Chapter Twelve

4.5K 195 38
                                    

@LOUIEJEAN ♡

*****

Naiwang magisa si Lei sa silid at inilabas ang pagkain. Nagbukas lang sya ng isang latang sardinas mula sa katakot takot na grocery na bigay ni Flor noon. Masyado kasi syang nagmamadali kung magluluto pa sya.

Sinimulan na nyang kumain ng mapansin nyang may nakamasid sa kanya. Pero imbes na pansinin ay pinagpatuloy na lang nya ang pagkain. Habang kumakain ay talagang hindi sya mapakali dahil pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya.

Minadali na lang nya ang pagkain, hindi pa man nya nauubos ang kinakain ay agad agad na syang nagligpit. Maya maya pa ay nakarinig sya ng mahinang panaghoy.

"Sino yan?"tanong nya. "Sino ka? Wag mo akong takutin!"

Umihip ang hangin at kinilabutan si Lei, maya maya ay narinig na naman nito ang iyak pero mas malapit na sya, palakas ng palakas hanggang sa wari bay nasa may tenga na lang nya. Hindi na sya nakatiis ay dali dali na syang umalis hindi pa man din nya naayos ang pinagkainan. Pero pagtayo nya ay mas kinilabutan sya sa narinig.

"Tulungan mo ako.."kasunod ng nakakikilabot na iyak. "Tulungan mo sila.."

Dito ay nagtatatakbo na si Lei at dala dala ang kainan, hindi na nya napansin na si Lexann ay papasok kasama ang grupo ni Dara.

Nabunggo nya ang isa sa mga ito at sumambulat ang pagkain nya.

"Fuck!"ani ng isang lalaki na si Paul.

"Ewww whats that?"parang diring diring sabi ni Dara. "Sardines? Yan ang baon mo?"napapapikit pa nitong sabi.

"You idiot, tingnan mo ginawa mo sa damit ko, nagamoy sardinas tuloy, alam mo ba kung gano kamahal yan, kung bakit nama kasi pinapapasok ang mga pagkain na ganyan sa school and on the first place ay bakit pinapapasok ang katulad mo dito!"

Para namang nagpanting ang tenga ni Lexann sa narinig, ipagtatanggol na sana nya ang dalaga pero may nauna na sa kanya.

"Ang yabang nyo naman!"si Dave, napatingin si Lei sa kaibigan. Nakakunot ang noo nito at halata sa mukha nito ang galit.

"At sino ka naman?"si Hero iyon. "Isa ding katulad nyang Basura?"

"Basura? Wow.. Bakit ano ba tingin nyo sa sarili nyo? Diyos? Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang nyo? Bastos? Eh di wala palang silbi yung libo libong ginagastos sa inyo sa pagpapaaral sa mamahaling eskwelahan para matuto dahil mukhang wala naman kayo pinagtandaan.."

"Ang yabang mo ah! Baka gusto mong patanggal kita sa school na to!"mataray na sabi ni Darra.

"Eh di sige, patanggal nyo! Bakit akala nyo ba atat na atat akong magaral dito sa eskwelahan na ito na naglipana ang mga arogante pero ignorante namang katulad nyo.."susugod na sana si Paul pero humarang si Lexann.

"Tama na yan.."pigil nito.

Tiningnan ni Dave si Lexann. "Kaibigan mo ba yang mga yan? Pakisabihan naman na sa oras na marinig or makita ko pa na ginaganyan nila si Lei, babasagin ko ang pagmumukha nila, mapalalaki o mapababae!"banta nito.

"Dave tama na!"pigil ni Lei saka ito hinila palayo sa mga yon.

+

"Sweetheart okay ka lang ba?"usisa ni Flor sa asawa na kasalukuyang nagmamaneho.

"Yeah ofcourse, Im okay, bakit mo naman naitanong.."pilit na ngiti na sagot ni Carlo.

"You dont look okay, nitong mga nakakaraang gabi napapansin ko madalas kang managinip ng masama, ano ba napapanaginipan mo?"usisa ni Flor na nagaalala sa asawa.

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon