Chapter 07: Wife's Duty

5.9K 133 3
                                    

A/N:

Hello po sa lahat! At dahil may nag-follow po sakin at napasaya niya ko ng sobra. Dedicated po ito kay lalawala04. E'to na po ang UD ko! Hahaha! Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko! Sa mga nag-vote at nag-comment. Pinasaya niyo rin ako. Sana po patuloy niyo parin akong suportahan. Vote, Comment, and Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 07: Wife's Duty

MIKAELA THERESE's POV

"Hello? Zaragoza Residence."

[Hello? Ahm excuse me, pwede bang makausap si Tristan?]

ang ganda naman ng boses nito. Sino kaya 'to? Hindi naman siya muhkang babae ni Tristan dahil lahat ng babae nun puro maldita.

"Ah, sino po sila? May sakit kasi si Tristan ngayon. Pwedeng malaman kung sino sila? Sasabihin ko na lang pag-gising niya." malumanay kong sabi. Kapag kasi mga babae ni Tristan sinisigawan ko kasi wagas kung maka-'maid ka ba ni Tristan?' Sarap sipain. Hahaha! Joke lang. XD

[A-asawa ba 'to ni Tristan?]

huh? Wow, for the first time may babaeng tumawag at hindi inakalang katulong ako.

"Ah oo. Pano mo nalaman?"

[Ah kasi...kaibigan ako ni Tristan. K-kaya alam ko.]

ang hina na ng boses niya. Baka sa signal.

"Ganun ba? May gusto ka bang sabihin?"

[H-ha?]

"Bakit? May problema ba? Pwede ko naman sabihin kay Tristan ang gusto mong sabihin sa kanya." asawa ako kaya pwede naman 'di ba?

[Ah... Salamat pero ang totoo niyan masyadong confidential.]

huh? Ganun ka-confidential na pati akong asawa hindi pwedeng mangialam? Tutal at maganda ang pakikitungo niya sakin kaya hindi na ko magma-maldita sa kanya. Kalma lang Therese.

"Ah okay I understand. May number ka ba niya para matawagan mo na lang siya?"

[Actually, wala eh.]

ganun? Akala ko ba magkaibigan sila?

"Akala ko magkaibigan kayo? Ba't wala kang number ng asawa ko?"

[K-kasi nanakaw 'yung phone ko kaya nagpalit ako.]

mahinhin parin niyang sabi. 'di nga? Mapanduda naman kasi ako masyado.

"Okay bigay ko na lang sayo pero baka pwedeng 'wag mo muna siyang tawagan. Siguro sa susunod na araw na lang dahil may sakit siya." pumayag naman siya. Muhkang mabait naman talaga kaya binigay ko. Pagkatapos kong ibigay ay nagpaaalam na siya pero bago pa niya maibaba ay nagsalita na ko.

"Wait, may I know your name?"

[H-ha?]

"Ah, 'wag kang mag-alala secret lang natin 'to. Hindi naman ako ganun kadaldal eh." napa-ngiti ako. Muhka kasing natakot nung sinabi ko 'yun. Creepy talaga.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon