Chapter Fifty-Nine

4.1K 142 9
                                    

+

" Nakakainis saan naman kaya pumunta ang mga yun " wika ni Xiel habang nag lalakad sa mall kanina pa siya paikot ikot sa loob pero hindi niya makita sila Kristen at Hula niya pa ay kasama na nito si Aaron ...

Tahimik na naglalakad si Xiel nang may natanaw itong babae at pamilyar ito sa kanya .. may kausap ito sa phone .. hindi naman siya nagtataka pero nang malapit na silang dalawa at mukang hindi naman siya napansin nito hindi niya sinasadyang marinig ang sinabi nito ..

" I'll make that Kristen regret what she says to me that stupid bitch "

Halos magpantig ang tenga ni Xiel sa narinig .. tatalikod sana siya para kausapin ang dalaga pero pagkatalikod niya ay napahinto nalang ito nang makita ang babaeng naka itim .. hindi nakagalaw si Xiel .. isang masamang tingin ang binigay sa kanya nang babaeng nakaitim ..

Pero nang daanan na ito ng dalaga ay parang isang bula nalang itong nawala .. agad na bumawi si Xiel sa sarili at tumakbo papunta sa labas nang mall at lumapit sa seaside ..

Agad nayuko ang binata at napatingin sa langit ..

" gagawin ko lahat wag kalang mapahamak Kristen " banggit niya sa sarili at tinignan ang kanyang mga kamay ..

"October 9 mauulit ang lahat mamatay ang dapat mamatay " agad napalingon si Xiel sa kanyang likuran nang may marinig itong boses nang babae .. pero wala siyang nakita kundi mga taong nagdadaanan lang .. nagpalinga linga si xiel .. pero wala siyang makita ..

" Xiel " napalingon ang binata sa tumawag sa kanya at sakto namang si Kristen iyon na may dalang mga paper bag .. sa likod nito ay si Aaron na may mas maraming dalang paper bag .. napangiti ang binata .. pero agad ding nawala nang makita nito na kasama nila si Thalia ..

Nagtaka naman si xiel kung bakit kasama ng dalaga si Thalia at hindi man lang ginawan nang paraan ni aaron yun .. kaya agad niyang tinignan si Thalia ..

Nang mapansin ni Thalia na masama ang tingin sa kanya ni Xiel ay agad napayuko ang dalaga ..

" At-te Kristen .. mauna na po ako saamin .. nag aantay napo ang lola ko " sabi nito ..nalungkot naman si Kristen nang malamang uuwi na ang dalaga ..

" pero .." magsasalita pa sana ito nang bigla nalang tumakbo palayo si Thalia .. nakatingin lang si Aaron sa dalagang tumatakbo palayo ..

" tara na Baby " napasimangot naman agad si Kristen nang tawagin nanaman siyang baby ni Aaron .. tinignan niya iyon nang masama at pinang lobohan ng pisngi ..

" Lex .. san kayo galing ?? Bakit ang dami niyong dala ??" Wika ni Xiel sa kanila nang makalapit sa dalaga .. agad namang ngumiti si Kristen nang si xiel na ang kaharap .

" namili lang nang mga gifts .. birthday kasi namin ni Kuya sa October 9.. and birthday din daw niya .. " sabi nito sabay nguso kay Aaron .. na nakapikit lang habang nakatayo ..

" really ?? Its my birthday too " nakangiting sabi nito na nakapag pakunot ng ulo ni Kristen ..

" so Lahat tayo birthday sa october ganun ??" Sarcastic na sabi nito at hindi makapaniwala na pati si Xiel ay kaarawan din sa darating na October .. napaka imposible namang lahat sila iisa lang ang birthday .. kawawa naman si Carlyn kung ganun dahil next year pa ang birthday niya ..

Isip ni Kristen ..

" tara na umuwi na tayo .. baka nag aalala na si Kuya " sabi nalang ng dalaga .. nakapamili naman siya nang maraming Regalo para sana iyon lahat sa kuya niya pero pwede naman niyang bigyan si xiel dahil magkasing katawan lang naman sila ..

Agad namang tumango si Xiel at inagawan si aaron nang dala .. hindi naman nagdamot si aaron at binigay lahat ng dala niya kay Xiel at agad na sumunod kay Kristen pagka para nito ng taxi ..

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon