Chapter 30: Those Little Words

5.3K 113 0
                                    

A/N:

Good Afternoon guys! Sorry po dahil ngayon lang ako nakapag-UD dahil po na-virus po ang aking laptop at hindi pa po ito naayos hanggang ngayon. Pasensya na po ulit at sana magustuhan niyo po ang UD ko ngayon. :)

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 30: Those Little Words

MIKAELA THERESE's POV

"Have we met somewhere?" agad siyang nag-iwas ng tingin at mabilis na umiling. Bakit kaya?

"Ahm, may problema ba, Lin?" parang pamilyar talaga 'yung name niya sakin eh.

"Ah-wala naman. Okay na 'to. Tawagan na lang kita bukas kapag okay na." ba't parang pinapaalis na niya ko? Anong trip niya?

"Ahm, Li---"

"Sorry pero may emergency pa kami kaya isasara ko na sana 'yung shop." oh. Tumango na lang ako at nagpaalam na. Ang weird naman niya. Bigla na lang niya kasi akong sinaran ng pinto eh...I mean glassdoor pala. Ang weird ng kinikilos niya. Well, ayoko ng mag-isip pa at buong araw na kong nag-isip ng bongga.

"THERESE!" napaitlag ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Shane lang pala. Napakunot naman ang noo ko ng medyo nakakalapit na siya sakin.

"Therese, oh." alok niya sakin na ikinataas ng kilay ko.

"Ano 'yan?" sabay turo ko sa hawak niya. Ang weird kasi eh. Color violet na ewan.

"Hmm? Ah, e'to ba? Octopus. Pinakatay ko pa nga sa tagal mo eh. Ano? May napala ka ba ha?" napataas lalo ang kilay ko. Aba't pinaglololoko ako ng nilalang na 'to ah.

"Kasalanan ko bang napatagal ako? Buti nga pumayag 'yung owner eh. Kapal naman ng muhka ng isang 'to." sabay irap ko sa kanya at inunahan ko na siyang maglakad. Nakaka-pikon din pala 'tong isang 'to. Tumatawang sinundan naman niya ko. Tsk. Kapal talaga nito. Agh!

"E'to naman. Joke lang. Totoo ba? Napapayag mo 'yung shop? Wow! Ang galing mo ta---"

"Ano 'yan? Pampalubag loob? 'yung totoo? Anong trip mo?" tigil ko sa paglalakad sabay harap sa kanya. Nakakapikon kasi siya eh.

"Hindi 'no! Joke lang 'yung kanina. Oh, fried ice cream. Kainin mo na at baka matunaw pa. Hindi ko mo, fried eh hindi na natutunaw. Ice cream parin 'yan 'no." napakunot na naman ang noo ko.

"Mr. Shane Xandford, defensive much lang? Adik? May sinabi ba kong hindi natutunaw ang ice cream kahit na fried ice cream siya? Sira ka talaga." sabay kuha ko nung ice cream at nagsimula na ulit maglakad. Gutom narin kasi ako eh. Kaloka kasi ang araw na 'to eh. Hay...

"Therese, may itatanong ako." out of nowhere niyang sabi. Ano naman kaya 'yun?

"Ano?"

"Mahal mo ba si Tristan?" napatigil ako bigla sa paglalakad. Bakit naman bigla bigla?

"Shane naman---"

"Just answer me. Mahal mo ba si Tristan?" si Shane ng bigla niya kong iniharap sa kanya. He looks different. He looks so serious. Ano bang nasa isip niya? Bakit naman bigla bigla?

"There---"

"She doesn't have to answer that stupid question. She loves me more than her life so back off, Shane." parang nanigas ako bigla sa narinig ko. Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako? O 'di kaya ay dahil lang sa pagod ko ngayong araw?

"I'm not talking to you so don't interfere with us, Tristan Zaragoza." seryosong sabi ni Shane habang ako ay hindi parin gumagalaw. Ewan ko ba kung anong nangyari sakin. Parang bigla na lang akong nanigas.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon