Chapter Ten

5.9K 212 51
                                    

NOTE : Hi guys .. theres a bad news and good news ..

BAD NEWS :  I haven't received any feedback from the previous 3 chapters huhu .. please vote and comment naman kayo :'( .. Yung comments talaga eh .. i need to know your reaction for the chapters I've published .. so please Vote with comments guyss ..

GOOD NEWS : Tapos kona po ang CAMPUS QUEEN BOOK 2 ^_^ HORAY HORAY ♡ Pero hindi ko parin siya i pupublished lahat .. dahil nga sa badnews na i dont receive any feedback anymore .. so I've decided na Kada 5 votes sa bagong published chapters plus 5 comments or more tsaka ko lang ilalabas ang next chapter ^_^ so please keep supporting ..

Labyu Lots ♡♡

And i promote din nga pala  yung new On-Going stories kong ( The prince next door ) and ( My Falling Angel ) also yung story po ni sanshayn2811 ♡ please read her fantastic stories ..

That's all Thank you ..

@LOUIEJEAN ♡

***

"Condolence Dorothy.."bati ni Carlo sa asawa ni Bonker. Nakatayo ito sa harap ng ataul ni Bonker at tulala. Katabi nito ang anak na panganay na si Pauline at nakayakap dito. Tango lang ang sinagot nito sa Inspector.

"Mare.. Alam ko mahirap para sayo ang nangyari, huwag kang magalala, hindi ako titigil hanggat hindi nananagot ang gumawa nito sa asawa mo"punong puno ng galit at sakit ang tinig ni Carlo, maliban sa kasamahan sa trabaho ay para na rin syang nawalan ng kapatid. Kahit mas matanda sa kanya ng ilang taon si Bonker ay itinuring na nya itong isang kuya.

"Salamat Carlo, isa ka sa pinakamalapit na kaibigan ni Bonker, alam ko masakit rin ito para sayo.."naiiyak na wika ng asawa ng yumaong inspector.

Hinawakan lang ni Carlo ang byuda sa balikat at malungkot na nginitian. Saka ito lumapit sa ataul ni Bonker at tiningnan.

Pero laking gulat nya ng makitang may nakasulat sa salamin ng ataul.

SUSUNOD KA NA..

Napatingin si Carlo sa magina ng kaibigan pero tila hindi nila nakikita ang nakikita nya. Dahan dahan pa syang lumapit at pinagmasdan mabuti ang nakasulat pero mula sa loob ng kabaong ni Bonker ay may isang kamay na biglang humawak sa salamin. Napaatras tuloy si Carlo.

"Pare bakit?"usisa ni Dorothy.

"W-wala.."pagsisinungaling ni Carlo, nagtatakang nakamasid lang si Pauline sa inspector at saka tumingin ito sa kabaong ng ama. Isang itim na taluyot ng rosas ang kanyang nakita dito. Kinuha nya ito at pinagmasdan at saka tumingin kay Carlo pero laking sindak nya ng makitang sa likod ni Carlo ay may babaeng nakaitim.

Pero si Pauline ay hindi nagpakita ng takot. Matapang itong lumapit at nakipagtitigan sa babae. Nakatanaw at takang taka lang sa kanya si Carlo. Nang lubos ng makalapit si Pauline ay nagwika ito.

"Non wi mi Padrino aste, Non wi mi Padrino Aste.. Non wi mi Padrino Aste.."paulit ulit nitong wika.

"Ano ang sinasabi mo Pauline?"usisa ni Carlo sa dalagang anak ni Bonker.

"ITIM.. ITIM NA BABAE.. SYA BA ANG PUMATAY SA DADDY KO?"walang kaabog abog na sambulat ni Pauline habang nakaturo sa nasa likod nya. Dahan dahang napalingon si Carlo upang tingnan ang tinutukoy ng dalaga,pero wala na ito.

"BABAENG NAKAITIM?"tanong ni Carlo kay Pauline.

"Tito Carlo.. Magiingat ka.. Magiingat ka.. "nakapangingilabot na pahayag ni Pauline.

"Anong tinutukoy mo.. Anong sinasabi mo?"naguguluhang tanong ni Carlo. Pero imbes na sumagot si Pauline ay may kinuha ito sa dalang body bag. Isang kwintas na may itim na krus na pendant. Sinuot nya ito kay Carlo

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon