+
" Kuya wake up " agad napabangon si Lexann at nagpalinga linga .. walang babae .. ang kapatid lang ang sumalubong sa harapan niya .. nakangiti ito sa kanya at tila nag aalala ..
" ayos kalang ba ?? Nanaginip ka ata eh " nag aalalang sabi ni Kristen sa kapatid at umupo sa tabi ni Lexann ..
" ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan eh " natatawang sabi ni Lexann at inakbayan ang kapatid .. humiga naman si Kristen sa balikat nito ..
" ayos lang ako syempre .. pero natatakot parin ako " sabi nito at bakas sa boses nito ang sobrang takot .. napayuko naman si Lexann ..
" sorry kung nalate ako ng dating " nakayukong sabi nito .. umiling naman si Kristen ..
" hindi ano ka ba naman kuya .. Sakto nga lang eh !! Buti nga dumating ka eh " sabi nito at nagpapahid na ng luha ..
" hayaan mo hindi na maulit yun
. Hinding hindi kita papabayaan " sabi ni Lexann at hiniga ang ulo sa ulo ng kapatid .. napangiti naman si Kristen .. alam niyang sa mga panahon na kailangan niya ng tulong ay ang kapatid mismo ang maasahan niya .." okay .. Tama na drama kakain na " agad na lumabas mula sa kusina si Carlyn dala dala ang adobong niluto nito .. tumayo naman ang dalawa at lumapit sa hapag kainan ..
" wow ang sarap naman niyan .. pyerness ginutom ako " pagbibiro ni Kristen .. napatawa naman si Carlyn at Lexann .. dahil kahit gaano katakot si Kristen ay hindi niya iyon pinapakita sa mga taong mahal niya dahik ayaw niyang mag alala ang nga ito ..
Nagpalinga linga si Kristen na tila ba may hinahanap ..
" asan nga pala si xiel ??" Tanong nito nang makaupo na ..
" ah si xiek pumunta sa ospital .. " sabi ni Carlyn habang nag sasalin ng juice sa mga baso .. tumango tango naman si Kristen .. at kasabay nun ang pagbukas ng pinto at sakto namang andun si xiel .. agad napatayo ang dalaga ..
" Xiel tara kain na ??" Masayang sabi nito .. nagulat man si xiel sa inasal nito na parang walang nangyari . Ay sinuklian na lamang niya ng natamis na ngiti abg dalaga ..
" wow .. sakto gutom na gutom ako " masayang sabi nito habang hinihimas ang tiyan .. lumapit naman ito sa katabing upuan ni Kristen at kaharap nito si Lexann ..
" sino nag Luto ??" Tanong ni xiel ..
" Syempre sino paba edi ako " proud naman na sabi ni Carlyn napatawa naman si Kristen dahil si Carlyn lang naman ang marunong magluto aside sa kuya nitong si Lexann ..
" ah siguradong masarap yan .. tara na Lex upo na " agad natahimik ang tatlo nang ibang pangalan ang itawag ni Xiel kay Kristen .. agad namang nahalata ni Xiel yun ..
" Lex .. means Lexie .. lahat nalang kasi Kristen ang tawag sayo .. so how about Lexie naman " nakangiting sabi nito .. napangiti naman si Kristen at agad iyong napansin ni Lexann ..
" Lets eat !!" Seryosong sabi ni Lexann .. napaupo na si Kristen at nagsimula na silang kumain ..
+
Kinabukasan ay naisipan na nilang bumakik agad sa klase .. ayaw pa ngang papasukin ni Lexann ang kapatid pero nagpumilit ito .. na kaya naman na niya ang sarili .. kaya naman wala nang nagawa ang binata ..
" basta incase of trouble wag na wag mong wawalain ang bag mo andyan ang cellphone mo .. at kung maari lagi kayong magkasama ni Carlyn " pagbibilin ni Lexann .. hindi maiwasang mapatawa ng dalawang dalaga sa pagka over protective nito sa kambal ..
" tara na dude " inakbayan na lamang ni xiel si Lexann at hinila na palabas ng Sasakyan ..
" hindi ka naman over protective nayan " natatawang sabi ni xiel napakunot naman ang noo ng binata ..
" since when i allowed you to put your hands on my shoulder ??" Masungit na sabi nito at tinabig na ang kamay ni xiel .. agad naman napataas nang dalawang kamay si xiel at natawa nalang ..
" hindi parin kayo close ni Kuya " natatawang sabi ni Kristen .. napailing namab si Xiel at humarap sa dalaga ..
" ang hirap nga pakisamahan ni bayaw eh " natatawang sabi ni Xiel agad namang namula si Kristen .. at napatingin sa ibang direksyon ..
" a-anong i-ibig mong ---" hindi na natapos ni Kristen ang sasabihin nang biglang kunin ni xiel ang bag niya at tumakbo na ito palayo sa kanya ..
" hey ano ba akin nayan " sigaw ni Kristen at hinabol na si xiel .. nadaanan pa nito ang busangot na muka Ni Lexann .
" hey kris !!!" Tawag nito sa kapatid pero hindi na siya pinansin nito at hinabol na lamang si Xiel ..
Agad namang tinapik ni Carlyn ang pinsan ..
" hayaan mo na siya minsan lang yan " sabi nito habang nakatingin sa masayang si Kristen .. napahinga naman si Lexann at ngumiti nalang sa Kapatid ..
" Kristen !!" Agad napalingon ang lahat nang may tumawag kay Kristen at nang mapalingon ang lahat ay ngumiti ulit sila nang makita na sila Lei at dave na papasok ..
" hey " nakangiting sabi ni Kristen .. hindi naman malaman nj Kristen ang irereact dahik nang unang pag uusap nila ni Lei ay sinungitan niya ito.. pero at same time ay masaya sa pakiramdam na may nag aalala para sayo ..
" ayos kana ba ??" Nag aalalang tanong ni Lei .. tumango naman si Kristen at ngumiti .. agad naman siyang inakbayan ni xiel dahilan para mamula si Kristen ..
" by the way .. mag classmate tayo Lex .. hindi lang ako nakapasok nung isang araw " nakangiting sabi ni xiel agad namang nag react si Lexann sa pag akbay nito sa kapatid ..
" Hoy teka !!! --" pero hinila na agad ni xiel si Kristen palayo sa kanila .. wala namang nagawa si Kristen at nag wave nalang sa kanila ..
" sige dave una na ko .. ahmm Lexann ?? Tara ?? Sabay na tayo " sabu ni Lei at nagpaalam na kay Dave namula naman ang dalaga ng yayain nito si Lexann .. habang ang binata ay napahinga nalang ng malalim nang makalayo na sa kanila si xiel at Kristen .. lumingon ito kay Lei at nang makitang namumula ang dalaga ay parang nahiya naman si Lexann kaya tumango nalang ito at naglakad na sila papunta sa unang klase ..
" hay !!! Kita mo yung dalawang yun .. akala mo sila lang ang nag classmate " agad napalingon si Carlyn kay dave na nakatingin kela xiel at Kristen .. hindi pinansin ni Carlyn ang binata at naglakad na papunta sa first class nila ..
" Hoy teka lang .. girlfriend " pang aasar ni dave kay Carlyn .. agad itong napalingon sa binata na may panlilisik sa mata ..
" hahaha ang cute mo talaga "sabi ni dave at kinurot si Carlyn sa pisngi at tumakbo agad palayo ..
" hoy abat !!! Grrrrr " inis na hinabol ni Carlyn si dave ..
Sa di kalayuan ay isang lalaki ang nakatanaw sa kanila .. nakikita niyang masaya na ang mga ito ..
" tssss!!!! Ngayon lang kayo magiging masaya .. dahil papatayin niya rin kayong lahat " sabi nito at tumalikod na ..
+
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...