Chapter Twenty

4.1K 194 24
                                    


+

" Oh , dara pumasok na yung matagal munang inaantay " sabi ni Hero sa kaibigan nang makita sila Lexann , Kristen at Carlyn kasama ang bago nilang kaibigang si Xiel .. agad namang lumingon si Dara sa kanila ..

" ang landi talaga , tignan mo yung bagong guy naman ang kausap " sabi naman ni Shaine !! napa isip naman si Dara , napaka landi talaga .. humanda ka saakin at matitikman mo kung anong kayang gawin ng isang Dara .. sabi nito sa sarili ..

" tara na girls !! " yaya niya sa mga kaibigan at naglakad na papasok ng campus !!

+

habang papasok ay masaya paring nag kwewkentuhan sila Kristen at Xiel kasabay din nilang pumasok sila Lei at Dave .. hindi pa nila napapansin ang isat isa .. kaya naman patuloy lang sila sa paglalakad at masayang nag kwekwentuhan ..

* KRINGG*

Kasabay nang bell ay sabay sabay napatingin ang lahat sa school dahil masyadong maaga ang pagbell pero tanging sila Carlyn , Lei , at Kristen lang ang tumingin .. agad naman napansin iyon ni Lexann kaya minabuti niyang lapitan ang kapatid at pinsan .

" anong problema ??" tanong nito sa kapatid pero nakatingin lang ang dalawa sa itaas !! napakunot naman ang noo ni Lexann at tinignan kung ano ang tinitignan ng dalawa pero wala siyang nakita ..

" Hoy Lei ayos kalang ??" napalingon naman sila Xiel at Lexaan sa pagsigaw ni Dave at nakita nilang nakatingin lang din sa itaas si Lei ..

" anong nangyayari ?" tanong ni Lexaan !! humarap ito kay Xiel at nakita niyang tinitignan lang ni Xiel si Kristen at tumingin din sa tinignan nila at doon nakita ni Xiel ang babaeng naka itim na nasa rooftop ..agad itong napalingon sa mga dalaga pati narin kay Lei ..

" LEXANN , KUNIN MO SI CARLYN AT DALHIN MO SIYA SA ROOM 32 .. IKAW DALHIN MO ANG KASAMA MO AT SUMUNOD SAAMIN BILISAN NIYO " sigaw ni Xiel kasabay nun ay sabay sabay nawalan ng malay ang tatlong babae !! kahit takang taka ay agad na sinalo ni Lexaan at pinsan at ganun din ang ginawa ng dalawang lalaki sa dalawang dalaga !!

" teka anong nangyayari ?" naguguluhang tanong ni Lexann .. at sumunod na lamang sa kung saan pupunta sa Xiel ganun din ang ginawa ni Dave habang buhat buhat ang walang malay na si Lei ..

takang taka naman ang grupo ni Dara sa naging reaksyon ng anim na magkakasama balak sana niya itong sundan nang lapitan sila ni MRS.aguirre at pinapasok na sa kani kanilang classroom !! inis na napadyak lang si Dara at sumunod sa utos nang matanda ..

habang nandoon na ang anim ay inilapag nila ang mga dalaga sa sofa .. agad namang hinarap ni Lexaan si Xiel ..

" anong nangyayari ??? anong alam mo dito ??" inis na sabi nito !! ganun lang din si Dave at nag aantay nang isasagot ng binata ..

" pagbabayarin niya kayo .. kayong mga anak niya " sabi ni Xiel , naguguluhan namang hinarap ni Lexaan ang binata !!

" anong pinagsasabi mo ?? bakit kami magbabayad ?? wala kaming ginawang masama ng kapatid ko " sabi ni Lexann ..

" sabihin niyo nga anong kinalaman namin ni Lei dito ??" hirit naman ni Dave na naka tutok lang kay Lei !!

" siya !! may alam siya sa mga nangyayari kaya madadamay siya .." sabi ulit ni Xiel !! at humarap kay Lexann ..

" wala nga kayong kasalanan pero ang tatay niyo meron .. malaki ang kasalanan niya sa babaeng naka itim " sabi ulit ni Xiel .. nagulat naman si Lexann nang banggitin nito ang ama niya na hindi naman niya nakita o nakasama ..

" anong kinalaman ng magulang namin dito ??" seryosong sabi ni Lexann !!

" hindi ko alam .. pero kayo ang sinisingil nang babaeng naka itim !!" sabi ulit ni Xiel !! napahampas naman sa desk si Lexann dahil gulong gulo na siya at hindi niya alam kung anong pinagsasabi ni Xiel !! at isa pa ay walang malay ang kapatid niya at ang pinsan nito ..

" ang gugulo niyo !! mga baliw ba kayo ??" inis na sabi ni Dave !! hindi ito pinansin ni Xiel at tinignan lang ang walang malay na si Kristen ..

" kailangan natin malaman ang nagawang mali ng ama niyo sa kanya !! kung hindi hindi niya kayo titigilan .. pero ito lang ang masasabi ko sa ngayon .. may kinalaman ang babaeng naka itim sa pagkawala ng mga mahal niyo sa buhay .." seryosong saad ni Xiel !! agad na napatayo si Dave ..

" namatay ang tatay ni Lei sa hindi malamang dahilan ang sabi ay car accident pero hindi naman lasing ang tatay niya nang mga panahong iyon !! sa tingin mo may kinalaman iyon ??" sabi nito !! agad ding nagsalita si Lexann nang maalala ang nangyari sa Mommy niya ..

" hindi rin basta basta magpapakamatay si Mommy ng walang dahilan !!" sabi nito habang nag iisip ..

" at si Tito Carlo ay hindi gagawa ng mali na ikakasakit lang ng pamilya niya " sabi pa ulit ni Lexaan !!

" hindi ko maintindihan ang nangyayari pero sa mga sinabi mo , at sinabi mong black lady ay parang nagtutugma din sa mga kakaibang kinikilos ni Lei nang mga nakaraang araw !!" sabi pa ni Dave , napaisip naman si Xiel kung anong kinalaman nito at bakit nagpapakita rin dito ang babaeng nakaitim !! hindi kaya may clue ito kung paano nila malalaman ang babaeng nakaitim ??

" kagabi .. ang totoo niya hindi nahimatay si Kristen dahil sa nalipasan nakita niya sa elevator ang babaeng nakaitim " sabi ni Xiel napalingon agad si Lexaa dito ..

" sino bayang babaeng naka itim nayan !! at bakit niya ginagawa to ?? ayoko maniwala sa multo o kung ano man pero nagtutugma lahat ng sinasabi mo sa mga nangyayari netong mga nakaraang araw " sabi ni Lexann !!

" yun ang kailangan natin malaman " sabi ni Xiel .. kasabay nun ay nagkamalay na ang tatlong dalaga !! agad na lumapit si Lexann sa kapatid .. ganun din ang ginawa ni Dave kay Lei ..

" anong nangyari ??" sabay sabay na tanong nang tatlo ..

" wala silang maalala sa nakita .. simula ngayon tayong anim .. ay may lulutasin na misteryo tungkol sa black lady " sabi ni Xiel , tumaas ang balahibo ni Kristen nang banggitin ang black lady dahil naalala nanaman niya ang babaeng nakaitim ..

" ang ibig mo bang sabihin totoo siya ??" natatakot na sabi ni Kristen , niyakap naman agad niya ang kuya !!

" Oo , at kayong tatlo ay nawalan ng malay dahil siguro ay nakita niyo siya " sabi naman ni Xiel at tumingin pa sa dalawang babae ..

" nakita ko siya sa Sasakyan ni Lola nang namatay siya .." tumulo ang luha ni Carlyn nang sabihin niya iyon !! tumingin naman silang lahat kay Lei ..

" hindi ko maintindihan pero oo nakita ko rin siya madalas !! pero hindi lang siya " napakunot ang noo ni Xiel sa sinabi ng dalaga ..

" anong ibig mong sabihin ??" tanong nito ..

" meron akong cellphone , na nanggaling noong namatay ang papa ko hindi saakin iyon at hindi rin kay papa , wala na itong baterya pero meron paring tumatawag at sinasabihan akong mag ingat ako at tulungan ko sila , pero hindi ko alam ang tinutukoy niyang sila .." sabi nito ..

" pwede mo bang dalhin bukas ang cellphone ??" sabi ni Xiel tumango naman ang dalaga , napaisip ito na hindi lang pala siya ang naguguluhan sa lahat kundi ang mga tao pa na nandito sa kwartong ito ..

" tutulong ako sa paglutas " pag prepresinta ni Dave !! tumango naman si Xiel .. kailangan niyang malaman ang misteryo ng black lady at kung bakit nito pinupunterya ang mga nagialam sa nakaraan !!

" simula ngayon , tayo na ang Mystery Club " sabi ni Xiel , at doon napansin ng lahat ay nasa Mystery club room sila ...

+

Note : Im so Sorry guys to tell you na I Pa-Pause ko po muna ang Next chapter For one week i guess .. Meron po kasi akong ipupublish na new story " Your lie in summer " at ngayon December ko siya uumpisan dahil yung story na yun ay dedicate ko sa isang special readers of mine ^_^ haha .. so I hope you understand .. Yun lang :) enjoy

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon