Chapter 26: Tiring Day

4.3K 97 3
                                    

A/N:

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 26: Tiring Day

MICHELLE AMBER's POV

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo, Michelle." asar na sabi sakin ni Emmanuel. Paano ako titigil sa kakaiyak kung hanggang ngayon hindi parin tumitigil sa kakaiyak si ate at higit sa lahat kanina pa siya hindi nagsasalita.

"Michelle!" napatigil ako ng bigla akong sigawan ni Emmanuel. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at binatukan siya. Ang kapal naman ng muhka nito para sigawan ako.

"Aray! Ano bang problema mo ha!?" galit niyang sabi na sinuklian ko lang ng naka-simangot na muhka.

"Hoy! 'wag mo kong sigawan. Babae ako 'no! Kung si kuya nga hindi ako nagpapa-sindak, ikaw pa kaya?" sigaw ko rin sa kanya na ikinairap niya. Bakla. Aish. Sabay kaming napatingin sa pintuan nila ate sa itaas ng bigla itong bumukas at niluwa noon si ate na nakabihis na. Kanina kasi nung naisipan kong bisitahin siya bigla na lang akong nagulat kasi umiiyak siya at nakahubad pa sa kwarto nila. Nag-panic ako kaya tinawagan ko si Emmanuel.

"Ate!" ako sabay takbo sa kanya at yakap. Sinuklian din naman niya ko ng isang yakap kaya lalo akong naiyak.

"Okay na ko, Michelle. 'wag ka ng umiyak." mahinahon niyang sabi na lalo ko lang ikina-iyak. Lagi naman kasi siyang ganyan eh. Kahit na nahihirapan na siya hindi parin siya nagsasalita. Alam kong may nangyayari sa kanila ni kuya. Ayoko lang makialam kasi alam kong mali 'yun pero nakakabwiset narin kasi alam kong si kuya ang may kasalanan. Hindi niya 'to dapat ginagawa kay ate. Nakakaasar. Para ko narin kasi siyang ate eh. Ayoko ng ganito siya.

MIKAELA THERESE's POV

Nasa sala kami ngayon ni Emmanuel habang si Michelle bagsak sa kwarto niya sa itaas. Dahil siguro sa kakaiyak niya. Pinapauwi ko na nga rin 'tong si Emmanuel ang kaso ayaw daw niya hangga't hindi daw niya nalalaman kung bakit hindi ako pumasok sa school at kung bakit ako umiyak. Pasaway talaga.

"Emmanuel, hapon na. Baka dumating na si Tristan at baka kung anong isipin niya satin." nakayuko kong sabi. Parang gusto ko ng magpahinga. Parang napapagod ako.

"First thing, ngayon, naiisip mo 'yung mga bagay na 'yan eh samantalang dati, wala lang sayo. Kahit nga araw araw ka pa namin kasama eh parang wala lang sayo. Meaning may nangyari talaga. Second, akong kaibigan niyo, pagduduhan ni Tristan? Ano siya? Bangag? Hindi sa nangingialam ako pero, gusto kong ilabas mo 'yan." napatingin ako sa kanya na nakatingin rin pala sakin. Emmanuel.

"Nakakatakot ka na, Therese. Baka isang araw, sa kakatiis mo, bigla ka na lang mag-isip na magpakamatay. Tandaan mo, maraming iiyak sayo kapag nangyari 'yun at baka biglang sumunod sayo si Tristan dahil baka mapatay din namin siya kapag nangyari 'yun." malumanay pero may halong pagbabantang sabi niya sakin. Hindi siya galit. Hindi rin siya tinatamad. Ayan na naman siya sa mga ganyan niya. Para na naman siyang kapatid ko. Pinaiiyak na naman niya ko. Napayuko ako at tumulo nga 'yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naramdaman ko na lang na may umupo sa side ko at niyakap ako. Nakagat ko ang labi ko para hindi marinig ni Michelle na umiiyak na naman ako.

"Ano bang nangyari?" mahinahong sabi niya pero isang iling lang ang sinagot ko sa kanya. Ayokong madamay siya. Ayokong magkagulo sila.

"Therese." ma-otoridad niyang sabi pero imbes na masindak ako niyakap ko na lang siya ng mahigpit. I'm sorry Emmanuel. I'm sorry. Napabuntong hininga na lang siya at hinaplos ang likod ko.

"Iwanan mo na lang siya, Therese." napahigpit ang kapit ko sa damit niya. Iisipin ko pa lang na magkakahiwalay kami para na kong pinapatay. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon