+
" What happen ??" Agad na salubong ni Carlyn pagkalabas ni Lexann sa kwarto ng kapatid .. agad na ngumiti si Lexann sa pinsan ..
" she's okay " sabi niya rito napairap naman si Carlyn .. dahil hindi naman iyon ang tinatanong niya at mukang walang balak sabihin ni Lexann sa kanya ang nangyari ..
" Aalis muna ko .. pupuntahan ko si Lucio sa hospital " napalingon ang dalawa kay Xiel na kinuha lang ang jacket niya at nagpaalam na sa kanila .. hindi narin nag abala si xiel na tanungin si Lexann sa nangyari ..
Napahinga ng malalim si Carlyn at pumunta na lamang sa kusina ..
Habang si Lexann naman ay umupo sa sala at agad itong napahawak sa kanyang Sintido ..
" who the hell are you " sabi ng binata sa sarili .. iniisip niya ang lalaking nakita niya .. why i feel im related to you .. why do you want me to kill who ever hurts the people i love .. pilit na tanong ni Lexann sa sarili ..
Gulong gulo ang binata ... naniniwala siya sa mga sinabi ni Xiel .. at dahil sa nakita ay mas naging pursigido ang binata na malaman kung sino ang lalaking yun ..
Napahiga na lamang si Lexann sa sofa at ipinikit na niya ang mga mata ..
+
Habang sa hospital naman kung nasaan si Lucio ay nandoon sila Dave at Lei na nagbabantay sa kanya .. ang nga magulang ng binata ay nasa ibang bansa at bukas pa makakauwi .. pinaalam na nila ang nangyari dito at sa mga ginawa nito kung bakit siya nalagay sa ganung sitwasyon ..
" is he awake ??" Salubong ni xiel kay Dave .. habang si Lei ay natutulog na sa balikat nito ..
" i think so .. pero hindi pa siya masyadong nakakapag salita .. dahil narin sa basag na basag ang muka niya " sabi ni Dave sa kanya .. tumango naman si Xiel at inilabas ang dalawang bracelet .. ito ay yung binigay sa kanya ni Pauline na protekta sa babaeng naka itim ..
" sige na umuwi na kayo ako na ang bahala dito .. at eto isuot niyo yan .. para maiwasan ang masamang ispirito " sabi nito at inabot na kay Dave ang bracelets ..
Tumango naman si Dave at ginising na si Lei .. agad namang pumasok sa loob si Xiel .. walang tao sa loob ng kwarto nito at nadatnan niyang tulog ang binata .. napangiti na lamang si Xiel dahil kitang kita niyang nag tutulugtulugan lamang ito ..
Umupo ito sa gilid ng kama ni lucio at inilabas ang pad paper na dala dala niya at naisipan munang gumuhit..
" alam mo ba ... sa panaginip kolang siya nakikita " pag uumpisa nito .. alam niyang naririnig siya nito ..
" akala ko nga hindi siya totoo eh .. pero madalas ko na siyang makita .. at sa unang beses na nakita ko siya sa panaginip ko .. " sabi nito habang gumuguhit .. napangiti ito nang matapos niyang iguhit ang mga mata ng dalaga ..
" napamahal nako sa kanya .. " sabi niya at tinuloy ulit ang pag guhit .. ramdam ni Xiel ang panginginig ni Lucio ..
" at alam mo ba .. kung bakit yan ginawa sayo si Lexann ??" Pagtutuloy nito ..
Habang si Lucio naman ay mangiyak ngiyak na s a kaba na nararamdaman .. at hindi alam kung paano hihingi ng tulong ..
" Willing siyang pumatay para lang sa kapatid niya ... pasalamat ka nga at buhay kapa .. " nakangiting sabi nito at sinulyapan ang nakapikit pero lumuluha nang si Lucio .. ibinalik ni Xiel ang tingin sa ginuguhit ..
" alam mo ba .. kung ako ang naka hanap sa inyo ?? " sabi nito na may halong galit na ang boses .. hindi na napigilan ni Lucio at humagulhol na ito sa pag iyak .. tumayo si Xiel at humarap sa kanya habang hawak ang pad paper ..
" baka hindi ka dinala sa hospital ngayon " biglang napalitan ng masayang boses ang pagkakasabi nito ... this time ay lumingon na si Lucio at napahinga ng malalim sa narinig .. nakita niyang nakatingin sa kanya ang binata ng mahinahon ..
" dahil idederetso kita sa hukay mo " pagkasabing pagkasabi ni xiel nun ay nanlaki ang mga mata ni Lucio at pilit na nag sisigaw .. pero hindi niya magawang sumigaw dahil putok na rin ang labi niya pero pinilit niya makagalaw ..
Habang si Xiel ay nakangiting tinalikuran ang nagwawalang binata .. naglakad ito palabas pero bago tuluyang lumabas ay nagsalita ulit ito sa kanya ..
" goodluck " at ngumisi ng nakakaloko ang binata at tuluyan nang lumabas ng kwarto ..
+
" kamusta na kaya si Kristen " nag aalalang sabi ni Lei habang naglalakad sila ni dave pauwi ..
" ayos na daw siya sabi ni xiel .. grabe yung ginawa ni Lexann kay Lucio .. pero tama lang yun sa kanya .. binastos niya ang pagkababae ni Kristen " sabi naman ni Dave ..
" ano kaba .. hindi naman Ginalaw ni Lucio si Kristen eh " pagtatanggol naman ni Lei sa kawawang si Lucio ..
" alam mo kung ikaw ang nasa sitwasyon niya ?? Ganun din ang gagawin ko " sabi ni Dave sa kanya napangiti naman ang dalaga ..
" parang narinig ko nayan eh " natatawang sabi nito .. dahil ito rin ang sinabi ni Lexann noon kay Kristen ..
" hoy ano ka hindi ko ginaya si Lexann no " pagtatangol naman ni dave sa sarili ..
" pero still .. naawa ako kay Lucio .. pero sabagay tama ka .. baka nga deserve niya yun " pag sasang ayon ni Lei pero labag parin ito sa kalooban niya .. dahil nang makita niya si Lexann na puro dugo ang kamay ay pansin niya rin sa mga mata nito ang labis na galit na nararamdaman .. kitang kita niya sa mga mata nito ang sobrang pagmamahal sa kapatid ..
" tama lang talaga sa kanya yun .. hindi mo rin masisisi si Lexann .. sila nalang ni Kristen ang magkasama " sabi naman ni dave tumango na lamang si Lei at hindi na nagsalita ..
+
" Lexin ...... "
" Lexin ........... "
Halos maalimpungatan si Lexann sa boses ng babaeng naririnig .. tulog parin ito .. napaisip ang binata dahil kilala niya ang boses na yun .. iyun yung boses na narinig niya noong gabing hinimatay si Kristen sa elevator ..
" Sino kaba !!!!" Inis na sigaw ni Lexann sa panaginip niya ..
" Lexin ... mahal naman kita .. minahal kita ng totoo .. PERO BAKIT !!!!!!! BAKIT SIYA PARIN ANG PINILI MO !!!!!!!!!!! " halos mabingi si Lexann sa pagsigaw ng babae .. napahawak ito sa tenga niya ..
" HINDI AKO SI LEXIN .. ANONG KASALANAN SAYO NI DADDY" Sigaw ulit ni Lexann habang nakahawak parin sa magkabilang tenga niya ..
" KASALANAN ??????? MINAHAL KO SIYA .. HINDI KO KASALANANG MAGMAHAL NG DALAWA .. PINATAY NIYA ANG LALAKING MINSAN KONG MINAHAL PERO PINILI KO SIYA .. PERO ANO ?????? PINILI NIYA ANG NANAY MO "
Halos mabasag ang Ulo ni Lexann sa sobrang sakit .. anong kasalanan ni mommy ?? Isip ni Lexann .. anong ginawa ni Daddy ?? Bakit niya sinasabi yun saakin ??
Hindi na malaman ng binata kung anong gagawin .. gusto na niyang magising .. ayaw niya ang mga naririnig mula sa babae ..
" Kaya papatayin ko kayong lahat !!!!!" Sigaw nito sa kasabay nun ay may lumitaw na babaeng nakaitim sa harapan ni Lexann ...
+
BINABASA MO ANG
Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )
Mystery / ThrillerTitled : Campus Queen : The Curse of the past Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 2 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are e...