A/N:
Good evening ~ 27 na guys! :D Kamusta kayo? :D Uwaaa! Happy 59K reads satin, mga ka-CNMTMP! :D Enjoy reading ~
Sorry for the errors if ever meron. :) Ingat sa mga ba-byahe this weekend. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 45: To Love and Be Loved Part 2
MIKAELA THERESE's POV
Nasa loob na kami ng bahay ngayon habang si Tristan ay nagpapahinga na sa sofa. Nakatulog na ata. Sinabi ko kasing magpahinga muna siya habang ako ay magluluto. Actually, tapos na ko magluto at nakaupo na sa sala ngayon katabi ng sofang hinihigaan niya ang kaso ayoko muna siyang gisingin. Mukha kasi siyang haggard at puyat. Isama mo narin na parang nakainom din siya. Paano ko nalaman? Syempre, asawa niya ko eh. Di niya maitatago sakin yung mga ganyang bagay. *sigh* Kelan ba siya titigil sa kakainom niya? Napaitlag ako ng biglang mag-ring yung telepono dito sa bahay. Sino kaya 'to? Agad ko itong sinagot at baka magising pa si Tristan.
"Hello?"
[Ate Therese?] Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Michelle na parang garalgal.
"Micchi, okay ka lang? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Agad kong tanong sa kanya. Bigla kasi akong kinabahan eh. Alam ko naman na may pagka-iyakin 'tong batang 'to pero hindi naman tatawag 'to nang umiiyak kung walang dahilan...
[N-nandito k-kami nila E-emman---Ako na nga Michelle. Hello, Therese.] Utal na sabi ni Micchi sakin bago inagaw ni Emmanuel yung phone sa kanya. There's something wrong. I can feel it.
"Emmanuel, anong nangyari? Bakit umiiyak si Michelle? Nasaan kayo?" Nag-aalala kong tanong. What's happening?
"Anong nangyayari? Sino yan, Therese?" Narinig ko na lang bigla na sabi ni Tristan habang umuupo sa sofang hinigaan niya kanina habang kinukusot kusot ang kanyang mga mata.
"Si Emmanuel kasi..." sabi ko sa kanya na ikina-seryoso agad ng mukha niya. Agad itong tumayo at lumapit sakin.
"Akin na. Ako na kakausap." Seryosong sabi niya na sinunod ko naman. Hindi ko gusto yung nararamdaman ko ngayon...
"Hello, Emman. Anong nangyayari?" Ma-otoridad na tanong agad ni Tristan. Napahawak ako sa dibdib ko saka huminga ng malalim. Kinakabahan ako. Ano na namang klaseng problema 'to? Hindi ba kami mauubusan ng problema?
"What!?" Sigaw niya sa gulat. Wait, what's happening? Napalakas kasi talaga ang boses ni Tristan. It's either may nangyari sa company or...
"Sige. Papunta na kami. Okay. Sige. Bye." Si Tristan at saka ibinaba agad yung telepono. Bakit namumutla siya? Anong nangyayari?
"Bakit Tristan?" Tanong ko agad sa kanya ng bigla siyang naglakad papuntang rack at kinuha yung leather jacket niya pati yung susi ng kotse niya. There's something wrong... I can feel it.
"Sinugod si kuya sa ospital. Unconscious parin daw siya hanggang ngayon." Sabi niya habang nagsu-suot ng sapatos sa entrance door. WHAT!?
"Ha!? Ano!? Anong nangyari?" What happened? May sakit ba siya? Bakit siya isinugod sa ospital!?
"Ewan! Halika na!" Sigaw niya sakin na sinunod ko na lang. Hindi ko na dapat siya tinatanong sa ngayon ng mga bagay na ganon kasi alam kong pati siya, natataranta narin. *sigh* Sorry, Tristan...
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...