Chapter Sixty-Three

3.7K 148 10
                                    

NOTE : Please be open minded for every scenes :)

-

+

" Hindi ako makapaniwalang patay na yung mga lalaking yun " sabi ni Carlyn pagka uwing pagka uwi nila .. walang nagsalita na kahit sino kaya naman nakaramdam nang awkwardness si Carlyn at nanahimik nalang din .. 

" Ahmm Lex--" magsasalita palang sana si Xiel para tawagin ang dalaga nang dire diretso itong pumasok sa kwarto nila .. nagtaka naman si xiel sa kakaibang kinikilos nito .. habang si Lexann ay nag aalala narin sa kinikilos nang kapatid .. nagkibit balikat naman si Carlyn at dumiretso na sa kusina ..

" AHHHHHHHHHHHHHH !! What the hell tito " agad napatakbo sila Xiel at Lexann sa kusina at doon ay nakita nila ang kanilang Uncle J.L Na nakahiga sa sahig at may hawak na bote nang alak at nasa gilid naman nito ang bagahe niya ..

" Uncle J.L ??"tawag ni  Lexaan sa tiyuhin hindi na ito kumibo dahil sa sobrang kalasingan !! napakamot nalang nang ulo si Lexann at tinawag na si Xiel para tulungan ilagay sa kwarto ang tiyuhin .. kinuha naman ni Carlyn ang mga gamit nito ,

" siguro uuwi na siya dito " wika nang dalaga sa sarili ,, habang inaayos ang mga gamit na nagkalat ..

nadapo ang tingin nang dalaga sa wallet nang kanyang tiyuhin dinampot niya iyon at tinignan , nalungkot naman agad ang muka ni Carlyn ..

" you missed her " wika nang dalaga , litrato ito ni Pauline , masiglang nakangiti ang dalaga rito , at mukang alam na ni  carlyn kung bakit nalang sobrang lasing ang kanilang tiyuhin ay dahil sa dalaga !! nagsisi naman si Carlyn dahil sa unang pagkikita nila ng kasintahan ng tiyuhin ay hindi pa maganda ang pakikitungo niya ..

" Carlyn , mag init ka nang maligamgam na tubig para mahimasmasan si Tito J.L " sigaw sa kanya ni Lexann , binilisan naman ni Carlyn ang pag aayos nang gamit at nag inet na nang tubig !!

+

" Hindi kaya mapag bintangan nanaman tayo ??" sabi ni Lei pagkauwi nilang dalawa ni Dave sa kanilang bahay !! ang tinutukoy nito ay ang mga namatay na lalaking nakipag suntukan kela dave kanina !!

" bakit ganun !! sa tuwing may mamatay tayo lagi an nandoon ??" takang tanong nang binata at naupo sa lamesa , umupo rin si Lei at inisip ang mga posibilidad ..

" malinaw naman saatin na may kinalaman sila kristen sa babaeng nakaitim , ganun narin si Lexaan .. ang hindi ko lang maintindihan !! kung kayang pumatay nang babaeng nakaitim .. bakit andito parin tayo ?? i mean !! bakit pinapatagal pa niya ?? anong pakay niya ?? ilang araw narin siyang hindi nagpaparamdam ??" makabuluhang wika nang binata !!

" tama ka !! pero kahit hindi siya nag paparamdam marami parin akong nararamdaman " sabi naman ni Lei .. matagal na ring niyang iniisip iyon .. kayang pumatay nang babaeng nakaitim !! napatay nito ang kanyang tatay !! dahil lang ba sa naging pasahero nang ama niya ang ina nila kristen ??? oh may mas mabigat pang dahilan kaya pinatay nang babaeng naka itim ang ama ??

" kung napatay na niya si Ate Pauline .. may posibilidad na ... " napahinto si Dave at ayaw ipasok sa sariling isip na may posibilidad na isunod na sila nang babaeng nakaitim ..

" na patayin niya rin tayo ?? pero bakit nga niya pinapatagal ?? sigurado akong may iba pa siyang pakay kung bakit pinapatagal niya to !! " sabi ni Lei at napayuko nalang .. 

Ang hirap isipin !! ang hirap magbigay nang mga posibilidad sa pakay niya .. at bakit ba pinapatagal pa niya ?? kung pwede naman niya kaming mapatay .. bakit nandadamay pa siya??

" Pst "

agad napalingon si Lei sa paligid nang marinig nanaman ang nakakainis na pst nang isang tao !! napalingon naman agad sa kanya si Dave !!

" may problema ba ??" tanong nang binata !! umiling lang si Lei at pilit na ngumiti sa kaibigan !! tumayo naman si Dave at nag unat na !

" hay !! kung sakaling ipapatawag ulit tayo sa polisya handa ako makipag cooperation basta alam ko sa sarili kong wala akong kinalaman ,." sabi nito at naglakad na papunta sa kanyang kwarto !! habang si Lei ay focus sa paglinga linga at hindi na niya namalayang umalis na si dave sa harapan !!

" s-sino k-ka .." nanglulumong sambit nang dalaga !! isang malakas na hangin ang umihip at napayakap si Lei sa sarili .. sarado naman ang bintana at pintuan saan ...

*click*

bigla nalang nagpatay sindi ang ilaw agad napalingon ang dalaga sa switch at kusa itong nag papatay sindi na para bang may nag pipindot nito !! 

habang papatay patay sindi ang ilaw ay biglang lumitaw ang babaeng nakahawak sa swicth , agad namang napaurong si Lei at tinignang mabuti ang pigyura nang tao sa may switch pero wala na ito .. agad na tumakbo ang dalaga papunta sa kusina !!

maya maya pa ay wala na talagang ilaw sa sala kaya naman walang makita ang dalaga !! kumapa ito nang  posporo sa kanilang kalan ,, dahan dahang naglakad si  Lei papunta s akanilang sala at nag sindi nang isang stick nang posporo ..

pagkasindi ay nakita niya ang babaeng nakaitim na nasa itaas nang kisame at nakangiti ito sa kanya !! pero agad ding nawala ang apoy nang posporo , halos manlambot ang tuhod ni Lei at nanginginig na nagsindi pa nang isa pang stick !!

pagkasindi ay nakatayo na ang babaeng nakaitim at palapit na ito nang palapit , kaya naman agad napatakbo ang dalaga sa kusina at naupo sa isang sulok !!

" DAVEEEEEEEE !!!!!!!!!! " Tawag nang dalaga sa kaibigan !! pero walang sumagot sa kanya !! kaya naman nanginginig itong kumuha pa nang isang stick nang posporo at nanginginig ding sinindihan iyon !! pagkasindi ay halos maubusan nang hininga si Lei nang makita ang babaeng nakaitim na nasa harapan niya at nakaupo din itong nakatingin sa mga apoy !!!

" Lei " nakakakilabot na sabi nito !! kitang kita ni Lei ang mata nitong pulang pula at dumudugo na bibig !!

" AHHHHHHHHHHHHHHH !!!!" Sigaw ni Lei kasabay nun ang pag patay nang apoy , nag sisipa si Lei pero wala siyang masipa kundi hangin lang !! ayaw naman na mag bukas ni Lei nang isa pang posporo sa takot na baka makita ulit ang babae kaya pinanatili na lamang niyang madilim !!

" huhuhuhu " iyak nang dalaga !!

" pst !!"

patuloy lang sa pagiyak si  Lei at hindi pinansin ang pagtawag sa kanya nang kung sino ..

" Pst " mas lalong lumakas ang iyak ni Lei at sinubsob na lamang ang muka niya sa mga tuhod !!

" pst "

" t-tama n-na huhuhu " iyak nang dalaga !!

" pst "

" pst "

" pst "







" mamatay kana "

agad napa angat ang ulo ni Lei nang isang boses nang lalaki ang ang kanyang narinig pamilyar ang boses na yun sa kanya !! kaya naman lakas loob na kumuha si Lei nang isa pang stick at kinuskus iyon .. at nakita niya ang lalaking naka hoody na nakatayo s akanyang harapan ..

" mauuna sila " sabi pa nang boses nang isa babae napa angat ang ulo ni Lei at doon ay nakita niya ang babaeng naka itim na nakatingin sa lalaking naka hoody !!

isang ngisi lang ang binigay ng lalaking nasa harapan ni Lei at nang iangat nito ang kanyang ulo ay agad na nakilala ni Lei ang lalaki !!

" L-Lexin " sambit nang dalaga !!

at namatay na ang posporo .....

+

Note : First and last confrontation of arriane and Lexin LOL hahahahhaa xD ..

May idea ba kayo sa ibig nilang sabihin ^u^ hmmm hmmm .. free to comment ^_^

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon