@LOUIEJEAN ♡
* * * * * * *
"Ginawa ko na lahat ng sinasabi mo Pauleen, ano ang next step ko"kasalukuyang nasa terrace si Carlo ng mga oras na iyon at kausap sa cellphone si Pauleen.
"Sa ngayon ay hindi pa sya makakalapit, madami ka pang oras para tuklasin kung sino talaga sya"sabi ni Pauleen.
"Pero para saan?"
"Kailangan nating malaman kung sino sya at bakit sya pumapatay, masyadong mapaglaro ang kaluluwang ito, she makes you believe na si Lucia Rivera ang babaeng nakaitim ang nanggugulo"
"Pero sya naman talaga"
"Pumatay sya para sa anak nya, pero yung mga kaibigan nung Ysa, at saka yung Ama ni Ysa, hindi nila sinaktan si Ysa pero namatayu sila."
"Naguguluhan ako, hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon isyu pa rin tungkol sa babaeng nakaitim na yan, at saka bakit sya bumabalik after 17 years"
"Hindi ko din alam sa ngayon, kailangan ko ng datos at impormasyon, kailangan kong makausap yung Axle na anak nung manghuhula"
"Nasa ibang bansa sya"
"Wala ka bang ibang alam na way para macontact sya?"
"Sino kausap mo?"nagulat si Carlo ng biglang sumulpot si Flor sa likod nya, bigla nitong pinatay ang cellphone at pinamulsa.
"Ah eh, wala yon, kasamahan ko lang sa trabaho, bakit ba bigla bigla ka na lang lumilitaw kung saan"angil ni Carlo, kung nabigla si Carlo sa pagsulpot bigla ni Flor ay mas nagulat si Flor sa naging reaksyon ng asawa.
"Bakit ka nagagalit? Aayain lang naman kitang magdinner eh"ani Flor, para namang natauhan si Carlo sa naging reaksyon nya sa asawa.
"Im sorry sweetheart, Im so sorry, pagod lang ako,"hingi ng paumanhin nito.
"Ganon ba, okay lang, halika na, magdinner na tayo, naghihintay na si Carl."aya ni Flor na napapaisip sa mga kinikilos ng asawa.
+
Naunang umuwi si Lei sa kanilang bahay ng oras na yon, sumideline pa kasi si Dave sa sa bar kung saan ay part time waiter ito. Ang kanya namang madrasta ay panggabi. Alas otso na sya nakauwi dahil sya man ay kinailangan pang dumaan sa isa pang trabaho, kila Mr. Ong. Sa umaga kasi ay maaga itong naglalako ng gulay or kung minsan ay kakanin, depende sa kung ano ang mabenta. Kung walang pasok ay nagtututor naman ito. Tatlong bata ang tinuturuan nya.
Pagpasok sa bahay ay kinapa nito ang switch pero hindi nagsindi. Saka nya naalala na pinapabayaran nga pala ng madrasta ang kuryente.
"Naku patay ako nito, nakalimutan kong magbayad"nagaalalang sabi ni Lei. Pumasok sya sa bahay at saka nangapa, dahil kabisado na nya ang kanilang tahanan ay ay hindi naging mahirap para sakanya anG tuntunin ang cabinet kung nasaan ang kandila. Matyaga nyang kinapa ito sa Lalagyan pero nabawi nya bigla ang kamay ng may kung ano syang malamig na nahawakan.
"Ano yon!"pagtataka ni Lei, agad nyang naalala ang cellphone na nasa kanya, ito yung natagpuan sa Taxi ng ama nya ng mamatay ito. Binigay ito sa kanya ng mga pulis sa pagaakalang sa kanYang ama ito. Mabuti na lamang at sya ang nakausap dahil kung nagkataong ang madrasta ay hindi nya ito makukuha. Nung una ay sinubukan nyang hanapin ang may ari pero dahil sa nangyaring aksidente sa taxi ay nagkadepekto ito. Nasira ang LCD nito, maging ang speaker pero himalang buo pa rin. Ginawa na lang nya itong libangan, may mga laman kasi itong kanta kaya ginagawa na lang nya itong radio. Balak sana nya ipagawa ang LCD pero mahal daw ang pagpapagawa nito, binilan na lang nya ng charger at headset. Pakikinig lang kasi nya ito mapapakinabangan. Sira kasi ang Camera kaya kahit sa pagpipicture di nya magamit, di rin naman nya makita ang mga nakasave na picture dahil sira nga ang LCD.
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...