Chapter 08: Confused

6K 132 4
                                    

A/N:

Hello everyone! Sorry delayed ng 1 day. Hahaha! E'to na po ang UD ko. Thank you po ulit sa lahat ng nagbabasa. Pagpasensyahan kung may errors. Enjoy. :D

Vote, Comment, Follow Guys.

=============================================================================

Chapter 08: Confused

MIKAELA THERESE's POV

Kinuha ang palanggana at ipinatong sakin at piniga ang bimpo na nasa palanggana at nilagay sa noo niya.

"Desiree." huh? Sinong Desiree? Bigla naman akong nanghina. Sino bang Desiree 'yun? Bakit siya lagi ang tinatawag ni Tristan lalo na kapag may sakit o tulog siya. Bakit siya imbes na ako? Sino ka ba Desiree? Sino ka sa buhay ni Tristan? Masakit. Sobrang sakit. Hinaplos ko ang buhok niya ng dahan dahan.

"Sana si Desiree na lang ako. Para kahit man lang sa pagtulog mo, tinatawag mo ang pangalan ko." pagkatapos kong ilagay 'yun sa noo niya ay tumayo na ko at naalala kong magluluto pa pala ako. Hay... Nagiging ma-drama na naman ako.

TRISTAN VINCENT's POV

Naalimpungatan ako ng biglang may naglagay ng malamig na bagay sa noo ko. Minulat ko ng kaunti ang mga mata ko at...

"Desiree." siya ba talaga 'to? Si Desiree ba talaga ang nandito? Desiree... Ang tagal kitang hinintay. Desi---

"Sana si Desiree na lang ako. Para kahit man lang sa pagtulog mo, tinatawag mo ang pangalan ko." at tumayo siya. Iminulat ko na talaga ang mga mata ko at hindi pala si Desiree ang nakita ko...si Therese. Kinapa ko 'yung malamig na nasa noo ko. Bimpo ito. Ibig sabihin kanina pa siya nandito? Ano ano ang mga narinig niya? Ano ano ang mga nasasabi ko habang natutulog? Bakit ganun ang tono ng pananalita niya? Nasasaktan ba siya? Kanino? Marami akong gustong malaman pero may part sakin na ayaw ko narin malaman. Ewan. Magulo. Hay... Lalo lang ako mabibinat nito.

JEROME's POV

Hello EVERYONE!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hahaha! Anyway, on the way na ko sa bahay ng mga Zaragoza. To be specific, Aquino-Zaragoza. Tumawag kasi sakin si Therese at parang iiyak na. Oh wait! Wala po kaming affair okay? BFF ko 'yun kahit ayokong aminin. Hahaha! Just kidding. Little sister ko 'yun kahit hindi kami magkadugo kaya kapag may problema siya na gusto niyang ilabas agad agad, isang tawag lang niya sakin at e'to halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa kanila. Ano na naman kayang ginawa ng Tristan na 'yun at tinawagan na naman ako ni Therese. Hay sarap ihampas sa pader o kaya naman ibitin patiwarik. Parang nasa talampakan kasi ang utak ng lalaking 'yun at baka kapag ibinitin ko siya baka sakaling makapag-isip ng tama.

*kring* *kring*

sino 'to? Kung kelan naman ako nagmamadali saka may tumatawag. Hindi na ko nagabala pang tignan at agad ko itong sinagot.

"Hello?"

[San ka pre?]

hai! Anong trip ng taong 'to? Sinusumpa ko kapag ako nabangga at namatay, mumultuhin ko ang taong 'to.

"Papunta sa nowhere na hindi pinapapasok basta basta ang mga taong tulad mo. Bakit? Sasama ka?"

[Kasasabi mo nga lang na hindi ako pwede 'di ba tapos yayayain mo ko? 'teka, may ganun na ba ngayon?]

sa totoo lang, nakakaasar siyang nilalang. At talaga bang may utak ang isang 'to?

"'wag kang manggulo Martin." nakakapikon talaga ang kakulitan nito.

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon