NOTE : Hi guys .. favor lang please go to Facebook. Com and search for Louie Jean Lagunzad ( Page ) then palike po haha peace labyu :* enjoy******
Maagang nagising ng araw na yon sa Lexann upang maligo, ayaw kasi nya makipagsabayan sa pinsan at sa kapatid dahil aabutin sya ng santo santo sa tagal maligo ng mga ito.
Dahil wala pang katulong na nakukuha, bago maligo ay nagsalang na sya sa kalan ng itlog at hotdogs para sa agahan. Nilagay na rin nya sa microwave ang mga tinapay. Sanay sya sa gantong trabaho dahil nung nasa America pa sila ay wala naman silang maid, sila ang naglalaba, nagluluto at naglilinis, pero mapilit ang tita Flor nya, mas mainam daw kung may magsisilbi sa kanila kaya hindi na sya nakipagargue pa.
Bago pumasok ng banyo ay kinuha muna nito ang twalya sa silid, naiinis sya dahil maganda nga ang condo nila pero dalawa lang ang cr, ang isay nasa kwarto pa ng tiyuhin.
Nakaugalian na ni Lexann na magpatugtog ng malakas sa umaga, panggising ng diwa nya at pangasar sa mga kasama sa bahay.
"WAKE ME UP WHEN SEPTEMBER ENDS.."sabay nya sa tugtog habang papunta ng banyo, dahil sa lakas ng pagpapatugtog ay hindi nya narinig na lumalagasgas ang tubig na nangangahulugang may gumagamit nito.
Nakapikit pa at ninanamnam ang kanta na binuksan ni Lexann ang pinto ng cr at..
"EEEEEHHHHHHHHHHHHHHH!!"sigaw ng hindi pamilyar na babae kay Lexann dahil kasalukuyan itong nagtatapis ng tuwalya.
"WAAHHHHHHHH!!"nagulat din na sigaw ni Lexann.
Agad naglabasan si Kristen at Carlyn sa kani kanilang silid at pati na rin si J.L.
"Bakit?"halos takang tanong ng magpinsang Kristen at Carlyn.
"Sino ka?"magkasabay pang tanong ni Lexann at ng babae sa loob. Si J.L naman ay parang nagising ng maalala na kakilala nya at dala dala ang babaeng nasa loob, kaya agad syang humarang sa pintuan.
"Ah eh, kids.. Ah si.."
"Kilala mo sya?"sabay sabay na tanong ng tatlo.
"Ah eh.. Yeah.. She is Pauline.."nagaalinlangang pagpapakilala ni J.L. "She is my.."
"Im her girlfriend.. Ay mali his fiancee pala.. Hi guys!"nakangiting wika ni Pauline sa mga pamangkin ni J.L. Napakamot na lang si J.L sa ulo habang ang mga pamangkin ay gulat na gulat.
Kahapon ng makita nya si Pauline sa kalsada ay agad syang sinampal nito dahil daw sa napakong pangako nito dito. Nasa Grade 1 kasi sila noon ng pangakuan ni J.L or mas kilala pa sa tawag na Lewis noon si Pauline ng kasal. Ang matapang na dalaga nama ni Inspector Moral ay umasa at tila pinanghawakan ang pangakong yon, hindi ito nagnobyo ni isa man lang kahit madami pa umaaligid sa kanya dahil umaasa syang babalikan ni J.L. Matapos syang sampalin ay inimbitahan nya ito sa isang dinner at saka sila nagusap, napagalaman ni Pauline na single pa rin si J.L, tuwang tuwa naman sya sa pagaakalang dahil iyon sa kanya, lingid sa kaalaman nya ay sarit saring babae na ang naikama ni J.L sa ibang bansa pero hindi ito nakipagsteady dahil tinutulungan nya ang ate Ysa nya na alagaan ang mga anak. Ang simpleng dinner ay nauwi sa bar at kapwa sila nalasing kaya ang ending ay sa condo nila at sa mismong kwarto ni J.L.
Nakapaligo na ang lahat at nasa harap ng hapagkainan ay wala pa rin silang kibuan. Si J.L na ang bumasag sa katahimikan ng lahat.
"Guys.. Huwag nyo sana masamain ang mga nakita nyo ah..at saka sana Carlynn wag na makarating kay ate to, magagalit sa akin yon pag nalamang nagdala ako ng babae rito.."pakiusap ni J.L.
"At saka dont worry, di naman kami magpapakasal agad ni Tito nyo.. Alam nyo kasi I just lost my Father last week at kakalibing lang nya kahapon.."kwento ni Pauline.
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...