Chapter 38: Unbelievable!

3.9K 79 6
                                    

A/N:

Good Evening guys! How's everyone? Hehehe. Sorry kung ngayon lang ako mag-UD ng Campus Nerd ha. :) Sige mamaya na ko mag e-explain sainyo. Enjoy Reading~~~

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 38: Unbelievable!

MIKAELA THERESE's POV

"Hindi talaga ako makapaniwala."

"Oo nga."

"Baka naman ginayuma niya si papa Tristan." nangunot na lang ang noo ko sa naririnig ko. Nung nakaraan, pinakulam ko raw tapos ngayon, gayuma naman? *sigh* Well, I got used to it. For almost 2 weeks and a half, lagi na lang ganyan ang naririnig ko. *sigh* But the good news is, seryoso talaga si Tristan sakin. Itinuloy nga niya 'yung 'panliligaw' kuno niya sakin at e'to na nga, magti-3 weeks na niya kong nililigawan kaya ganyan ka-bitter yang mga yan. Hay...talaga naman oh.

"Therese!" sigaw ng kambal sakin na ikinalingon ko. Naglalakad kasi ako pabalik ng classroom. Bumili kasi ako ng makakain sa canteen dahil breaktime namin.

"Bakit? Oh, ano yan?" tanong ko sa kambal ng makaabot sila sakin.

"Ah, e'to ba? Props natin sa school play." sabi ni Roselle sabay pakita sakin yung laman ng plastic. Mga cartolina, kurtina?

"Pati kurtina? Para saan?"

"Basta. Kami nang bahala." nakangiting sabi ni Sunshine sabay hatak ng kambal sakin papasok ng classroom.

"Ay, ayan na siya."

"Oo nga."

"Tsk. Hindi naman maganda."

"Anong hindi! Ang ganda kaya ni Therese! Kung di lang ako naunahan ni Tristan, ako agad manliligaw diyan eh!"

"Tsk. I don't care about Tristan. Hindi pa naman sila kasal kaya bakit iniisip niyong wala ng pag-asa? Tsk. Ako, liligawan ko parin siya kahit na sila na ng Zaragoza na yun." mayabang na sabi ni Heinz. Ano daw? FYI, mage-eight months na kami ni Tristan na kasal no! *sigh* Pambihira. Ang landi talaga ng taong 'to.

"Tsk. Babaero ka kasi!" *sigh* Talaga naman oh. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Nakakaloka talagang maging girlfriend ni Tristan... Nakarating kami sa aming upuan ng may naririnig parin kaming bulong bulungan...hindi pala bulungan, pinaririnig talaga nila sakin! Nga pala, nasa harap ko na sila nakaupo. Huhuhu. Hindi ko kasi kayang malayo sa kambal na 'to kaya nakiusap ako kay Sir Henri. Buti at pumayag.

"Nakakaloka naman yang mga bitter na yan! Paano pa kaya kung malaman nila ang totoo?" si Roselle na nakanguso na naman. Napansin kong napatingin sa kanya si Shine sabay batok. Ayan tayo eh.

"Ang ingay mo talaga. Kambal ba talaga kita?" asar na tanong ni Shine kay Roselle na ikinasimangot niya sabay hampas sa braso ni Shine.

"Magkamuhka tayo kaya malamang!" napasapo na lang ako sa ulo ko. Talaga naman oh. *sigh*

"Kayong dalawa, ang ingay niyo." narinig kong sabi ni Drake sabay tabi sakin. Eh?

"DRAKE!?" sigaw naming tatlo.

"Oh, kailangan may sigaw pa? Tsk. Ka ingay talaga." sabi niya sabay pangalumbaba.

"Ikaw, Drake! Bakit half day ka na naman?! Lagot ka, nag quiz pa naman kami kanina." pananakot ni Roselle kay Drake. *sigh*

Campus Nerd married to Mr.Popular [COMPLETED] 🌸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon