#Kristen ♡
+" nakakainis ... hindi ako makapaniwala na inutusan nila ako tapos kasama kapa " yamot na sabi ni Carlyn kay Dave .. inutusan kasi sila ng kanilang guro na bumili ng iilang gamit sa national book store ..
At sakto namang si Dave ang pinasama dahil sa pagkakaalam ng kanilang guro ay may relasyon ang dalawa ..
" ang arte mo naman as if naman ginusto ko to !!" Cool of confidence na sagot ni Dave .. habang nakahawak pa ang dalawang kamay sa likod ng balikat ..
Agad namang namula ni Carlyn sa inis at tinampal sa ulo ang binata ..
" aray ano ba ??? Kababaeng tao ang bigat ng kamay " reklamo ng binata sa kanya ..
" hoy for your information kasalanan mo to kaya ikaw ang kasama ko .. sino ba naman kasing tanga ang hihilain ako sa harap ng maraming tao tapos sasabihing Girlfriend niya ko hah ???"
Halos kapusin ng hininga ang dalaga sa dire diretsong pag sa salita nito napangisi naman si Dave at napakunot ang noo ni Carlyn ..
" kahit na !! Ikaw din naman ah ?? Pinagtanggol mo nga -- Aray Carlyn sumusobra kana .. kahit sabihin mong babae ka -- Aray naman pucha " sunod sunod na hampas sa balikat at suntok ang binigay ng dalaga sa kanya .. napalayo naman ng onti si dave ..
" pwede ba wag muna ipaalala yun .. kasalanan mo rin naman kaya ko ginawa yun .. ARGHHHH !!! Kung hindi molang kasi ako pinahiya bwisit ka " tapos padabog na pumasok ang dalaga sa loob ng bookstore .. iiling iling naman si Dave na sumunod sa kanya pero may mga ngiti sa labi nito ..
" oh !! Ayan yung checklist hati tayo hanapin muna yung iba " sabi ni Carlyn kay Dave at tumungo na sila sa lugar kung nasaan ang mga bibilhin ..
*cough *
Napalingon si Carlyn sa katabing babae na kanina pa umuubo .. nagbabasa ito ng libro sa book shelf naka mahabang puting bistida ito at mahabang itim na buhok ..
Pinagmasdan ni Carlyn ang kabuuan ng dalaga at napansin niya ang maputlang kutis nito sa sobrang puti ..
Tumingin ito sa kanya at nagulat si Carlyn dahil parang pamilyar ang muka nito ..
Pero imposible dahil ang mga mata ng dalagang nasa harapan niya ay awa ang nakikita niya .. lalapitan niya sana ito para kausapin ng biglang dumating si Dave ..
" oy Carlyn .. nakuha kona lahat .. tapos kana ba ?? Bayaran nanaten to .. may club meeting pa tayo " agad napalingon ang dalaga kay dave at pagka harap ulit sa dalaga ay wala na ito ..
" ayos kalang ba ??" Nag aalalang tanong ni Dave .. natauhan si Carlyn at hinarap na ang binata ..
" ah eh!! Oo tara " sabi nalang nito at naglakad na ..
Pagkatapos mabayaran ang lahat ay pumara na ng taxi ang dalawa at tumungo na pabalik ng campus ..
Pagkadating doon ay dumiretso na ang dalawa sa rooftop kung saan ang meeting place nila .. pagkabukas ni Carlyn sa pinto ay agad sumulabong sa kanya si Xiel na may dugo sa gilid ng labi .. napatingin ito sa gumawa nun sa kanya at nakita niya si Lexann na inaawat ni Kristen ..
" SIRA ULO KA !!! WAG MO TATALUHIN ANG KAPATID KO !!!" Sigaw ni Lexann kay Xiel .. inalalayan naman ni Lei si xiel na makatayo habang si Kristen at patuloy na inaawat ang kapatid ..
" kuya tama na !!" Paulit ulit na sabi ni Kristen .. susugod pa ulit sana si Lexann nang humarang na sa gitna nila si Dave at ganun din si Carlyn ..
" TEKA ANO BA TUMIGIL NGA KAYO ANONG NANGYAYARI DITO ??" Naguguluhang sigaw ni Carlyn .. nakatayo na si xiel at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nito ..
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...