A/N:
Second Pambawi! :D
Vote, Comment, Follow Guys.
=============================================================================
Chapter 18: New Adviser
MIKAELA THERESE's POV
Its been a week since nagkagulo kami ng dahil lang sa walang kwentang hinala pero, nagkaintindihan din naman kami lalo na nung kumain kami. Ang ingay rin pala ni Warren. Grabe, parang pinagsamang Jerome, Star, Martin at Drake lang pero nagkagulo na naman kami nang mag-away naman sila Star, Drake, Warren at Tristan sa pagbabayad ng bill. Ewan ko ba sa kanila. Masyado silang galante pero sa bandang huli...ang nagbayad, si Emmanuel. Kaya wala na silang nagawa. Ayan na sila, nag-aaway na naman. Nasa school kami ngayon at naghihintay ng teacher. Magta-time na ah.
"Therese, asan ba sila Roselle?" si Drake na nagte-text. Sino naman ka-text nito?
"Hindi daw sila makakapasok ulit. Ang sabi lang nila, 'wag tayong mag-alala." ako habang nagbabasa. Ewan ko ba. Trip kong magbasa eh.
"Ganun. 'yung dalawang 'yun talaga." nakita kong napailing siya. Kahit hindi niya aminin, nag-aalala din siya kila Roselle at Sunshine.
"Sus. Nag-aalala ka lang sa kanila eh." pang-aasar ko sa kanya. Ang hirap naman nitong paaminin. Bigla siyang napatingin sakin at kunot noong nagsalita.
"Hindi ah. Masyado kang magawa ng kwento." parang gusto kong matawa pero pinigilan ko lang. Maya maya lang ay naramdaman kong may umupo sa kabilang side ko kaya napalingon ako.
"Therese, kain na lang tayo sa labas. Nakalimutan ko 'yung baon ko." napakunot ang noo ko. Ano?
"Ano? Hindi ba itinabi ko na 'yun sa bag mo?" bulong ko sa kanya. Oo, si Tristan nga. Itinabi ko na nga 'yun sa bag niya eh tapos nakalimutan pa niya?
"Eh sa nakalimutan ko nga tsaka pati 'yung libro ko sa physics nakalimutan ko." napabuntong hininga na lang ako. Ano ba naman 'yun. Napaka-makakalimutin na agad niya?
"Tristan, sama ako. Nakalimutan ko rin eh." singit ni Drake samin na ikinakunot ng noo ni Tristan. Oo nga pala, pinayagan na niya kong makipag-kaibigan kila Drake sa hindi ko malamang dahilan eh pumayag siya.
"Bahala ka. Basta lumayo ka sakin." sabay tayo ni Tristan. Para siguro hindi na siya mahalata ng iba.
*bell rung*
"Time na pero wala parin ang adviser natin? Ano ba 'yan." si Drake na nakapalumbaba. Napatango na lang ako. Oo nga 'no. Maya maya lang ay nagbukas na 'yung pinto at pumasok ang isang lalaking naka-suit. 'teka, sino naman 'to?
"Good morning, I'm your new adviser for this whole year. I'm Henri Roche Reyes or simply, Sir Henri. And please, keep silence. Ayokong makarinig ng kahit na anong ingay or else, minus sa grade." sabay sabay na napa-angal ang lahat sa sinabi niya. Ang higpit naman ng teacher namin. Ano ba 'yan.
"Class. I'm serious here. May class record na ko kaya imbes na 80 or 75 ang ibigay ko sa inyo baka 70 na lang kaya when I said silence, keep silence. Understand." at sabay sabay kaming tumango. Ang higpit naman ng isang 'to.
"Okay class, open your book on page..." at ayun na nga at nagsimula na ang tahimik namin na klase.
*bell rung*
"Okay class dismiss." at nagsitayuan na kaming lahat. Kapag minamalas ka nga naman oh. Dalawa pala ang subject niya samin. Ang hirap pa naman ng mga subject niya. Physics lang naman at History. Ano ba naman 'yun. Napainat ako. Nakakapagod.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸
RomanceNot an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true love forgets and heals the memories of the past? And how far can you go just to protect the one you lo...