Chapter Sixty-Two

3.6K 134 11
                                    


+

" Okay .. class dismissed and ohh reminder sa lahat nang candidates para sa campus royalties ?? Dumiretso kayo sa auditorium para sa first rehearsal " sabi nang kanilang guro bago lumabas nang classroom ..

Nagsitayuan naman ang lahat .. inis namang binaksak ni Carlyn ang kanyang muka sa desk ..

" arghhh !! Kaya ayokong sumali eh .. dagdag pa sa schedule asar " sabi nito .. natawa naman si Xiel dahil sa inakto nito .

Habang si Kristen ay malalim ang iniisip .. bumalik lang sa diwa ang dalaga nang dumaan na sa harapan niya si Aaron na pauwi na... agad napatayo ang dalaga at sinundan si aaron ..

" Aaron wait " tawag nito nang nasa labas na sila nang classroom ... napalingon naman sa kanya si Aaron .. na nakatago ang isang kamay sa bulsa ..

" let me see your hand " sabi ni Kristen at lumapit sa binata .. agad namang napaurong si Aaron ..

" Im fine baby .. dont worry " maiksing sabi nito pero hindi nagpatinag si Kristen at hinablot parin ang kamay ni Aaron at nakita niyang medyo sariwa pa ang dugo dito .. napatingin naman sa ibang direksyon si aaron ..

" Your hurt " mahinang sambit ng dalaga ..

" yeah im hurt because they hurt you .. not because of that simple bruise on my hand " sagot naman ni Aaron .. binaba ni Kristen ang kamay ni Aaron at ngumiti sa binata ..

" Okay .. ingat ka pauwi " masayang wika nito at tumalikod na .. nagtaka naman si Aaron sa inakto nang dalaga .. pero nagkibit balikat nalang ito at naglakad na palayo ..

Habang si Kristen ay dire diretsong kinuha ang bag niya ..

" Carlyn , xiel , dave mauna na kayo sa audi .. may pupuntahan lang ako " sabi nito pero bago lumabas ay tinawag muna siya ni Xiel ..

" teka ?? Samahan na kita ??" Pag aalok nang binata pero isang ngiti lang ang natanggap niya at umiling lang si Kristen na nagsasabing ayos lang siya ..

Lumabas na ang dalaga at dumiretso sa rooftop .. binaba nito ang dala niyang bag at pumunta sa gilid nang pinto at doon ay nakita niya ang mga lalaking nang bugbog sa kanila na nag sisigarilyo .. agad napalingon ang isa sa kanila kay Kristen ..

" Uyy ?? Ikaw yung kanina ah ?? Anong ginagawa nang isang magandang dalaga dito ?" Sambit nito at nagsitayuan na ang limang lalaki at tinignan si Kristen ulo hanggang paa ..

" nakakadiri kayo " sabi nang dalaga habang tinitignan ang mga lalaki .. napakunot naman ang noo nang lalaking sumampal sa kanya .

" hoy miss .. kung inaakala mong makakalabas ka pa nang rooftop na to na walang nangyayari pwes nagkakamali ka " sabi nito at naglakad na papalapit kay Kristen sumunod naman ang grupo nito
.

Pero agad din silang napahinto nang ngumisi lang ang dalaga sa kanila ..

" wala talagang makakalabas nang rooftop na to nang walang nangyayari " halos natakot ang lahat sa biglang pagtawa ni Kristen .. nakakakilabot ang pagtawa nito ..

" h-hoy baliw kaba ??" Kinakabahang sabi nang isang lalaki .. hindi nagpatinag ang kalbong lalaki at tumuloy parin sa paglapit  ..

Nang makalapit na siya sa dalaga ay isang nakakamatay na tingin ang pinukol s akanya ni Kristen ..

" Daddy .. they're hurting me .. hahahahahahhaah kill them "

Nagulat nalang ang mga grupo nang isang lalaki ang lumitaw sa likod nang dalaga .. may hawak itong patalim na nakapag paatras sa kanila .. habang si kristen ay tuloy lang sa pagtawa at nakatingin sa mga lalaking takot na takot ..

" t-teka ... bawal .. bawal ahhhhh " nagulat nalang ang apat na lalaki nang biglang tumalsik sa kanila ang ulo nang kanilang kasamahan .. at ang lalaking kasama ng dalaga ang may gawa nun .. halos napaatras ang lahat pero wala na silang maatrasan dahil nakaharang si Kristen sa pintuan ...

Na corner ang apat sa gilid nang rooftop .. at konting lakad pa ay malalaglag na sila ..

" parang awa muna miss .. parang awa muna .. w-wala kaming kasalanan ... g-ginanti lang namin ang kaibigan namin " nanginginig na sabi ng lalaki .. isang nakangiting Kristen ang humarap sa kanila ..

" hahahaha ako rin eh " sabi nito at umabante na ang lalaking may hawak nang patalim .. napaatras naman ang mga lalaki at sa hindi sinasadya ay nahulog ang mga ito sa rooftop ..

+

Kalalabas lang ni Aaron nang clinic nang ipa gamot niya ang napuruhang kamay nasa may main door na siya nang building nang nagulat nalang ito nang may bumaksak sa harapan niyang katawan nang tao at tumalsik pa ang dugo nito sa kanya ..

Hindi naman na takot ang binata bagkos ay nagulat ito nang makitang ang mga lalaking binugbog nila kanina ang mga ito ..

Agad na kinutuban si aaron at tumakbo papunta sa rooftop kung saan bumaksak ang mga ito.. pero isang bangkay nang lalaking walang ulo ang nakita niya at puro dugo sa paligid ..

" kristen " wika ng binata at tumakbo papunta sa auditorium ..

Pagkadating doon ay nakita niya ang dalaga na nakikipag tawanan kela Carlyn at Xiel .. nang makita naman siya nang dalaga ay halos nagulat ito nang makitang puro dugo siya
. Kaya napatakbo ito sa kanya ..

" Anong nangyari ???? Bakit ?? Bakit puro ---" hindi naituloy ni Kristen ang sasabihin nang bigla nalang siyang yakapin ni aaron ..

" where have you been ????" Agad na tanong ni aaron .. binalik ni Kristen ang yakap sa binata ..

" here " sabi nito pero iba ang kutob nang binata .. nagsilapit naman ang mga kasamahan nila kabilang na sila Lexann at Lei na nandito rin para sa rehearsal ..

" anong nangyari ?" Tanong ni xiel ..

" p-patay na yung mga lalaking naka suntukan natin kanina " diretsong sabi ni Aaron ..nanlaki naman ang mata ni Carlyn at gulat na gulat naman sila dave at xiel ganun narin si Lexann

Naikwento na kasi ni Carlyn sa kanila ang nangyari kanina .. ang plano sana ni Lexann ay resbakan ang mga ito dahil sa ginawa sa kapatid pero nakaka gulat ding patay na agad ang mga ito ..

" s-sinong may gawa ?" Tanong ni Carlyn .. napatingin si aaron kay Kristen na tahimik lang ..

" h-hindi ko a-alam " sagot nang binata .. bigla nalang may pumasok na guro sa audi ..

" Okay guys !! Cancel muna ang practice ngayon may emergency lang " sigaw nang kanilang instructor .. nagsi hiyawan naman ang iba at walang kaalam alam na meron na palang namatay ..

" umuwi na tayo " sabi ni Kristen .. tumango naman agad si Carlyn at Lei
. At sumang ayon na ang iba .. si Xiel naman ay nagtataka sa kinikilos ni aaron dahil nakamasid ito sa dalaga ..

+

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon