Chapter Eight

5.7K 151 15
                                    

@LOUIEJEAN ♡

***

Asar na asar si Lei ng mga sandaling iyon, naging instant delivery girl pa tuloy sya ngayon. Sa totoo lang ay naaasar sya sa lalaking iyon, second encounter na ata nya dito na puro kamalasan ang nangyayari sa kanya. Nung una ay pinahiya sya sa buong school at sinuntok pa si Dave, kung tutuusin ay kasalanan naman talaga nya yon kakabutinting sa cellphone. At naawa pa nga sya dito dahil mukhang napuruhan kay Dave. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na nya kasalanan, katangahan nya at sa isip isip nya, ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na sabihing tie lang sila.

"Ang kapal nya.."bubod ni Lei. Paano magiging patas yun samantalang kinaltas sa kanya lahat ni Mr. Ong lahat ng nabasag at maging ang order ng lalaking yon. Dagdag pa ang masasakit na sinabi ni Mr. Ong.

"Yung matandang yon.. "asar na sabi nito at saka pumasok sa building ng Palace Heights, bumungad sya sa may reception.

"room 1507 po, delivery.."anya.

"Para kanino?"nakakunot na sabi ng nasa reception, napakamot si Lei sa ulo ng maalalang hindi nya nakuha ang pangalan ng lalaking yon. Mas nadagdagan tuloy ang inis nito sa lalaki.

"Ahmm.. Kasi po room number lang yung binigay nya sa amin saka yung floor.. "paliwanag ni Lei.

"ganon ba.sige tatawag ako.."maya maya ay tumawag ang nasa reception at nakita nyang tumango tango lang ito at pagkatapos ibaba ang telepono ay tumingin ito sa kanya. "sige pwede ka na pumanik"

Dali dali itong pumunta sa elevator, hirap na hirap sya sa bitbit nya. Pinindot nya ang 15th at saka pumwesto sa pinakasulok. Dalawang matanda at tatlong kabataang koreano ang nakasabay nya. Ang mga kabataan ay bumaba sa 8th floor samantalang ang dalawang matanda ay sa 10th floor, kaya naiwan lang syang magisa. Nang nasa 11th floor na sya ay huminto ang elevator at bumukas, isang babae ang pumasok, nakaputi ito, hindi napansin ni Lei ang itsura nito. Napansin din nya na hindi ito pumindot kung saang floor bababa, sa isip nya marahil ay pareho lang sila ng destinasyon. Nang sumapit sa 14th floor ay huminto na naman ang elevator at limang lalaki ang sumakay. Natakpan tuloy ang babaeng sumakay sa 11th floor. Nang makarating sa 15th floor ay naghanda na sya para lumabas, medyo nahirapan sya makisiksik sa mga lalaki pano ay malalaki ang katawan nito.

"excuse me po, excuse me po"sabi nya, at ng makalabas na sya ay hinagilap nya ang babaeng akala nya ay kasabay nyang bababa sa palapag na yon pero wala ang babae, napakibit balikat na lang si Lei ay inisip na lang nya na baka nauna na itong bumaba. Pagtingin nya sa paligid ay wala naman sya nakitang babae.

"ang bilis naman maglakad noon"pagkawika ni Lei non ay naglakad lakad na ito para hanapin ang silid.

Liko liko bawat silid kaya naman di nahirapan sya hanapin ang pakay. Lumiko pa sya ng isang liko at nagulat pa sya ng makita ang babaeng kasakay sa elevator, hindi man nya nakita ang mukha nito pero alam nyang ito yun dahil sa suot nito. Nasa tapat lang ito ng isang pinto at nakatayo.

Taka syang nilapitan ito. "Hi Miss, may problema po ba kayo?"nagaalalang tanong nya lalo na ng makita ang lungkot sa mga mata nito. Pero hindi ito kumibo. Napatingin na lang si Lei sa tapat ng pinto. "1507" sambit nya sa sarili.

"Uy eto na pala yon, lapit lang pala halos nalibot ko yung buong floor"kausap pa ni Lei sa sarili at saka ko binalingan ang babae. "tiga dito po ba kayo?"usisa nito sa babaeng nasa tapat ng pinto, may edad na ang babae pero maganda ito, napansin nya ang mga mata nito na wari ba ay luluha ano mang sandali. Tatanungin na sana nya ito pero biglang bumukas ng pinto.

Isang lalaki na nasa edad 25 ang bumungad sa kanya.

"Oh hi, yan na ba yung food namin"tanong nito at saka biglang sumingit ang isang pamilyar na babae.

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon