NOTE : Hi hello sa supporters ng Campus Queen Book 2 ^_^ i dedicate this chapter to two of my special readers :))
HEYyanaM : Hi ^_^ Eto na po hahaha .. hope you like it ^_^
Annaoj_acir05 : Hi ana ^__^ this is for you too .. Enjoy reading girls ..
--
"Hindi ko man lang sya nayakap bago sya mawala.."pigil at pinipilit magpakatapang ni Lewis or J.L na ngayon, nasa harap silang magkakapatid ng kabaong kung saan nakahimlay ang yumaong ina.
"Napakasakit, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Mama, kalunos lunos ang nangyari sa kanya..mas matatanggap ko pa kung sa akit sya namatay pero sa ganong klaseng aksidente.. Lumalabas pa na nagpakamatay sya.. Which we all know is very impossible.."naiiyak na sabi ni Flor habang nakaakbay sa dalawang kapatid.
"Imposible talaga yun dahil she is a very happy and satisfy woman.. Kaya naguguluhan din ako Ate.. Ano ba talagang nangyari.."tanong ni Ysa na lalong gumanda kahit may edad na.
"Nagpaalam siya sa akin na kukunin lang daw yung mga documents na kailangan nya para sa pagmimigrate nya sa America, and then nakatanggap na lang ng tawag si Carlo mula sa tauhan nya about sa nangyari"kwento ni Flor.
"Diba ate kasama kamo nya si Carlyn? Wala ba syang nabanggit sayo?"naalalang itanong ni J.L, para namang mas nalungkot at nabakas sa mukha ni Flor ang dagdag na pasakit ng maalala ang anak.
"Hanggang ngayon she's in shock, hindi sya makausap, hindi sya kumakain, iyak sya ng iyak, pinaconfine na muna sya ni Carlo"naiiyak na namang sagot ni Flor, niyakap sya ni Ysa at inalo.
"Ate.. Magpakatatag ka.. Nandito lang kami ni J.L para sayo.."ani Ysa.
"I know, tayong tatlo na lang ngayon.. Magkasama na sila Mama at Papa.."mapait na wika ni Flor.
"Tama.. Marahil ito na rin ang plano ng diyos, para bumalik na kami ng tuluyan dito.."makahulugang wika ni Ysa.
"Tuluyan? You mean dito na kayo titira?"nagulat na sabi ni Flor.
"Napagdesisyunan namin ni ate Ysa na after ng libing ni Mama ay babalik agad kaming America para ayusin na lahat ng dapat ayusin and then dito na kami magstay.."paliwanag ni J.L
"thats good to hear pero payag naman ba ang mga anak mo Ysa na dito na kayo tumira.."usisa ni Flor sa kapatid.
"Actually, kaya kami nagtagal dahil inuna naming asikasuhin ang papel nila, maiiwan na dila dito once na bumalik kami ng America ni J.L, dala na namin lahat ng kakailangganin nilang files sa pagtira dito."kwento ni Ysa.
"So nasaan yung kambal?"tanong ni Flor.
"dumaan muna sila ng hotel para makapagpahinga, from airport dumiretso kasi kami kaagad dito ni J.L, mayamaya nandito na yung dalawa.."napatingin si Ysa sa may labas at nakita nyang parating na ang mga anak.
"O speaking, nandito na sila."
Naunang pumasok ang isang magandang babaeng nasa disi siete ang edad, mahaba at tuwid ang buhok nito at bagay na bagay dito ang puting headband na suto lalo na sa suot nitong puting bestida, kamukhang kamukha ito ni Ysa. Ngunit ang mga nito ay tila nakuha sa ama. Ang mga ngiti naman sa labi ay tila nagpapaalala kay Tristan.
"Kristen.. Nasaan ang kapatid mo?"salubong ni Ysa sa anak.
"Pinark lang yung car Ma.."sagot ni Kristen saka lumapit sa Tita na si Flor at nagmano, kahit sa America lumaki ang mga anak ni Ysa ay siniguro nito na lalaki itong ugaling pinoy kaya nga matatas ang tagalog ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...