Chapter Six

6.3K 197 8
                                    

Note : do not forget to leave a comment and vote for this chapter thank you :*

***

"Ma! Mommy.. !"tawag nya sa ina ng minsang pauwi sya galing school.

"Anak, over here.."tawag sa kanya ng ina,nasa kwarto noon si Ysa katabi ang nakayakap sa inang si Lexann.

"Aba aba.. Anong meron?"natatawang tanong nya.

"Bonding moment anak.. Ayaw mo?"nakangiting wika ni Ysa.

"Asus! Syempre gusto ko"sagot ni Kristen saka inalis ang bag at tumalon sa kama at nakipagagawan ng yakap sa kapatid.

"Oy Oy, wag kayo magagawan at pareho ko naman kayo mahal!!"awat ni Ysa sa dalawa ng nagaasaran na kung sino unang yayakap sa kanya.

"Ma, sana lagi na lang tayo ganto noh? Masaya.. Walang problema, walang iniintindi.. "nakangiting sabi ni Lexann.

"Syempre lagi tayong ganto kasi laging nandyan si Mommy.. diba Ma?"parang batang sabi ni Kristen.

"But ofcourse! Hindi ako lalayo sa mga baby ko noh!"wika ni Ysa at sabay niyakap ang mga anak.

***

Napaluha naman si Kristen sa ala alang iyon ng ina, natanaw nito sa display ang mga pictures ng kanyang tita Flor at kabilang ang ina doon. Kinuha nya ang frame kung saan solo ang larawan ng ina at mahigpit nya itong niyakap.

"I miss you so much mom, i dont know where to start now that your gone.."madamdamin nyang sabi at saka naupo muli sa sofa at doon ay nakatulog na muli, hindi nya alam kung imahinasyon lang nya pero narinig nya sa pagtulog ang madalas awiting ng ina nung bata pa sila.

Tulog na anak kong mabait..
Mga anghel ko galing sa langit..
Mahal ko wag ng lumuha..
At dika iiwanan ni Mama..

Sa pagtulog ni Kristen ay tumulo sa mga mata nito ang luha, luha ng labis labis na pangungulila sa ina.

+

Kinaumagahan na nakauwi sila Flor, naiwan sa hospital si Carlo na syang nagbabantay sa anak. Under observation pa ito. Umuwi lang ito para magbihis at kumuha ng iilang gamit.

Naabutan nilang natutulog si Kristen sa sofa, agad naman itong ginising ni Lexann at sobrang guilty dahil iniwan magisa ang kapatid.

"Kris.. Kris.."gising ni Lexann.

Pupungas pungas namang bumangon si Kris. "Kuya? Saan kayo galing?"

"Im sorry Kris, sinugod namin sa hospital si Carlyn.."sagot ni Lexann.

"What happen? Is she okay?"nagaalalang tanong nito.

"Under observation pa sya as of now, lets just pray na okay lang sya.."seryosong sagot naman ni Lexann.

"Gusto ko sya puntahan.."sabi ni Kristen.

"Sure, magbreakfast muna tayo then pupunta tayo sa hospital.."ani Lexann at saka tumayo at inalalayan ang kapatid, saka nito napansin angg hawak nitong larawan ng ina. Nangiti ito at saka ito kinuha sa kapatid.

"Bata pa si Mommy dito, you look exactly like her.. "nakangiting sabi ni Lexann.

"Ofcourse, she's my mother, I just wonder, kung ako kamukha ni Mommy, maybe ikaw kamukha ni Daddy.."si Kristen.

"Ofcourse not!"si Flor, pababa na sya noon at di sinasadyang narinig nya ang usapan ng kambal. "You will never be like your father Lexann, never, at pinapangako ko yun sa Mommy nyo.."parang may pait sa tinig ni Flor ng sinabi yon.

"Tita, masama ba si Daddy? I hear nothing but good words from Mom tungkol sa kanya,"naguguluhang sabi ni Kristen.

"Its better na wala kayong alam, it will just complicate things.."matipid na sabi nito.

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon