A/N:
Good evening everyone! Here's the next chapter as I've promised. Enjoy ~ Sorry for the typos if ever meron. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 41: The Long Lost Brother
MICO TERRENCE's POV
"Terrence! Stop walking! Nahihilo na ko sa kakalakad mo!" sigaw sakin ni Leona. Ewan ko pero hindi kasi ako mapakali. Nagawa na ba ni Emmanuel yung sinabi niya sakin? Bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa ko kinokontak? Wala ba siyang load? Ang yaman yaman hindi naka plan? Kukuhanin ko na sanasa bulsa ko yung phone ko nang bigla akong pinigilan ni Leona na nasa harap ko na pala. Aish!
"How can I do that!? Tell me, Leona!" hindi ko na napigilan pang sigawan siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya napaupo na lang ako sa sofa at napasuklay sa buhok ko gamit ang kamay ko. Nakaka-tangang mag-intay.
"I'm sorry." mahinahong sabi ko sa kanya na ikinatango lang niya.
=====FLASHBACK=====
"It's Mico." sabi ko sa kausap ko. I called Emmanuel when I heard from my P.I. slash friend na may nakita siyang kasama si Tristan. Ang gago. Nagawa pang mambabae eh may asawa na siya.
[Aquino...] seryosong tawag niya sa pangalan ko. Tsk. Ayaw ko man makipag-tulungan sa lokong to dahil alam kong masyadong sigurista ito pero wala naman akong ibang magagawa eh. Alam kong napaka-importante sa taong to si Therese at alam kong kayang ilaglag ni Emmanuel si Tristan kapag nalaman na nito ang kalokohan na ginagawa ng kaibigan niya.
"Magkita tayo. May nalaman ako tungkol kay Tristan. I'll text you the place." seryosong sabi ko sa kanya.
[Tell me, what happened? Anong natuklasan mo kay Tristan?] I can heard it loud and clear. Mukhang may idea narin siya sa mga pinaggagagawa ng kaibigan niya. Tsk.
"I'll tell you once pumanig ka sakin." I said honestly. I want an assurance. Hindi basta basta ang mga sasabihin ko sa kanya ngayon.
[What?] litong tanong niya. Hindi ba malinaw yung sinabi ko o slow lang siya?
"Be my ally." sabi ko sabay sandal sa sofang inuupuan ko. Matagal tagal ko narin tong pinag-isipan. Siguro ngayon na nga ang tamang panahon para malaman nila ang katotohanan.
[Let me tell you this. Maybe I hate him now but still he is my friend and I won't betray him...] he said sternly. Napasuklay na lang ako sa buhok ko gamit ang kamay ko. Psh. That bastard.
"But he betrays Therese..." there I said it. He needs to hate him and I need an ally. I need him for Therese to accept me.
[What?]
"Magkita tayo. I'll send you the address. Bye." I said and end up the phone call. He needs to be here. Napatingala ako sa ceiling at bumuntong hininga. Ang akala ko kapag dumating na tong pagkakataon na to...handa na kong i-reveal ang lahat...pero bakit parang natatakot ako? Mukhang hindi parin pala ako handa. *sigh*
Few minutes later after I sent him my address. Andito na nga siya. He looks so serious just what I've always see in school.
"So, ano yung tungkol kay Tristan?" straight to the point niyang tanong sakin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Ayaw mo ba munang mag-kape o mag-tsaa?" offer ko sa kanya pero sinamaan lang niya ko ng tingin. But that's the proper way to treat visitors.
"Wala na kong time mag-kape! Sabihin mo sakin kung anong alam mo!" sigaw niya sakin na ikinabuntong hininga ko lang. Ganon ba... Tinignan ko siya ng seryoso sa mga mata.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...