey .. kanina ka pa sa pag view view dyan ah ?? Pasalamat ka pinayagan ka ni Ate Flor na pumasok sa Office room ni Bayaw " agad napatingin si Pauline kay J.L na ngayon ay nasa harapan niya .. andito parin sila sa bahay ng ate Flor. Nito at tinutulungan niyang maka recover ang kapatid at sa mabuting palad ay unti unti nang bumabalik sa dating sigla ang kapatid ..

" kailangan ko lang i review yung mga kaso ni Tito.Carlo 17 years ago " sabi ni Pauline at binalik ang mata sa paghahanap ng mga documents ng pumanaw na tiyuhin .. alam niya ang babaeng naka itim ang gumawa nito at alam niyang alam na nang tiyuhin kung sino ito kaya niya ito pinatahimik ..

Pero tatlong araw nang naghahanap sa si Pauline ay wala parin itong makita .. ayaw man isipin ay tila ba nawawalan na ito ng pag asa ..

" hay .. bahala ka basta pagkatapos mo dyan bumaba kana pata sa dinner ha ??" Sabi ni J.L at hinalikan ang ulo ng dalaga .. napangiti naman ito sa kanya at tuluyan nang umalis ..

Nagbuklat pa si Pauline ng mga documents .. tila halod ata kalahati palang ang nabubuksan niya .. maraming kaso ang hawak at na solve si Mr.Sta.ana noong mga panahon na yun ..

*toktok*

Agad napalingon si Pauline sa kumatok sa may pinto agad itong napatayo nang makita ang asawa ng tiyuhin ..

" tita Flor . Naku pasensya na hayaan niyo po ibabalik ko ito sa lahat sa dati " agad agad na sabi niya .. ngumiti ang ginang sa kanya at lumapit sa dalaga ..

" ano kaba wag na .. gusto kolang sana tanungin kamusta na ang paghahanap mo ??" Agad na tanong ng ginang .. napangiti naman si Pauline at umupo uliy sa swivel chair ng tiyuhin ..

" wala parin po akong clue na makita " sabi niya na may pang hihinayang na boses .. ngumiti si flor at pumunta sa isa sa mga cabinet ng asawa at may kinuha itong karton sa loob at inilapag sa harap ng Ni pauline ..

" ito .. sana makatulong .. yang kaso nayan ay .. ay .. ay noong may mga patayang nagaganap sa Lozada-Aquino College .. kung saan nag aral si ysa .. " biglang napatayo si Pauline at inalalayan ang tita Flor niya dahil namugto nanaman ang luha nito .. sa tuwing maaalala ang mga mapait na karanasan ..

" Maraming salamat po tita Flor. Malaking tulong po ito .. mamaya ko nalang po ito titignan .. kumain na po muna tayo " sabi ni Pauline .. tumango naman ang ginang at iginaya na ni Pauline ang tiyahin pababa ..

+

" hey .. wake up " tinapik tapik ni Carlyn si Lei na kanina ay nawalan ng malay .. agad namang napadilat si Lei at naghabol ng hininga na akala mo ay sobrang layo ng tinakbo .. nagpalinga linga ito at silang dalawa nalang ang nasa Mystery room ..

" asan sila ? Anong nangyari saakin ??" Nagtatakang tanong ng dalaga kay Carlyn ..

" nawalan ka ng malay kanina nang sinabi mong kailangan nating tulungan si Kristen .. " mahinahong sabi ni Carlyn .. napansin naman ni Lei ang lungkot sa muka ng dalaga ..

" ayos kalang ba ??" Tanong niya dito .. biglang napalitan ng pagkayamot ang muka ni Carlyn sa tanong ng dalaga sa kanya ..

" seryoso kaba ?? Tinatanong moko kung ayos lang ako ?? Yung pinsan ko nasa kapahamakan hindi ko alam kung anong nangyari tapos tatanungin moko kung ayos lang ako " biglang tumulo ang luha ni Carlyn .. hindi na nakasagot pa si Lei bagkos ay hinimas na lamang niya ang likod ni Carlyn ..

" *sob* .. nakikita mo ba talaga si Tita Ysa " sabi ng dalaga sa gitna nang pag hikbi nito .. pinunasan niya ang luha at tumingin kay Lei na may pag alalang nakatingin sa kanya ..

" oo .. hindi ko alam kung bakit ko siya nakikita .. ngayon ko lang din nalaman na magulang pala siya nila Lexann at Kristen " sabi niya at yumuko nalang ..

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon