A/N:
Vote, Comment, Follow Guys.
=============================================================================
Chapter 29: Accepting and a New Found Friend?
TRISTAN VINCENT's POV
"Babe, ayaw mo na ba talaga?" anak naman ng! Bakit ba hindi na lang niya ko iwan?! Nakakaasar na ha! Tsk. Hindi ko na lang siya pinansin at ininom ang alak na nasa baso ko. Oo, nasa isang club ako ngayon. Sa totoo lang, nitong mga nakakaraang araw ay napapa-dalas ako dito. Ewan ko ba. Naguguluhan kasi ako eh.
"Bab---"
"Shut up!" nakakaubos na ng pasensya ang babaeng 'to ha. Konti na lang at baka hindi na ko makapagtimpi. Agh! Bwiset! Tumigil naman siya sa pangungulit at saka ko tinungga 'yung natitirang laman sa bote. Buti naman at baka hindi ko siya matantya. Nakakaasar naman...bwiset! Hindi ko alam kung bakit asar na asar ako. Ewan! Parang gusto kong manakit sa sobrang pagkaasar ko. Napatigil ako ng biglang nag-vibrate 'yung cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sakin? Hindi na ko nag-abala pang tignan at sinagot ko na lang agad. What's the sense of looking at it kung nakita mong kakilala mo naman ay sasagutin mo at kapag nakita mo naman na unknown number, sasagutin mo parin kaya where's the sense of looking at it?
"Tristan Zara---"
[Tatawagan ba kita kung alam kong hindi ikaw si Tristan?]
nangunot bigla ang noo ko. Aba't napakapilosopo naman ata nito masyado. Base sa boses niya, muhkang kilala ko siya. Tsk.
"Jerome. Huwag mo kong ginaganyan at wala ako sa mood. Anong kailangan mo?" ako at pagkatapos ay umorder ulit ako. Hindi parin kasi ako tinatamaan kahit kanina pa ko nandito.
[Tristan, let's talk.]
napakunot ang noo ko. Tsk. Tungkol na naman siguro kay Therese.
"Not in a mood. Bye." ibababa ko na sana ng bigla siyang nagsalita. These past few days, bihira ko na lang sila nakakausap. Una, dahil kasama sila sa pag-aayos ng acquaitance at pangalawa, ayoko muna silang makita. Bwiset ako eh. Ang tagal naman! Gusto ko ng uminom.
[You're in a bar.]
nakuyom ko ang mga kamay ko. Magsusumbong na naman ba siya? O sila? Nitong mga nakakaraang araw ay napapansin kong mas nagiging malapit sila kay Therese. May gusto ba sila kay Therese?
"Bakit? Balak mong magsumbong?"
[Depende. Baka sa susunod. Ayokong bigyan pa siya ng bagong iisipin.]
nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman kaya ang iisipin ng babaeng 'yun? May nangyari ba?
"Ano naman ang iisipin ng babaeng 'yun?" tas tungga. Parang wala na sakin 'yung lasa. Araw araw ba naman ako nandito eh.
[Ayos ah. Babaeng 'yun talaga ang tawag mo kay Therese. Just to remind you, Mr. Tristan Zaragoza IV, asawa mo po ang pinaguusapan natin at HINDI mga KABIT.]
aba't! Loko 'to ah.
"Hey! What do you want to say?" pasigaw kong sabi sa kabilang linya na ikinagulat ng malanding babaeng nasa gilid ko. First thing first, nasa bar ako kaya syempre maingay. Secondly, ginagalit ako ng nilalang na 'to. Is he pointing to Desiree? She is not my mistress!
[Nothing. Ano bang dating sayo?]
nakakainit na talaga ng dugo ang taong 'to. Ibinagsak ko ng pagkalakas lakas 'yung baso ko, nag-iwan ng pera atsaka agad na tumayo para lumabas. Mahirap makipagusap sa isang tao lalo na sa loob ng ganitong lugar. Maingay na nga nakakairita pa kung minsan. Hindi na sumunod 'yung malanding babae at nakarating na ko sa parking lot habang patuloy na nakikipagtalo sa ugok na 'to. Bakit ba sobrang concern siya kay Therese? May gusto ba siya sa babaeng 'yun?
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...