A/N:
Hello mga ka-CNMTMP! Sorry kung medyo natagalan. Please enjoy ~
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 40: Doubt
MIKAELA THERESE's POV
"Hey, Therese!" napalingon ako dun sa babaeng tumawag sakin at nakita kong si Aliyah lang pala yun. Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito, Aliyah? Paano mo nalaman yung bahay ko?" takang tanong ko sakanya sa harap ng pintuan namin. Oo, nasa bahay siya ngayon at nagulat ako ng ituro niya sila Jerome na mukhang ipinark lang yung sasakyan nila sa garahe at palapit na samin. Oo, silang tatlo nandito, kasama ang mga...girlfriends nila maliban kay Emmanuel na ang kasama ay si Micchi. Wait, sila na kaya? Ayiie~~~ matanong nga mamaya. Hahaha!
"Guys, anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko sa kanila ng makarating silang lahat sa harap ko.
"Baka pwedeng papasukin niyo muna kami, Therese?" masungit na namang sabi ni Emmanuel. Hay naku... Kay aga aga ang sungit sungit. Hehehe... Buti na lang si Tristan medyo bumabait na.
"Ah sorry." sabi ko saka sila pinapasok. Ano kayang ginagawa nila dito? Hmmm...
"Anong sadya niyo, guys?" tanong ko sa kanila after kong ikuha sila ng juice at cake. Nasa sala na kami ngayon at ang mga lalaki ay sitting pretty na naman. *sigh*
"Wala lang. Gusto lang namin kayong dalawin. Bakit? Ayaw mo?" sabi ni Martin sabay kuha ng remote sa table at bukas ng t.v. Napangiti ako. Kahit minsan, sintusinto itong si Martin... Mabait talaga itong nilalang na to eh. /laugh/
"Ah hindi naman sa ganon, Martin..." agad kong sabi sa kanya. Bakit ganito tong mga to? Mga badtrip ba tong mga to?
"Anyway, asan yung kumag mong asawa?---aray! Anong problema mo!?" tanong ni Emmanuel sakin na agad namang binatukan ng pagkalakas lakas ni Micchi. Pfft... *smile* Si Micchi lang ang nakakasakit ng ganyan kay Emmanuel. Pambihirang bata to...
"Kuya ko 'yun ah!" malakas ng sabi ni Micchi sa katabi lang niyang si Emmanuel.
"Tsk." ayan...nag-aaway na naman po sila. /laugh/ The more you hate, the more you love... Parang kami lang ni Tristan, medyo hate niya ko noon pero ngayon, medyo lumalambot na ang puso niya sakin. Hihihi. Ano ba 'to kinikilig ako sa sarili kong mga sinasabi. /laugh/
"Nasa...condo ni Jerome...?" sabi ko sa kanila. Bakit nila hinanap dito? Akala ko ba may pag-uusapan sila? Hindi ba nila alam na may meeting silang magba-barkada?
"Huh? Sakin? Ni hindi ko nga nakita ni anino nun dun eh." kunot noong sabi ni Jerome sakin. Napalunok ako. Ano? Eh nasaan siya?
"Nasaan si Tristan?" nag-aalalang tanong ko sa kanila. Ewan ko pero kinakabahan ako. Bakit nagsinungaling si Tristan sakin? Nasaan ba siya? Saan siya nagpunta? Nakita kong siniko bigla ni Martin si Jerome. 'teka, may tinatago ba sila sakin?
"May alam ba kayo?" ewan ko pero iba ang kaba ko. Kapag may alam kasi silang kalokohan ng isa ganyan magkikilos yang mga yan eh. Ano na naman bang nangyayari?
"H-huh?" nauutal na sabi ni Jerome. Nagsisinungaling siya.
"W-wala?" nauutal rin na sabi ni Martin. Mas lalong halatang nagsisinungaling siya.
"Tsk. Seryosong usapan, Therese...meron." seryosong sabi sakin ni Emmanuel na ikinakaba ko. Sa kanilang magkakaibigan aside kay Tristan na hindi ko malaman kung nasan. Si Emmanuel lang ang pwedeng kong pagkatiwalaan sa mga ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...