Chapter Fourthy - Five

3.7K 204 32
                                    


+
#Lexann

NOTE : kung naaalala niyo pa yung Chapter Two ??? Ito yung scene na may narinig si Lina yung nanay ni Ysa sa voice tape na pag aari ni arriane .. tapos diba naputol doon sa sinabi ni arriane na tulong ? So this is what really happen .. stay tune ^_^ and be open minded .

+

Dinilat ni Kristen ang mga mata nasa loob siya ng isang tent humawak ito sa kanyang ulo at tinignan ang paligid ..

" k-kuya ??" Tawag ni Kristen pero walang sumagot sa kanya .. bagkos ay may narinig ito sa labas ng tent kaya naman tumayo ito at lumabas ..

Pagkalabas ay isang kwarto ang sumalubong sa kanya .. merong babaeng nakaupo sa kanyang kama at may hawak itong recording ..

" ahmm excuse me ??" Tawag ni Kristen sa babae .. lumingon ito sa kanya at ngumiti .. laking gulat ni Kristen nang ang babaeng naka itim ito .. pero maaliwalas pa ang muka nito at mukang buhay na buhay pa ..

*TOK*TOK

Napalingon si Kristen sa likuran kung saan may malakas na katok ang kanyang narinig .. wala na ang tent nito at nasa loob na siya ng isang dorm .. tumayo ang dalagang si Arianne at binuksan ang pinto .

Nagtaka naman si Kristen dahil parang kanina lang nakangiti ito sa kanya pero agad ding nawala iyon .. naglakad si arriane papunta sa pinto at tumagos lang ito kay Kristen ..

"Sino yan?"sabi ni Arianne at saka binuksan ang pinto. Nakita ni Kristen ang lalaking nandoon .. naka hoody ito pero pamilyar ito sa kanya .. napalaki ang mata ni Kristen nang malaman kung sino ang lalaking nakatayo sa pinto ng kwarto ni Arriane .

" d-dad ??" Sabi nito .. nakita niyang tumingin sa kanya si arriane at napaurong si Kristen pero agad ding binalik ni arriane ang tingin kay Lexin ..

"O bakit nandito ka, gabi na, baka makita ka ni Miss Alumpihit, umalis ka na dito.." sabi ni arriane kay lexin ..

"eh kung si Tristan kaya ang nandito, malamang papasukin mo sya.." napahawak naman si Kristen sa kanyang bibig ..

"Ano ka ba Lexin, umalis ka na.. Ayoko ng gulo.." pagpupumilit ni Arriane ..

"Gulo! Ikaw tong nagumpisa ng gulo, tinuhog mo kaming magkaibigan, anong klaseng babae ka!" Gusto sanang lapitan ni Kristen ang ama at pigilan ito pero mukang hindi siya nito nakikita pwera kay arriane ..

"Magkaibigan lang kami ni Tristan! Malisyoso ka lang talaga!"

"Sinungaling!!"

"Alam mo namang yung babae sa drawing ang mahal ni Tristan diba! Ano pa ba ang problema mo!"

"Sabihin mo sa akin Arianne, Mahal mo ba si Tristan! Mahal mo ba sya?!" Halos hindi makapaniwala si Kristen .. may relasyon nga talaga sila .. ayon iyon sa narinig niyang pinag usapan nila Lexann at Xiel .. hindi niya iyon nakalimutan pero alam niyang mag aalala lang ang mga ito sa kanya kaya nagpanggap itong walang alam ..

"OO! MASYA KA NA! MAHAL KO DIN SYA, HINDI KO SINASADYANG SABAY KAYONG MAHALIN! PERO ALAM KONG HINDI NYO AKO MAHAL KUNG HINDI YUNG BABAE SA DRAWING NA HINDI NAMAN TOTOO! PERO ANO, PINILIT NYO PA RIN SYANG HANAPIN!" Bigla namang tumulo ang luha ni Kristen ..

Nabanggit sa kanya ng ina dati na mahilig gumuhit ang tito.Tristan niya .. at siya ang mahilig i drawing nito ..

"alam mong minahal kita Arianne, kaya ng nagawa kong patayin lahat ng nanakit sayo!!"

"IKAW.. IKAW ANG PUMATAY SA KANILA!"

"Ginawa ko yun dahil sinasaktan ka nila!"

This time ay napaupo si Kristen sa nalaman mismo galing sa ama ..

"Pero hindi mo dapat ginawa yon!"

"Mahal kita kaya ko ginawa yon, at pag nasasaktan ka, nasasaktan din ako at pag nasasaktan ako, pumapatay ako.. Alam mo bang nasasaktan mo ako ngayon.."

"Anong ibig mong sabihin? Ano yan.. Lexin.. Hindi magandang biro yan, ibaba mo yang kutsilyo na yan! Lexin waag.. Waaag! Aarggggghhh!"

Nagulat nalang si Kristen nang biglang saksakin ni Lexin si Arriane sa tagiliran nito .. Napaurong ang dalaga at halos nanginginig habang mismo sa harapan niya nakikitang pinapatay mismo si arriane nang sariling ama ..

Bumaksak sa sahig si Arianne at nagulat si Kristen nang tumingin ito sa kanya .. ang dami na nitong saksak sa katawan at gumagapang na si arriane papalapit kay Kristen para humingi ng tulong ..

"Tulungan mo ako"wika ng naghihingalong si Arianne habang gumagapang papalapit kay Kristen .. aabutin sana ni Kristen ang kamay ng dalaga pero agad itong sinabunutan ni Lexin ..

"Waag.. Waagg..! Pakiusap Waaggg.. Arggh" Sigaw ni arriane nang himasin ni Lexin ang kanyang tiyan ..

" Alam mo ba ?? Hindi ko naman papatayin si Tristan ng dahil lang sa mahal mo siya eh .. kasi alam ko namang meron nang ibang mahal si Tristan " sabi ni Lexin sa dalaga habang hinihimas ang tiyan ..

" d-dad .. stop p-pleasee " hindi naman makalapit si Kristen sa takot ..

" b-bakit .. bakit mo siya .. pinatay .. " nag hihinalong tanong ni Arriane ..

" ikaw !!! IKAW !!! May nangyari sa inyo .. sinabi niya yun saakin bago ko siya pinatay sa rooftop .. anong klase kaba arriane .. bakit hindi ka makuntento saakin " sabi nito at biglang sinaksak ang tiyan ng dalaga ..

Tumalsik ang dugo nito kay Kristen na nanginginig sa sulok at hindi malaman ang gagawin ..

Tumayo si Lexin at kinuha ang kanyang kutsilyo nakita pa ni Kristen na may nakaburdang paru paru sa kutsilyo ng ama .. tsaka iniwan sa sahig ang kawawang si Arriane .. pagkalabas ng ama ay agad tumakbo si Kristen kay arriane ..

" omygod .. omygod .. " sabi ng dalaga at hindi alam kung anong gagawin .. hahawakan niya sana si Arriane nang isang babae naman ang pumasok sa loob may dala itong lubid ..

" c-charm .. t-tulong " sabi ni Arianne sa kaibigan .. isang nadidiring tingin lang ang binigay ni Charm sa kanya .. nagulat nalang si Kristen nang hilain ng tinawag ni arriane na charm ang dalagang halos puro dugo na ang katawan ..

" Malandi ka kasi .. " sabi ni Charm .. habang nagtatali ng lubid sa itaas ng kisame ..

" P-Please wagg " pilit na sabi ni Kristen pero parang walang narinig ang mga ito ..

Hinila ni Charm si arriane at inilagay sa nakaluhod na dalaga ang tali ..

" c-charm .. p-lease ... b-buntis ako " sabi ulit ng dalaga sa kaibigan .. napatigil naman si charm ..

Lumapit ito kay arriane at hinawakan sa baba ..

" Gusto mong gumanti ? Gusto mong gumanti sa lalaking pumatay sa ama ng anak mo at sa lalaking pumatay sayo ?? " hindi sumagot si Arianne .. tinabig ni charm ang muka ng dalaga .. at naupo sa harapan nito at naglabas ng isang libro ..

Si Kristen naman ay hindi mahawakan ang dalaga .. wala siyang magawa para tulungan ito ..

" Porte diabolo Tarisma nuel undo rehasyon maisma " sabi ni charm .. nagtataka man si Kristen ay bigla nalang sumigaw si arriane .. nagulat si Kristen nang biglang lumobo ang tiyan nito at halos bigla nalang inuluwal nito ang patang petus na sanggol ..

Kinuha iyon ni Charm at inilagay sa kama ni arriane .. at tsaka hinila ang lubid pataas ..

Halos malunod na sa sariling dugo si Arianne ..

" patayin mo sila lahat arriane .. patayin mo sila ... " sabi ulit ni charm at kinuha ang dalawang sanggol at lumabas na nang kwarto ..

Agad na lumapit si Kristen kay arriane .. nagulat nalang si Kristen nang tumingin ito sa kanya na may galit sa mga mata ..

Ito mismo yung mukang nakita niya sa elevator ... nakalambitin ito at galit na galit na nakatingin sa kanya ..

Napaurong si Kristen at paglingon niya ay nasa loob na siya ng tent at nakita niya mismo ang sarili na nakahiga katabi nila Carlyn at Lei ..

+

Note : Give me 8 votes and 8 comments for the next chapter ^_^ ..

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon