Chapter Fifthy

3.8K 182 14
                                    

+

" AHHHHHHHHHHHHHH "

Halos biglang tumaas ang balahibo ni Carlyn nang makarinig ng sigaw sa ibang building .. hindi naman ito makakapit sa kasama dahil hanggang ngayon ay hindi parin sila nag kikibuan .. kaya naman napahawak nalang si Carlyn sa kanyang palda at nag pipigil na umiyak sa takot ..

Napansin naman iyon ni Dave at inabot ang kamay niya kay Carlyn ..

Nagkunot naman ang noo ng dalaga ..

" ano yan ?? Hinihingi ko ba yan hah ??"mataray na sabi nito .. para namang biglang nag init ang ulo ni Dave dahil siya na nga ang nag mamagandang loob eh siya pa ang tatanggihan ..

" Hoy .. ikaw na nga ang tinutulungan ko eh " sigaw ng binata sa kanya .. inirapan naman siya ni Carlyn at Nauna na mag lakad .

" who says i need your help " mataray na sabi nito .. hindi naman alam ni dave ang gagawin dahil masyadong mataas ang pride ng dalaga .. pero kahit ganun pa man ay hindi rin niya mapagkaila ang ngiti sa labi niya dahil Parang bumalik na agad ang dating Carlyn ...

Hindi sila nakapag usap sa hindi malamang dahilan nito .. bigla nalang naging iba ang pakikitungo ng dalaga sa kanya ..

*Eckkkkkk*

Halos nagtaasan ang balahibo ni Carlyn nang makarinig sila ng isang tunog na nanggagaling sa sahig .. sa loob ng classroom ay meron wooden floor .... at para bang may naglalakad rito .. napatingin sila sa classroom na tinigilan nila ..

Medyo madilim sa loob dahil nakasara ang mga bintana nito ...

" Carlyn .. wag ka nang maarte halika na dito " sabi ni Dave dahil kita niya sa muka ng dalaga ang takot ..

Hindi naman nakagalaw si Carlyn at titig na titig lang sa madilim na classroom .. at para bang nag aantay ito ng kung anong susunod na mangyayari ..

Lalapitan na sana ni dave si Carlyn nang meron nanaman sila narinig na parang may tumatakbo papalabas ng madilim na classroom halos palapit na ng palapit ang takbo ..

Nagsisimula nang manginig si Carlyn dahil onti nalang ay makakalabas na ng madilim na classroom ang tumatakbo ..nang ..

" Carlyn " bumalik sa wisyo ang dalaga ng hawakan ni dave ang kamay niya .. halos pawis na pawis na si Carlyn sa takot .. at dahan dahan napalingon kay Dave ..

" D-Dave " nanginginig na sabi ng dalaga ...

" tara na " tumango naman si Carlyn at naglakad na sila .. kailangan parin nila makahanap ng clue na makakatulong sa kanila ...

Nang papaalis na sila ay bigla nalang may humawak pa sa isang kamay ni Carlyn .. halos mahimatay na ang dalaga ..

" D-Dave *sob* " naiiyak na tawag nito sa binata .. lumingon naman sa kanya si dave at nanlaki ang mata nang makitang may nakahawak na isa pang kamay sa kabilang kamay ni Carlyn ..

Ang kamay ay nang gagaling doon sa loob ng madilim na classroom .. hindi makalingon si Carlyn sa sobrang takot ...

Bigla namang lumitaw ang isang ulo nang babae .. mahaba ang buhok at natatakpan ang muka nito .. naka uniform ito at puro mantsa ng dugo ..

" wag kayong didiretso " halos manlambot ang mga tuhod ni Carlyn nang marinig iyon .. hindi nakagalaw si dave pero hindi niya rin binitawan ang kamay ng dalaga ... hindi rin nagtagal ay binitawan na ng babae ang kamay ni Carlyn ..

Agad namang napayakap ang dalaga kay dave at nagsimula nang umiyak .. habang si dave ay nakatingin lang sa babaeng bumabalik sa loob ng madilim na classroom ..

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon