Chapter 17: Misunderstanding

5.8K 121 4
                                    

A/N:

Hi everyone! Hehehe... Pasensya na kung matagal bago ako nakapag-UD ulit pero 'wag kayong mag-alala. Babawi ako sa inyo. :D Please Enjoy...

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 17: Misunderstanding

MIKAELA THERESE's POV

Naglalakad lakad kami sa garden ng school. May 30 minutes break pa naman kaya kung sakaling may mangyari, alam kong may hahanap sakin. Huminto siya sa isang bench at humarap sakin. Ano?

"Have a seat." ah... Okay. Nauna na kong umupo at tumabi siya sakin. Napansin ko lang, kanina pa 'to nakangiti. Muhkang good mood.

"So, nakita ulit kita. Alam mo bang hinanap kita? Ang hirap mo palang hanapin 'no?" napakunot ang noo ko.

"Ba't mo ko hinahanap?" ngumiti ulit siya sakin at tumingala. Hilig ba ng mga lalaking tumingin sa langit kapag may kinakausap? Bastos lang?

"Kasi ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi naakit sa charms ko." napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. 'teka nga. Parang narinig ko na 'yan dati.

"So?" may pagkairitang sabi ko sa kanya na ikinatawa lang niya. Anong nakakatuwa? May sapi ba 'tong isang 'to? Nagsusungit na nga ko't lahat natatawa pa.

"At suplada ka pa. Alam mo bang nakaka-challenge ka."

"Anong nakaka-challenge sakin ha? Pinagti-tripan mo ba ko?" ngayon galit na ko pero hindi ako sumisigaw. Anong tingin niya sakin? Obstacle course? Nagbaba na siya ng tingin at mariin na tumitig sakin na para bang biglang lumungkot. Bakit? May nasabi ba ko sa kanya?

"Hindi kita pinagti-tripan. Seryoso ako. Ikaw lang ang hindi nagkagusto sakin which is unusual. I'm not being boastful, I'm just saying the truth. Anyway, hindi lang ako makapaniwala na hindi ka nagkagusto sakin parang...parang may iba sayo na gusto kong malaman." sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko kasi siya ma-gets. Ano bang gusto niyang sabihin?

"Look, gusto ko lang maging kaibigan mo. Kaya sana 'wag kang magalit." huh?

"Can I tell you something?" tumango lang ako. Ang bilis kasing magbago ng topic ang isang 'to.

"You wanna know why kung bakit ikaw ang gusto kong maging kaibigan?" siya na nakatingin na naman sa langit. Ano bang meron sa asul na langit na 'to? Hindi ba sila nasisilaw na kahit umaga pa ay grabe na sila makatitig sa langit?

"Ano?"

"Parang ayaw mo talaga akong kausap 'no? Pero, eversince bata pa lang ako wala na kong naging totoong kaibigan kasi its either ginagamit lang ako or gusto lang sumisip kasi mayaman kami. Alam mo bang lumaki akong home student? Walang kaibigan, walang kausap kundi ang teachers at maids namin. Laging wala sa bahay sila mom at dad. Alam mo bang sobrang lungkot ng naging buhay ko? Para akong isang robot na dapat susunod sa lahat iutos ng gumawa sakin. Ngayon na nasa tamang edad na ko 'dun na ko binibigyan ng atensyon ng mga magulang ko kasi may mapapakinabangan na sila sakin. Magdadala na ko ng pera papasok sa kumpanya. Turing nila sakin walang kwenta...alam mo bang meron din akong half older brother?" habang sinasabi niya ang mga 'yan ay kitang kita ko sa mga mata niya na sobrang lungkot nga niya. Kahit nasa kanya na ang lahat...muhkang hindi parin siya masaya.

"Anong nangyari?" ngumiti lang siya ng mapait at nagpatuloy.

"Ang totoo, namatay ang totoo kong mommy when I was 4 years old at nalaman kong ang dad ko pala ay may ibang pamilya...legal na pamilya. Imagine, at an early age nalaman kong anak lang ako sa labas. Even it hurts, I still accept it. Hindi naman talaga ako ang tagapagmana dahil isa lang akong anak sa labas pero dahil mas mahal nila ang tunay nilang anak na gustong maging isang teacher kaya pinagbigyan nila. In short, second option lang ako. Sabi nila, second option isn't nice to be hear pero para sakin, okay lang naman as long as alam kong napapasaya ko ang mga magulang ko." siya na kahit naka-ngiti. Mahahalata at mararamdaman mong nasasaktan at nahihirapan siya.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon