A/N:
Good eve po sa inyong lahat ~ This will be the second to the last chapter of CNMTMP. :) Salamat sa walang sawang pag-suporta at pagmamahal sa CNMTMP at syempre, sa akin po. :) Sorry po kung medyo natagalan ulit... Muli, maraming maraming salamat ~ Mahal na mahal ko po kayo!
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.========================================================================
Chapter 64: Acceptance
TRISTAN VINCENT's POV
"Ngayon, sabihin mo sakin na dapat binuhay ko pa yung Carl Guillermo na yun, Tristan!" Sigaw sakin ni dad habang nakatingin sakin ng diresto. Carl Guillermo?
"C-carl Guillermo?" Napalingon kaming lahat kay Desiree na nakaupo dito sa living area. T-teka... Don't tell me...
"Y-you're the one who killed my father?" Hindi makapaniwalang sabi ni Desiree habang unti unting bumabagsak mula sa mga mata niya ang mga luha niya. S-si dad... Si dad ang pumatay sa tatay ni Desiree?
"N-no... No! This is not true..." Hindi makapaniwalang sabi ni Desiree habang unti unting tumutulo ang mga luha sa mata niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong lumapit sa kanya na ngayon ay nakatingin na sakin.
"Tristan, tell me! This is not true!" Sigaw ni Desiree sakin bago niya ulit binalingan ng tingin si dad. Punong puno ng galit ang mga mata ngayon ni Desiree. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan...
"D-desiree, calm down. Baka kung anong mangyari sa inyo---" Pagpapakalma ko sa kanya at akmang hahawakan ko sana ang balikat niya pero hinawi niya lang ang kamay ko bago niya ko itinulak.
"TELL ME IT'S NOT TRUE!" Sigaw ni Desiree sakin.
"I don't know, Desiree!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw dahilan para mapatigil si Desiree sa pagsigaw niya. Hindi ba siya nag-aalala na baka may mangyaring masama sa kanila ng anak niya!?
"T-tristan..." Halata mo ang pagkagulat kay Desiree habang sinasabi niya yan. Napahinga muna ako bago ko siya hinawakan sa balikat niya at tinitigan siya.
"Wala akong alam, Desiree... Ngayon ko pa lang nalaman ang lahat nang 'to." Mahinahon kong sabi sa kanya na nakatingin lang sakin habang patuloy na umiiyak.
"A-actually, I thought that it was my dad who killed Terrence and Therese's parents but I honestly don't know anything about this, Desiree..." Kaya nga sa pag-aakala kong si dad nga ang may kasalanan ay iniwan ko si Therese. Napapikit na lang ako nang makita kong lalong bumuhos ang mga luha sa mata niya. Gusto kong magalit dahil nagsinungaling siya samin at binalak niyang sirain ang relasyon namin pero hindi ko magawa dahil alam kong malaki rin ang naging kasalanan ng pamilya ko lalong lalo na si dad sa kanya. Ang hirap ng sitwasyon namin. Napahinga na lang ako bago ko ibalik sa kanya ang atensyon ko at nakita ko siyang nakatingin kay dad.
"D-did you really killed my father, Mr. Zaragoza?" Humihikbi niyang tanong kay dad.
"Yes, I killed him." Mariin na sagot ni dad sa kanya nang biglang napaupo si Desiree sa sahig habang sapo ng kamay niya ang mukha.
"Desiree..." Tawag ko sa kanya habang hinahaplos ko ang likod niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ko ngayon. I'm so damn confused! Pero kung ganito ang nararamdaman ko... Napalingon ako sa direksyon kung saan nakatayo si Therese na mariin lang na nakatingin sakin. Kung naguguluhan ako ng ganito ngayon... Paano pa kaya si Therese?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...