Chapter Fifthy-One

3.6K 143 3
                                    

+

" Lei ??? Anong Problema ???" Agad na nilapitan ni Lexann si Lei nang sumigaw ito .. si Lei naman ay nanginginig habang nakatingin sa bangkay na nasa harapan ... tinignan naman iyon ni Lexann ..

Kaya naman agad niyang binitawan ang mga hawak na folder at siniil sa yakap ang dalagang takot na takot ... nagsimula namang umiyak ang dalaga sa dibdib nito .

" hey ?? Whats wrong ?? Dont scare me like that !!" Bulong ni Lexann kay Lei .. halos hindi ito tumigil sa pag iyak ..

" a-ayoko na dito ... a-ayoko na ... h-hindi kona k-kaya ... " sabi nito sa gitna nang kanyang pag iyak .. ramdam ni Lexann ang takot ng dalaga ..

" its alright .. aalis na tayo .. " sabi ulit ng binata .. tumango naman si Lei sa kanya .. bumitiw na si Lexann sa pag yakap sa dalaga at pinulot ulit ang mga Folders ..

" Hold my hand " sabi ni Lexann .. nagpunas ng luha ang dalaga at aabutin na sana nito ang kamay ng binata nang may marinig itong isang pagtawa .. maski si Lexann ay narinig iyon ...

Nagpalinga linga ang dalawa sa paligid ...

" s-sino yan ??" Matapang na sabi ni Lexann .. halos nag eecho ang tawa nito sa buong Kwarto ng Principals office ..

" Apo .. namiss ka ni Lola " rinig ni Lexann sa paligid .. hindi naman iyon narinig ni Lei dahil iba ang kanyang naririnig ..

" pst " halos mabaliw ang dalaga at ayaw lingunin ang bangkay ... natatakot siya sa tuwing maririnig ang pag pst nito .. lalo na nang makitang ang bangkay nayun ang nag pst sa kanya ..

" a-apo ??" Hindi maintindihang sabi ni Lexann ... hindi niya binitawan ang kamay ni Lei na nanginginig na sa takot ..

" kamukang kamuka mo ang papa mo .. apo .. " sabi ulit ng boses na umaaligid sa buong kwarto .. naririnig lamang iyon ni Lexann pero wala siyang makitang ibang tao sa loob ng kwarto ..

"SINO KABA " sigaw na ni Lexann .. halos paikot ikot na sa ulo niya ang boses na yun ...

Si Lei naman ay halos manlaki ang mata ng makita ang Babaeng nakaitim sa harapan ni Lexann pero hindi ito ang babaeng naka itim na may galit sa mga mata .. ibang babae ito ..

At nang maalala niya ang litrato na hawak kanina ay doon niya lang napagtanto na ang babaeng naka itim na nasa harapan nila ay ang ginang na nasa litrato ..

At ayon sa nakikita niya ay nakangiti ang ginang kay Lexann na para bang masaya itong nakita si Lexann ..

" Lexann ... " tawag ni Lei sa kanya lumingon sa kanya ang binata na naiinis na sa boses ng babae ..

" she .. ahmm .. nasa harapan mo siya ... " sabi ni Lei .. napatingin naman si Lexann sa harapan niya pero wala siyang makita .. habang si Lei naman ay hindi narin mapakali sa Tawag ng tawag kanya ..

" apo ... " sabi ulit ng babae kay Lexann .. hindi na nakapag tiis si Lexann at tumakbo na palabas habang hila hila si Lei ..

Hindi naman na lumingon si Lei sa kwarto na yun dahil hindi na niya kaya ang mga nakikita niya ..

Habang tumatakbo sa pasilyo ay napahinto ang dalawa .. napalaki ang mata ni Lei nang makita ang lalaking nakahiga sa sahig ..

Puro dugo ito at may gilit sa leeg .. nang makilala naman ni Lexann kung sino ito ay napaurong ito ..

Ito ay isa sa lalaking kaibigan ni Lucio .. alam niyang nandito ang mga ito pero hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon niya makikita ang mga ito ..

Hindi na nag isip si Lexann at hinila lang si Lei at dinaanan ang bangkay na nasa harapan .. isa lang ang nasa isip niya .. delikado sila ngayon ..

" Lexann .. paano nang yari iyon ??" Sabi ni Lei habang tumatakbo sila ..

" hindi ko alam pero hindi tayo pwede magtagal dito sa loob ng Building nakita mo naman kung anong nangyari sa kanya delikado na tayo " sagot sa kanya ng binata ..

Nilingon ni Lei ang bangkay at nakita niya at laking gulat nalang ng dalaga ng isang lalaki ang humihila dito papasok sa isang Classroom .. halos naiyak ang dalaga .. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon nangyari pero isa lang ang sigurado si Lei .. kaya silang patayin ng mga kaluluha na nandito sa loob ng Campus ..

Nang makalabas silang dalawa ay halos habol ng hininga ang dalawa sa nasaksihan ..

" a-ayoko nang bumalik doon " sabi ni Lei habang hinihingal ... tumango naman sa kanya si Lexann ..

" hinding hindi narin ako babalik sa loob ng bui--" hindi natuloy ni Lexann ang sasabihin nang makita niya si dave na magisang lumabas ng Building .. nagtaka naman ang binata kung bakit hindi nito kasama si Carlyn ..

Inabot naman ni Lexann ang mga Folders kay Lei ..

" Lei dumiretso kana sa camp side " utos niya rito tumango naman si Lei at tumakbo agad papunta sa Camp side ..

Papalapit na si Lexann kay dave nang mapahinto ito nang makarinig ng sigaw na nanggagaling sa building na pinasukan ng pinsan at ni dave ..

" AHHHHHHHH " nakita niyang agad na tumakbo si dave sa loob .. at hindi naman nagdalawang isip si Lexann na sumunod sa binata ...

Kahit ayaw na niyang pumasok sa loob ay hindi maari dahil Pinsan niya ang nadoon ..

" Kristen ... sana maging maayos kalang " sabi ni Lexann sa sarili ... at tumakbo na papasok sa loob ng Building .. naabutan naman niya si dave ..

" asan si Carlyn " sigaw niya rito habang tumatakbo ang dalawa ..

" hindi ko alam .. akala ko siya yung kasama ko pero hindi na siya
. Hindi ko alam .. hindi ko alam pero kailangan niya ko .. kailangan niya ako " halos hindi makapaniwala si Lexann sa mga sinabi nito .. pero kita niya sa mga mata ng binata na sobra itong nag aalala sa dalaga ...

Napahinto ang dalawa sa pasilyo nang halos wala na silang makita sa paligid .. sobrang dilim ..

" tangina " inis na sabi ni Dave .. naglabas naman ng flashlight si Lexann at inilawan ang paligid ... hindi na nakatakbo ang dalawa dahil sa sobrang dilim kaya naman naglakad sila ..

Sa hindi kalayuan ay may natanaw silang tao na may hinihilang babae ...

" CARLYN !!!!" Sigaw ni Dave .. dahan dahan lumingon ang lalaking may hila sa walang malay na si Carlyn ...nakilala iyon ni dave dahil sa suot ng dalaga .. napa kagat bagang si Lexann nang makita ang pinsan .. naalala niya ang nakita niyang lalaki kanina na patay na nang makita nila sa pasilyo ....

Nagulat nalang si Lexann nang bigla nalang tumakbo si Dave papalapit doon sa lalaking may hila hila kay Carlyn ..

Tumakbo narin doon papalapit si Lexann .. napahinto ang dalawa nang itaas ng lalaki ang kamay ay tinuro nito ay si Lexann ..

Nagtaka naman ang binata kung bakit siya tinuro nito pero bigla nalang nitong binitawan si Carlyn at tumakbo papalayo sa kanila ..

Nagtataka man si dave ay agad na nitong nilapitan si Carlyn ..

Nangamba naman si Lexann at nagtataka sa inakto ng lalaki kanina .. dahil para bang takot na takot ito sa kanya ...

+

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon