Chapter Twenty-Eight

4.1K 153 44
                                    

NOTE : Hello :) I just wanted to say na time out muna tayo sa horror wahahaha .. isisingit ko lang yung ROMANCE :D bale tatlong chapter siya para sa tatlong Love team :D or baka madagdagan pa im not sure .. hindi kolang ifofocus ito sa horror dahil Mystery-Thriller ito :) so i hope you understand that ^_^

Sino bet niyo ??

#LexLei - Lexann ♡ Leila
#KriXiel - Kristen ♡ Xiel
#Darlyn - Dave ♡ Carlyn
#LeiVe - Leila ♡ Dave
#KrisXann - Kristen ♡ Lexann ..

Upcoming -
#CarNan ♡
#KrisRon ♡
#CarLia ♡

Yan lang ang nga possible love team yung upcoming hahah ABANGAN!!!! ^_^ hahaha wag na nagtanong kung bakit pati yung kambal meron haha .. so .. this Chapter is ..

#KriXiel ♡♡

+

" ahm Xiel .. hindi mo naman kailangan dalhin yung bag ko kaya ko naman " nag aalanganing sabi ni Kristen sa binata .. nasa hagdan na sila ngayon at papasok sa kanilang First Class .. agad namang humarap sa kanya si Xiel ..

" okay lang naman .. tsaka alam kong mahina kapa .. wala akong nagawa para sayo kaya sana hayaan mo kong gawin to " nakangiting sabi nito .. bigla namang namula ang pisngi nang dalaga sa hiya ..

" hindi ako mapakali .. bakit ganito tong nararamdaman ko "

Isip ni Kristen at hindi malaman kung anong sasabihin .. napahawak ito sa tenga niya at inayos ang buhok na nakalawit sa muka ..

" o-ok .. pero ngayon lang yan hah ??" Sabi nito at naglakad na .. agad namang nag salute ang binata at sumunod na sa kanya ...

Pagkarating sa kanilang classroom ay natahimik ang buong klase sa pagpasok ni Kristen .. agad namang kinabahan ang dalaga ..

" is that true na pinag tangkaan daw siyang rapin ni Lucio ??"

" i can't believe it na tinanggihan niya si Lucio "

" yeah righy ang gwapo gwapo ni Lucio at kahit sinong babae gugustuhin makasama siya "

" i agree .. pero dahil sa kanya na hospital si Lucio "

Sari saring bulungan ang sumampal sa muka ni Kristen .. pakiramdam niya ay parang si Lucio pa ang kawawa sa nangyari .. hindi niya maintindihan ang mga iniisip ng mga tao at siya pa ang nag mukang masama ..

Napayuko ang dalaga at balak na sana niyang lumabas ng classroom nang mauntog ang ulo nito sa dibdib ni xiel na kakapasok lang .. nasa likod lang naman niya ito at pinakinggan lang ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ..

" omaygad .. ang gwapo !!! Transferee ba siya ??"

" shet !!! May bagong gwapo nanaman "

" sana classmate natin "

Agad napalitan ang bulungan at naging hot topic si xiel ng class room .. pero hindi iyon pinansin ng binata at diretsong nakatingin lamang sa babaeng nasa harapan niya ..

" hey !!! Wag kang yuyuko .. ang ganda ganda Mo para iyuko lang yan " nakangiting sabi nito at namula nanaman si Kristen ..

" Kainis .. bakit ba ang hilig niyang magpakilig ... wait ??? Kinikilig ako ???" Isip ng dalaga

Agad na tinaas ng dalaga ang ulo at humarap kay Xiel .
" i-i know .. mag ccr lang sana ako .. " pilit na pag tataray nito .. ngumiti naman sa kanya si Xiel at inabot ang bag niya .. para namang natuod si Kristen dahil nag bulungan nanaman ang nga tao sa paligid nila ..

" Sila ba ??"

" grabr naman yan !!! Lahat nalang ng gwapo kanya na !!"

" ang landi naman "

HINDI Maiwasan ni Kristen na masaktan sa mga sinasabi ng tao .. at halos magpantig ang tenga ni Xiel nang sabihan nilang Malandi ang dalaga kaya agad niyang hinila ang dalaga papunta sa kanya likod at hinarap ang nga studyante ..

" Sana naman kung mag bubulungan kayo .. hindi yung harap harapan ?? At sinong malandi ?? Siya ?? Siya na pinagsamantalahan ?? Bilib nga ako sa kanya dahil lumaban siya at hindi bumigay .. patunay na lang na may respeto siya sa sarili niya .. "

Agad namang napatahimik ang mga studyante .. at napahawak si Kristen sa dulo ng polo ni Xiel ..

" u-uy tama na " sabi ng dalaga sa kanya .. huminga ng malalim si xiel at pilit ni nginitian ang dalaga ..

" okay !! Umupo kana .. didiretso lang ako sa faculty para nag pasa ng excuse letter " sabi nito at umalis na sa harapan ni Kristen sakto naman ang pagdating ni Carlyn at Dave ..

Pagkapasok ni Carlyn ay pansin niya ang nga mata at bulungan ng nga kaklase sa paligid at ang mga matang nakatingin kay Kristen ..

" anong tinitingin tingin niyo ??? Naiinggit kayo kasi maganda siya ?? " masungit na sabi nito .. napa face palm naman sa hiya si Kristen at hinila na si Carlyn .. samantalang si dave naman ay napahawak nalang sa kanyang sintido .. at hindi makapaniwala sa ginawa ni Carlyn ..

" cous ano bayan nakakahiya " bulong ni Kristen sa pinsan ..

" anong nakakahiya .. tama lang yun " sabi naman ni Carlyn ..

Napailing nalang si Kristen at nag kwentuhan nalang silang dalawa habang inaantay ang kanilang guro ..

+

Habang nag kwekwentuhan ay sakto namang dumating ang kanilang guro napa ayos ng upo ang lahat ..

" Good morning " bati nito .. sumagot naman ang buong klase at nagsimula nang mag ayos ang guro sa kanyang lesson plans ..

" okay before we start .. i would like you to meet your new classmates " sabi nito .. at kasabay nun ang pagpasok ni Xiel .. agad namang nagtilian ang mga babae sa classroom ..

" tsss ang haharot akala mo naman papatusin ni Xiel " agad na siniko ni Kristen si Carlyn dahil halos isigaw na nito ang sinabi .. napatingin sa kanila ang ilan sa mga classmate nila pero tinuon din ang tingin kay xiel ..

" teka ?? Classmates ?? Ibig sabihin may isa pa ??" Napalingon ang dalawang dalaga nang magsalita nalang bigla si Dave .. nagkatinginan naman si Kristen at Carlyn ..

" Hi Im Xiel Rodrigo .. 17 years old from Australia " pagpapakilala ng binata .. kasabay nun ay may biglang kumatok sa kanilang classroom kaya naman nagsitinginan ang lahat ..

" im sorry I'm late .. i believe the teachers says that this is Class B and im also a transferee " halos matahimik ang lahat sa lalaking pumasok .. cold ang boses nito at halos namumutla na .. nakayuko ito at medyo mahaba ang buhok ..

" Hi Im Xiel .. im also a trasferee " si Xiel ang unang bumati sa binata ..

Nakatingin lang si Kristen sa bagong dating na lalaki .. ang emotionless nito kung titignan .. ang putla putla niya at Ang gulo ng buhok .. pero masasabi mong magandang lalaki ito ..

" Aaron .. Pember " rinig ni Kristen na sabi ng binata .. at bigla namang nanlaki ang mata ni Kristen nang makitang sa kanya ito nakatingin ..

+

Note : okay may continuation pa po ang kanilang love story hahahaha LOL !!! ☺☺

Campus Queen : The Curse Of The Past ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon