A/N : Hi hello sa mga supporter ng campus queen Book 2 ^_^ .. i dedicate this chapter sa lahat ng nagbabasa ^_^ hahaha .. sana magustuhan niyo tong chapter na to ^_^ Thank you .. i hope after you read this you will leave a comment for feedbacks and vote na rin haha .. again Enjoy reading ^_^ ...
--------------
"Mamaya nyo na po buksan pagkahatid ko sa inyo sa pupuntahan nyo"
bilin ng driver at kapagdakay nagmaneho muli, takang taka man ay sinunod ito ni Ysa. Ilang minuto pa ay nasa hotel na si Ysa. Nagbayad na sya sa driver at kitang kita nyang may takot pa rin sa mga mata nito.
Dumiretso agad si Ysa sa loob ng hotel at kapagdakay pumunta sa kanilang kwarto. Dahil sa pagod ay nakatulog na ito at nakalimutan ang sinabi ng driver at maging ang tungkol sa sulat nito,
+
Si Mang Henry ay kilabot na kilabot pa rin sa nakita kanina, nakapangingulabot ang itsura ng babaeng naisakay nya na walang iba kung hindi si Ysa, duguan ang mukha at katawan nito, may katabi din itong itim na babaeng titig na titig sa kanya. Napailing si Henry, masamang pangitain ang kahulugan noon.
"Sana sundin nya ang sinabi ko.."sabi ni Henry, paaandarin na sana nya ang sasakyan ng may marinig na cellphone na nagriring, alam nyang hindi kanya iyon kaya naman hinanap nya sa loob ng taxi, at doon ay nakita nya ang isang mamahaling cellphone, tiningnan nya ito. Lexann ang nakalagay sa incoming call. Sinagot nya ito.
"Hello"
"Sino ka? Bakit ikaw ang sumagot? Nasan ang Mommy ko."si Lexann ang nasa kabilang linya.
"Ay sir, naiwan po kasi ng Ina nyo yung cellphone nya dito sa cellphone ko, wag ho kayong magalala at ibabalik ko na po sa hotel na pinaghatiran ko."paliwanag ni Henry,
"Ganon ba? Sige sige.."at saka naputol ang linya.
Bago pa man magpaandar ay naisipan ni Henry tawagan ang anak na babae. "Anak, may pupuntahan lang ako, wag mo na ako hintayin, sabihin mo sa tita mo na mauna na kayo kumaen, bye anak, i loveyou "pagkawika ay pinamulsa ni Henry ang naiwang cellphone.
Habang nagmamaneho, wala sa loob na napasilip si Henry sa may salamin ng sasakyan at sindak na sindak sya ng makitang nandoon pa rin ang babaeng nakaitim at sa pagkakataong ito ay sa kanya naman ito nakatitig. Hindi na nya nagawa pang sumigaw dahil sinakal na sya nito bigla, nabitawan na tuloy ni Henry ang manibela ng minamanehong taxi at dire diretso itong bumangga sa isang concrete barrier kasabay ng pagbangga ay ang malakas na paghagis ng babaeng nakaitim kay Henry sa windshield.
"PAKILAMEROOO.."umeechong tinig ng isang babae.
Wasak ang kotse maging ang ulo ni Henry ay wasak din, kanya kanyang hiyawan ang mga tao sa nasaksihan.
+
"Damn.. Napakatraffic naman!"inis na sabi ni Lexann, pauwi na sila sa hotel na tinutuluyan kasama ang kapatid na mahimbing na natutulog sa likuran.
"Hindi naman natatraffic dito, siguro may aksidente.."anya naman ng Oscar, hindi na hinayaan ng matandang driver na magdrive dahil bilin ito ni Ysa.
"Wala ba nagaasikaso? Haay.. Magisa pa naman si Mommy doon"nagaalalang wika ni Lexann.
Aksidente nga ang sanhi ng traffic doon, ang aksidenteng sinapit ng taxi driver na sinakyan ni Ysa.
+
Samantalang si Ysa ay mahimbing na mahimbing na natutulog, wala syang kamalay malay na wala ng buhay ang driver ng taxi na sinakyan kanina.
Nasa kalagitnaan na sya ng pagtulog ng maramdaman nyang naalis ang pagkakakumot sa kanya, sa pagaakalang nahuhulog lang ito ay hinatak nya iyon pabalik sa katawan nya, pamaya maya pa ay bigla na namang bumaba ang kumot nito, sa pagkakataong ito ay nagising na si Ysa., bumangon sya at naupo sa kama habang nakakumot hanggang bewang. Tingingan nya ang oras at napansin nya na dalawang oras na pala syang nakatulog, napansin nyang hindi pa rin pala sya nakapagpapalit ng damit. Tatayo na sana sya ng maramdamang may kung anong malamig na nasa binti nya, kilabot na kilabot si Ysa kaya naman agad nyang tinanggal ang kumot na nakatakip dIto. Bumungad sa kanya ang taxi driver na kausap kanina, wasak ang mukha nito at puro dugo sa katawan.
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...