Chapter 09: Asaran Time

6.2K 130 0
                                    

A/N:

Hello guys! UD na po ako! Thank you po sa lahat ng nagbasa last Update ko.

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 09: Asaran Time

MIKAELA THERESE's POV

Nagising ako sa mahinang tunog sa cellphone kong nasa side table ko. Umupo ako sa higaan at pinatay ang alarm. Nag-inat at lumingon sa tabi ko. And he's here. Ang lalaking saksakan ng sungit, kulit at tigas ng ulo.. Ang himbing ng tulog niya dahil sa kalokohan na ginawa niya kagabi.

=====FLASHBACK=====

Nakauwi na ko. Medyo naglakad lakad muna ako para mahimasmasan ng konti at bumili narin ako ng fruits para kay Tristan. Hay, kahit ano siguro ang marinig at gawin niya hindi ko maiaalis sakin ang mag-aalala sa kanya. Masyado ko siyang mahal para iwan at bitawan. Ganito talaga siguro kapag nagmahal ka kung kinakailangang tumalon ka sa bangin tatalon ka. Masyado bang OA? Pero ganun talaga siguro eh. Sinara ko na 'yung gate namin at binuksan ang front door. Tulog na kaya siya? Bakit nandito parin ang mga kotse nila Jerome? Ah, baka dito na pinatulog ni Tristan at gabi na. Pumasok na ko at masyadong madilim ang bahay at parang wala ng tao kaya dumiretso ako ng kitchen para ilagay sa ref ang binili ko ng makita ko sila sa bar counter. What?!

"Hoy! Anong ginagawa niyo!?" sigaw ko sa mga lalaking may hawak na baso pa na may laman pang wine. Ano bang pumasok sa isip nila at nag-iinom sila?

"Oh dito ka na pala *hik* eh." si Tristan. Ano na naman ba? Lumapit ako sa kanya para alalayan siyang tumayo pero hinawi lang niya ang kamay ko. Ano ba? Napipikon na ko ha.

"Ano ba!? *hik* hindi *hik* hindi pa ko *lasing* eh." tinaasan ko lang siya ng kilay. 'di nga?

"'di ka talaga lasing sa lagay na 'yan ha?" tumango lang siya sabay batok ko sa kanya na ikinagulat nila Jerome. Psh. Pake ko sa kanila? Sakit sa ulo ka talaga si Tristan.

"Aray *hik* naman!" sabay hawak sa ulo. Siguro kung si Tristan talaga 'to na masungit baka nabatukan narin ako. Hihihi. Ganti ganti din pag may time.

"Masasaktan ka talaga at kayo naman, anong pumasok sa isip niyo at pinayagan niyo 'tong uminom at talagang nakisali pa kayo ha." sabay baling ko kila Jerome na halata namang nasa katinuan pa.

"Woah easy ka lang Mrs.Zaragoza. Ayaw papigil eh." pabirong sabi ni Martin na nakataas pa ang dalawang kamay na parang nagsu-surrender. Hay. Mga pasaway.

"Alam mo, pinigilan naman talaga namin ang kaso parang tulig na walang naririnig." segunda ni Jerome. Nakakatitig lang ako sa kanila. Nakaka-disappoint kasi sila eh. Alam naman nilang may sakit 'yung tao eh hindi pa nila pinigilan eh tatlo naman sila at isa lang si Tristan. Hay.

"Halika na at iakyat na natin 'to at para makauwi narin tayo." suggestion ni Emmanuel at inalalayan na nila paakyat si Tristan. Mga 'to talaga.

Nasa kwarto na kami at naihiga na nila si Tristan sa kama. Hay, ang init na naman niya. Nakakaasar naman kasi! NAPAKA TIGAS NG ULO. Hay. Inayos ko na muna ang kumot para 'di siya masyado lamigin ng may nagsalita sa likod ko.

"Sorry kung 'di namin napigilan ha." si Jerome. Kahit hindi ako lumingon alam kong sincere siya...sila. Napangiti na lang ako. Maswerte si Tristan at nagkaroon siya ng mga kaibigan na tulad nila.

"Okay lang. Hindi niyo naman kasalanan kung napaka-tigas ng ulo ng lalaking 'to."

"Oo nga naman!" segunda ni Martin. Talaga naman oh.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon