+
" Asan ako ???" Sabi ni Lei habang naglalakad sa isang madilim na lugar .. parang walang katapusan ang kadiliman nito at wala man lang ni ilaw o liwanag siyang nakikita ..
" anak .. " tawag nang isang babae .. napalingon naman si Lei sa kanyang Likod at nakita niya doon ang babaeng naka itim na damit .. nakayuko ito kaya hindi niya makita ang muka ..
" pasintabi po... " pag hingi nang paumanhin ni Lei at nilapitan ang babaeng naka dapa .. dumudugo ang paa nito at hindi niya malaman kung tumatawa ba o umiiyak ..
" HAHAHAHAHHAHA !!!!" Nagulat naman si Lei nang bigla itong tumawa nang wagas .. at nang makita niya ang muka nito ay muka na ni arriane ang kanyang nakita .. puro saksak ang buo nitong katawan habang nakahawak sa kanyang tiyan ..
" PAPATAYIN NATIN SILAAAAA !!!" Sigaw ni arriane .. napaurong naman si Lei pero parang walang pupuntahan ang ginagawa niyang paglayo kay Arriane dahil nasa iisang lugar lang sila at sa kadiliman iyon ..
" BAKIT MO TO GINAGAWA !!!" Sigaw ni Lei kay arriane .. tumigil sa pagtawa ang babae at tinignan nang matalim si Lei .. nagulat naman si Lei nang lumutang ito at agad na lumapit sa kanya ..
" Pinag kait niya saaking maging masaya .. kaya dapat .. walang magiging masaya .. " sabi ni arriane habang hinahawi ang mga buhok ni Lei .. napapikit naman si Lei sa sobrang takot ..
" L-Layuan mo na s-sila Kristen at Lexann .. wala silang kasalanan .. Hindi nila kasalanan ang nangyari sayo .. patay na si Lexin .. bakit hindi ka pa makuntento !!" Sigaw ni Lei .. bigla namang tumagilid ang ulo ni arriane ..
" WALANG MAGIGING MASAYA !!!!!! IPAPARAMDAM KO SA KANILA KUNG PAANO ANG PAKIRAMDAM NA MAWALAN NANG MINAMAHAL .. MAGBABAYAD SILA .. WALANG MAGIGING MASAYA PAPATAYIN KO SILANG LAHAT !!" Halos mabingi si Lei sa sigaw ni Arriane kaya agad na napatakip nang tenga si Lei ..
" b-bakit sinasabi mo saakin to ... " naiiyak na wika nang dalaga .. naramdaman niya ang paglapit s akanya ng babae at agad na hinawakan si Lei sa leeg ..
" Dahil ... ********************** "
Nanlaki ang mga mata ni Lei sa sinabi sa kanya nang babae ..
" Papatayin niya na ang taong may gawa nito sayo !!!" Sabi nang babae at biglang naging usok iyon ..
Kasabay nun ay nagkamalay na si Lei ..
***Madilim ... asan ako ???
" hmm " sabi ni Lei nang maramdaman niya ang kanyang ulo na nanakit ..
" a-asan ako ?? S-sinong kumuha saakin ?? .. kalagan niyo ko please .. kung sino kaman " pagmamakaawa nang dalaga at pilit na sinisipat ang tali sa kanyang kamay ..
" Kung sino kaman please .. umalis kana dito .. papatayin ka niya !! " agad na sabi nito pero wala paring sumagot sa kanya ..
..* ENGGGGHGGH *
Bigla naman napalingon ang ulo ni Lei sa narinig na pag bukas nang pinto .. pero wala parin itong makita bagkos ay nakiramdam ang dalaga sa paligid ...
" Shane .. buti naman andito kana " ani ni dara .. agad na nakilala ni Lei ang boses ..
" Dara ???? DARA IKAW BAYAN ?? PLEASE UMALIS KANA DITO .. UMALIS KANA !!!" Pag sisigaw ni Lei pero isang sampal lang ang binigay sa kanya ni Dara ..
" Shut up bitch .. sisiguraduhin kong mabubura kana sa kwento .. " sabi ni Dara at Tumingin ulit sa babaeng nasa pinto .. madilim kasi kaya hindi niya maaninag ang muka nito ..
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...